Chapter 2

10.8K 361 10
                                    

NOAH

"Hey bro!" bati sa akin ng pinsan kong si Isaac. Pareho kaming nag-aaral sa public school. Nasa senior high na kami.

Balak naming mag-Navy. Ang ibang pinsan namin ay sa Philippine Air Force at Philippine Marine. Sa PMA din kami mag-aaral pagkatapos namin ng Senior High.

"Anong ginagawa mo dito gago?" tanong ko. Bigla akong binatukan ng pinsan ko.

"Gago ka din! Sumbong kaya kita sa Nanay mo?" pagbabanta sa akin.

"Sumbong ka! Isumbong naman kita kay Lola! Sasabihin ko nambabae ka na naman! Lagot ka doon!" nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko.

"Subukan mo lang gago ka! Baka ipakain kita sa pating!" nagtawanan kaming dalawa. Ganito kami magbiruan. Naggagaguhan lang.

"Musta na nga pala ang pagtatago mo kay Shiela?" tanong ko. Napakababaero kasi kaya nakatapat ng isang babaeng may saltik. Hindi kasi siya tinitigilan nito.

"Muntik na nga akong mahuli. Gago kasi itong si Jacob sukat ba namang sabihin na dumating na ako. Gago talaga iyon. Buti kamo nakapagtago ako. Palibahasa kasi iniwanan ng syota kaya naghihiganti sa akin," sabi nito.

Umuwi kasi ito sa condo nito. Imbes na umuwi sa bahay nila Tita at Tito. Gusto sigurong mag-uwi ng babae kaya doon nag-stay sa condo niya.

Nabalitaan ko na nagkahiwalay na nga si Dria at Jacob. Hindi ko alam kung anong issue nila. Mas ahead sa amin si Jacob ng isang taon. Kaya halos magkakasing- age lang kami. Si Kuya Logan naman mas ahead sa amin ng tatlong taon.

"Oh, hayan na pala ang girlfriend mo. Sinusundo ka na!" nakita kong palapit si Angel.

Tumayo ako para lapitan ito. She's like an angel. Ngiti palang matutunaw ka na.

"Hi, sweetheart," bati ko sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi nito.

"Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala," sabi nito. Kinabig ko siya palapit sa akin.

"Nag-usap lang kami ni Sac." hinalikhalikan ko ang kanyang buhok.

"Makaalis na nga. Maglalampungan lang kayo sa harapan ko. Bye lovers!" paalam ni Isaac sa amin.

Naiwan kaming dalawa ng girlfriend ko sa room.

"Bakit parang ang lungkot mo?" tanong ko kay Angel.

"Inaway na naman ako ng kakambal ko. Ginagawa ko naman ang lahat para magkalapit kami pero siya itong laging nang-aaway sa akin at inilalayo ang sarili sa akin." Napahilig ito sa balikat ko.

"Bakit kasi pinipilit mo pa ang kapatid mong maging mabuti sa iyo? She's a b*tch. Huwag mo na siyang lalapitan pa baka saktan ka niya ulit." Sabi ko.

Minsan kasing nakita kong sinaktan niya ang kapatid dahil gusto lang makipag-ayos ng nobya ko.

"Mahal ko siya dahil magkapatid kami at magkakambal pa." Napabuntonghininga ako.

Napakabait ni Angel. Bagay na bagay niya ang pangalang Angel. Kahit na magkamukha sila. Mas matapang ang hitsura ni Heaven kaysa kay Angel.

HEAVEN

"ATE Heaven, thank you sa food na ibinigay mo sa amin." Napangiti ako kay Mary ang batang lagi kong binibigyan ng pagkain dito sa harapan ng school namin.

Naawa kasi ako sa mga batang namamalimos dito sa harapan ng school. Wala man lang nagbibigay sa kanila. Meron man madalang lang. Bumibili ako lagi ng pagkain nila. Kapag umuuwi ako lagi silang may take out. Napapasya kasi nila ako. My life is full of sadness.

"Kumain lang kayo. Alam kong gutom na gutom na kayo. " Hinaplos ko ang buhok nito.

"Ate, bakit binibigyan mo kami ng pagkain? Hindi ba mayaman ka? Dapat nandidiri ka sa amin kasi pulubi lang kami?" sabi ng isang bata sa akin.

BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon