2

35K 407 4
                                    

Sa wakas nakaharap ko na ang prinsipe ng pelovia..

Hindi mapagkakaila na isa syang dugong bughaw..ang kutis nyang kayumanggi..matangos na ilong..mapupungay na mata..mapupulang labi..bagay na bagay na maging isang hari...

Ano ba aliyah.. Hindi ka pumunta sa pelovia para hangaan ang prinsipe nila.. Andito ka para makuha sya hindi ikaw ang mahuhulog sa kanya...

Matagal kong pinagaralan ang kahariang ito.. Ang mga pasikot sikot.. Mga patakaran at kung ano ano pa..

Pinag aralan ko maging ang kanilang pamilya.. Lalo na si shaun..

Napag alaman kong walang hilig sa babae ang prinsipe.. Tiyak na mahihirapan ako..

Hindi sa mababang babae ako pero ito lang ang tanging paraan para mailigtas ko ang kaharian namin...

Mahina na si ama.. Kung hindi ko gagawin to.. Paano na kami.. Kahit pa ibigay ko ang sarili ko gagawin ko..

Namasukan akong alipin ng isa sa mga prinsesang patungo sa pelovia...

Kakaiba si shaun dahil hindi kagaya ng iba hindi sya pabor sa pagpapakasal sa kapwa maharlika.. Kaya pinili kong maging isang alipin...

Sana'y gabayan ako ng nasa taas para naman magawa ko to ng maayos..

Hindi namin kakayanin ang pelovia pag dating sa digmaan kaya ito ako ngayon...

"nasaan na ang mga kasootan ko alipin! Madali!"-prinsesa rosa

ang sama ng ugali ng babaeng ito.. Walang pakundanggan..

"ito na po mahal na prinsesa"

tinulungan ko syang isuot ito..

"maganda na ba ko?"-tanong nya sakin

"opo mahal na prinsesa.."

tinignan nya ko mula ulo hanggang paa..

"sinong mas maganda sating dalawa?"

"kayo po."-sabay tungo ko..

"alam ko...alipin kalang at diyos mo ko wala kang patama"

gusto kong laslasin ng punyal ang leeg nya pero hindi ko yun magagawa nakakainis lang...

"magkikita kami ni shaun.. Sana magustuhan nya ko.."-prinsesa rosa

hindi rosa... Hindi ako ang magugustuhan nya kukunin ko sya... Ako lang...

Kasama ako ni prinsesa rosa... Taga dala ng kung ano ano,..

Nadatnan naming nakasakay si shaun sa kabayo..

Bumilis ang tibok ng dibdib ko.. Kinakabahan ba ko?

Hindi ee kakaiba to hindi ito kaba...

"how......"-shaun..

"magandang araw prinsipe shaun.."-bati ni rosa..

Yumuko naman ako ng bahagya bilang pag galang...

Pinapayungan ko si prinsesa rosa..

"magandang umaga rin naman.. Marunong kaba ng ekwestreya prinsesa?"- shaun...

"ha....e.. Ah..o-...oo naman"-rosa

"maganda kung ganun.. Tara at mangabayo.. Pumili ka na ng gagamitin mo..."- shaun

tila pinagpapawisan ng malapot si rosa.. Mukhang hindi sya marunong..

Agad pumili si rosa..

Pinapanood ko sila habang paikot ikot...

Napatayo ako ng mapansing nagwawala ang kabayo ni rosa...

Itinakbo sya nito sa di kalayuan..

Agad akong kumuha ng kabayo..

"kyahhhhhhhhhh!"-sigaw ko..

Isa sa mga pinagaralan ko ay ang pagpapatakbo nito..

Matulin kong pinatakbo ang kabayo..wala akong takot na mahulog...

Naabutan ko si shaun na katulod ko'y hinahabol din ang kabayo na lulan si rosa..

"kyahhhhhhh!"

nalagpasan ko si shaun...

At naabutan si rosa..

"how ! How! Tssssskk"-ako..

"mahal na prinsesa makakababa na po kayo..."-ako

"salamat..akal ko katapusan ko na..."-prinsesa rosa..

Maya maya pa'y nakarating nadin din si shaun kasama ang ilang mga kawal..

Ipinasakay na sa karwahe si rosa.. Naiwan kami ni shaun sa kakahuyan

"mahal na prinsipe mauuna na po ako..."-sabi ko

akmang sasakay na ko ng kabayo pero pinigilan ako ni shaun..

"saan ka natuto mangabayo ? Sa paraan mo ng pagpapatakbo nito isa kang propesyonal..."-maitim na titig nya sakin..

Mali ata yung ginawa ko.. Hay mahuhuli ako nito e

"nagtrabaho po ako sa rancho mahal na prinsipe.. Ngayon kung mamarapatin nyo po baka kailanganin ako ni prinsesa rosa"

binitiwan nya ko..siguro tama rin yon.. Mas napapansi nya ko mas napapalapit ako sa knya.. Konti pa prinsipe shaun ... Konti pa..

Mapapasakin ka..

Seduce the princeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon