8

25.1K 481 10
                                    

Masyado akong maraming ginawa etong maghapon.. Ni hindi ko na ngang magawang lumabas sa aking silid... Maraming dapat pag aralan,asikasuhin...

Mamalim na ang gabi.. Naririnig kong nagkakatuwaan ang mga kawal.. Siguro ay may pinagsasayaw nanaman silang babae sa gitna.. Hinahayaan ko sila gawin ang ganyang bagay buhay naman kasi ang inaalay nila pag nakikipag laban sila...

Dumungaw ako sa bintana..

Tuwang tuwa sila nagpapalakpakan pa at nagkakantahan.. May tatlong mananayaw sa gitna.. Kilala ko yung dalawa mga sikat na mananayaw sila si abelida at amanda.. Padako ang tingin ko sa isa pa nilang kasama tila labag sa kalooban nya ang ginagawa nya...

Tinitigan ko ang babae..

At napamura ako sa isipan ko ng mapagtanto ko kung sino iyon..

Tumakbo ako palabas ng palasyo,.

"anong nangyayari dito..!"dumagongdong ang malakas kong sigaw na nakapagpatigil sa kasiyahan..

"prinsipe shaun kayo po pala nagkakasiyahan lamang po kami"kawal

napatingin ako kay rosa.. Nakatungo lamang sya..

"bumalik na kayo sa mga lugar nyo.."madiin kongsabi..bakas man ang pagtataka sa mga mata nila sumunod nalang sila...

"at kayong dalawa magbihis na kayo ng maayos na kasootan"patgpapatukoy ko kay abelida at amanda..

Kami nilang ni aliyah ang natira..

"mauuna narin po ako prinsipe shaun"aliyah..

"hindi sumama kasakin"

hinila ko sya sa may papunta sa may dulong bahagi ng hardin..

"nasaktan ka ba? Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya nag aalala ako..

Hindi sya sumasagot..

"tinanatong kita aliyah..??bakit ka ba pumayag na mag sayaw sa harap ng mga yon!"naghahalo halo nanaman ang emosyon ko emosyong hindi ko mapigilan..

Pumatak ang luha nya..

"wag... Patawarin mo ko wag kang umiyak.."

habang pinunasan ko ang luha nya..

"hindi ko naman pong kagustuhan yon nagdala lang po ako ng inumin ng bigla nila akong hilahin at piliting sumayaw"umiyak nyang sabe..

Niyakap ko sya.. May kung anong nagsasabi saking protektahan ko sya sa lahat ng bagay... Bagay na maaring makapanakit sa kanya..

Inakay kosya sa may bato at dun kami naupo.. Hinilig ko ang kanyang ulo sa aking balikat..

"wala nan makakagawa ng ganyan sayo aliyah.. Mula ngayon poprotektahan kita.."

napatingin sya sakin..

"kamahalan.. Ano pong sinasabe nyo?"

"shaun gusto ko pag tayong dalawa lang shaun ang itawag mo sakin.."

"pero kabastusan po iyon"sagot nya...

Tinititgan ko sya mata.. Bago sakin to..yung ganito gusto kong mapalapit sa kanya kasama sya palagi.. Siguro malalaman ko ang mga kasagutan sa tanong ko kung hahahayaan ko ang sarile kong sagutin ko ito kasama ang dahilan ng pag gulo ng isip ko..

"aliyah anong tingin mo sakin??"

"ha.. Ano pong... Klaseng tanong yan.."

dala ng liwanag ng bwan kitang kita ko ang pamumula ng pisngi nya..

"wala.. Wala.. Wag mo nan sagutin... Simula bukas wala kanang iabang susundin maliban kay rosa at sakin.. Maliwanag ba..?"

"po? Opo sige po..."

"at isa pa hindi pa ko matanda wag masyadong po"

nakita kong ngumiti sya..

"hmmmmmm prinsipe shaun.."

napalingon ako sa kanya..

"ano yon?"

"gusto nyo po ba si prinsesa rosa"tanong nya sabay yuko..

Hinawakan ko ang pisngi nya..

"hindi.."

"po?"

"sabi ko hindi"

"kung ganon po baki po kayo lage nakikipag kita sakanya.."

"bat marami kang tanong"

"ipagpatawad nyo po"sabay yuko nya

"biro lang.. Lage akong nakikipagkita sakanya kasi..."hinawakan ko pa ang isang pisnge nya..

Bakas sa kanya na naghihintay sya ng sagot..

"kasi......"dagdag ko pa... Nakakatwa ang mukha nya..

"dahil sayo"

"po????"

"sabi nan wag na po ee"

"ay ipagpatawad mo ..edi....hah!!??? Nalang.."

natawa naman ako kaya kinintalan ko sya ng mallit na halik...

---------

team shauniya?hahaha

Seduce the princeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon