Elle POV
"Hello Ma?"
'Anak . . . . Ang Papa mo. *sniff* Anak . . . *sniff*'
"Po?!! Ma bakit anong nangyari?"
'Anak dinala siya kanina dito sa hospital ginagawa niya kasi yung bubong natin, tapos bigla siyang nahulog. Anak napuruhan ang binti ng Papa mo baka maaaring putulin kung hindi agad maagapan sabi ng doktor. Kailangan na daw operahan sa lalong madaling panahon, papalagyan ng bakal. Kaso anak ang mahal ng sinisingil samin. Yung pinagsamang sweldo ng kuya mo kulang pa. Pasensya kana anak, talagang wala lang kaming pwedeng hingan ng tulong. . .'
"Ma wag po kayong magalala ako po ang bahala kay Papa, maghahanap po ako ng trabaho. Wag na po kayong magisip ng magisip baka kayo naman po ang mahospital niyan eh. "
'JM!! Ma si JM po ba yan? Pakausap. . . . JM?'
"Hello Kuya George"
'Bunso sorry ah. Wala kaming magawa. Ayaw na sanaaming sabihin sayo eh kaso itong si Mama ang kulit, alam mo namang ayaw ka naming pinagtatrabaho pero kaylangan eh. Pasensya kana bunso, babawi nalang si kuya ha? I love you. '
"Sige po Kuya I love you too pati po kay Mama. "
Lord! Kayo na pong bahala kay Papa wag niyo po siyang papabayaan. Please
Shin POV
*Lunch Break*
Ayan tapos na! Haha
Sabay taas ko ng papel at nagtatalon? Basta, buti nalang nagkaroon na ako ng tamang tiyempo at tamang oras para gawin tong last plan na to. Talagang umaayon sakin ang lahat. Bwahahaha