"kamusta ang pinapatrabaho ko sayo hulyo?"
"mahal na prinsipe masaya ko pong ipinababatid sa inyo na nasakop na natin ang kahariaan ng veldosa."
"magaling.... Ilang kahariaan pa ang natitira sa kanluran?
"6 po mahal na prinsipe"
"ganoon ba? Ipagpaliban muna natin ang pananakop at paghandaan ang kaarawan ng hari."
"masusunod po.. Nga po pala prinsipe shaun"
"ano yun?"
"andyan narin po ang mga prinsesa"
"prinsesa?"
"opo mahal na prinsipe.. May ilang kaharian po ang nagpadala ng prinsesa dito sa pag asa po sigurong may mapili kayo at pumayag na maging kapareha at mabawi ang pamumuno sa kanilang lupain"
"hindi ko kailangan ng isang prinsesa.. Pero sige.. Hayaan mo sila sa gusto nilang gawin magsasawa rin sila..makakaalis kana hulyo"
itinuloy ko nalang ang pagaaral sa ibat ibang kaharian na aking balak sakupin ..bilang tagapag mana kailangan kong gawin to..
Ako si shaun pelovia.. Nagiisang anak ni fernando pelovia..
"minasea"-kaharian ng minasea..tanyag sa kanilang alak at tela..
Patuloy kong pinag aralan ang kaharian nila.. Si david minasea pala ang hari dito... Biyudo.. At may isang anak na babae..
Binuklat ko ang libro.. Walang kahit anong patungkol sa prinsesa ng kaharian nila ni litrato wala..
"nakapagtataka"-bulong ko sa sarile..
Oras na ng hapunan.. Bumababa na ko upang kumain kasabay ng mga panauhin..
"tumayo ang lahat sa pagdating ng prinsipe"-narinig kong sigaw ng usher
pumasok ako sa loob.. Nakita kong namangha ang mga panauhin..
"sya ba si prinsipe shaun?"-babaeng dilaw ang buhok
"hindi ko inaasahan na ganyan sya kakisig.."-babaeng pula ang buhok..
"magsitahimik"-sigaw ng mayordomo
"maligayang pagdating sa aming kaharian mga dilag.."-bati ko at nagbigay ng pag galang..
"sana'y magustuhan nyo aming ipinahanda"-dagdag ko pa.. Mababasa mo sa mga mata nila ang pamamangha
alam ko namang wala silang sinadya dito kung hindi kapangyarihan.. Kaya nga wala akong balak pumili sa kanila..
Lahat sila may motibo..pag nagpadala ako.. Ako ang talo..
Kung ako'y magkakaron ng katipan sisiguraduhin kong ang dahilan nto ay pagmamahal hindi kayaman o kapangyarihan..
Sabay sabay kaming kumain...
Pansin ko ang mgagarang kasootan ng mga prinsesang ito.. Kasama na ang mga alahas na nakaikot sa kanilang katawan...
Pare parehas silang yan lang ang mahalaga.. Kahit pa ibenta sila ng kanilang mga ama ayos lang..
Hindi ako pabor sa ganito.. Napagpasyahan kong umalis sa piging ng maaga..
Habang papalabas ako napansin ko ang isang babaeng hindi kagaraan ang soot... Walang korerete sa mukha...napaka simple pero kahit isa sa mga nakaharap ko kanina walang pumntay sa ganda nya..
"dilag"-maotoridad kong sambit..
"magandang gabe po mahal na prinsipe"-sagot nya sabay bigay ng paggalang
"hindi kita nakitang sumabay sa kanila... Isa kabang prinsesa?"-tanong ko
"ipag paumanhin nyo po ngunit isa lang po akong alipin ng isa sa kanila"-sagot nya..
"kung gayo'y bakit ka naririto sa loob?"-ang alipin kasi ay hindi maaring makihalubilo sa mga dugong bughaw maliban kung may ipag uutos sa kanila
"patawarin nyo po ako nais ko lang po kayong makita sa personal"-sya
"ano ba ang iyong pangalan dilag?"-tanong ko....
"aliyah mahal na prinsipe"-sagot nya sakin
huminga ako ng mamalim...
"sa susunod wag mung uulitin ang ginawa mo"-sabi ko sabay alis...
Iniwan ko ang alipin sa kanyang kinatatayuan...
Maganda sya... Sa unang tingin hindi mo aakalain na isa lamang syang alipin.. Sa kutis nya palang at itsura.. Mapanlinlang ang kanyang ganda..
Bumalik ako sa akingg silid para makapag pahinga....
BINABASA MO ANG
Seduce the prince
Romancekunin ang puso nya........ sa kahit anong paraan... yaan ang misyon ko bago ko napagtanto na sa una naming pagkikita ay nahulog na ko sakanya...