NOAH
"Grabe ka Noah ginawa mo ng libangan ang buntisin ang asawa mo taon-taon. Imagine mo nakalima ka na walang palya. Kada-isang taon buntis ang asawa mo. Baka naman may kasunod pa iyan," sabi ni Isaac. Napangisi ako.
Hindi ko pa pina-tubal ligation si Heaven. Ayaw din naman nito. Kaya ko namang suportahan ang mga anak ko. Masaya ako at okay naman ang kalagayan ng asawa ko. Akala ko nga apat lang ang magiging anak namin. Pero nagkamali ako. Ang panganay ko ay si Sky nasa 8 years old na. Ang pangalawa ay si Cloud nasa 7 years old. Ang pangatlo ay si Sunny na nasa 6 years old. Ang pang-apat ay si Rain nasa 5 years old at ang bunso si Storm nasa 3 years old. Buti nga nitong huli may pagitan na. Palagi na kasi akong nalalayo sa mag-iina ko. Kaya hindi nakakaariba ng maayos.
"Kahit madami ang anak ko ibibigay ko lahat ng pangangailangan nila. Mas lalo na sa Misis ko. Paliligayahin ko tuwing pagsapit ng gabing madilim" napatawa ako sa sinabi ko.
"Kaya pala ganyan kadami ang mga anak mo. Inaraw-araw mo yata. Maawa ka naman kay Heaven!" sabi ni Isaac the carabao.
"Kahit naman araw-araw iyon maingat naman ako. Hindi ko hinahayaan masaktan siya." Napapahalinghing nga sa sarap ang asawa ko. Magaling naman kasi akong magromonsa.
"Kami ni Marieyah usapan namin, dalawa lang talaga ang anak namin. Para makakaariba pa ako at may oras kami sa isa't isa. Alam mo naman na busy kami pareho sa trabaho namin. Kaya mas pinili naming konti lang ang anak." sabi ni Isaac. Ako kasi gusto ko madaming anak. Mas madami mas masaya. Sila ang kasiyahan ko sa buhay wala ng iba.
"Well, iba iba naman kasi tayo ng pananaw sa buhay. Ikaw kasi hindi ka marunong mag-alaga ng anak. Kaya mas gusto mo konti lang," sabi ko. Napangisi si Isaac.
"Mas okay na iyon. Baka wala na kaming oras ni Marieyah sa isa't isa kapag madami kaming anak. Paano ako didiskarte?" napailing ako sa sinabi ni Isaac. Mahina kasi itong si Isaac sa diskartehan.
"Gago! Ako nga nakalima. Nakakadiskarte naman kahit paano," pagmamalaki ko. Tamang tiyempo lang kasi yan. Napangisi ako.
"Noah, I have a surprise for you!" napalingon kami pareho ni Isaac sa kadarating ko lang na asawa. Nasa tabi nito si Storm na may hawak na lobo at ice cream. Puro na mantsa ang puti nitong damit dahil sa icecream flavor na chocolate. Tumayo ako para bigyan ng halik ang asawa ko.
"Anong surprise iyon sweetheart?" tanong ko sa asawa ko. May dinukot itong papel at ibingay sa akin.
"Mukhang may madagdag, ah?" birong sabi ni Isaac.
Tinapik niya ang balikat ko. Tiningnan ko ang papel at nakita kong positive. Buntis ulit ang asawa ko. Kung si Kuya Alex nahihimatay everytime buntis ang asawa niya. Ako napapatalon. Proud akong magkakaanak muli dahil gusto ko naman iyon. Lumaki kasi akong mag-isa. Wala akong kapatid kaya bumabawi lamang ako ngayon. Mas madami mas masaya. Nayakap ko ang asawa ko at hinagkan ang labi nito.
"Thank you, sweetheart! Magkaka-baby na naman tayo," sabi ko.
"Whoah congrats sa inyong dalawa. Let's celebrate anim na ang anak mong gago ka!" sabi ng pinsan kong si Isaac.
"Mommy ano ang ibig sabihin ng gago ka?" nakakunot na tanong ni Storm sa ina." napakamot ng ulo si Heaven. Pinanlakihan ko ng mata si Isaac.
"Bad iyon anak. Kasing bad ng Tito Isaac mo." natatawang sabi ko.
"Huwag mong sasabihin iyon mababaog ka." birong dagdag ko. Hinampas ako ni Heaven sa biro ko.
"Basta anak huwag mong sasabihin iyon. Bad words iyon eh" tumango ang anak namin.
Binasa ko ang papel at nakita kong dalawang buwan ng buntis na ang asawa ko.Inakbayan ko ang asawa ko. Napatingin sa akin ang asawa kong ubod ng ganda. Nagngitian kaming dalawa.
"Makauwi na nga lang nang-iinggit kayo sa akin." paalam ni Isaac. Sumibat na ito.
"Sweetheart, huling pagbubuntis mo na ito. Ayoko naman na mahirapan ka sa pagbubuntis mo." inirapan ako ng asawa ko.
"Ngayon mo pa sasabihin iyan nakaanim na tayo." sabi nito. Napatawa ako ng mahina. Dahil totoo naman. Bakit ngayon ko pa sasabihin iyon kung kailan mag-aanim na ang anak namin.
ARAW ng kapanganakan ni Heaven. Nagleave muna ako sa trabaho ko. Para mabantayan ko ng maigi ang asawa ko. Lalaki na naman ang anak namin. Papangalanan naming Winter. Natutuwa nga ang mga pinsan ko dahil puro daw weather ang mga pangalan ng mga anak ko. Biro nga nila dapat daw may PAGASA na name sa mga anak namin. Buti nga madali lang manganak ang asawa ko. Kaya hindi naman ito nahihirapan sa panganganak.
Napangiti ako ng makita ko na ang anak naming si Winter. Nasa tabi ito ni Heaven.
"Ang cute cute ng anak natin Noah oh." humikab ang anak namin. Hinaplos ko ang buhik nito gamit ang hintuturo ko. He is so tiny. Mamula mula ang balat nito. Kahit kakapanganak palang makapal na ang buhok nito.
"Namana niya ang kapal ng buhok mo" sabi sa akin ni Heaven.
"Oo nga siguradong kamukha ko na naman ito." I chuckled. Inirapan ako ni Heaven.
"Ang unfair ako ang nagdala ng siyam na buwan tapos kamukha mo lang." napanguso ito. I pinched her nose.
"Siyempre ako ang tatay. Alangan naman kamukha ng iba," sabi ko. Kinurot niya ang tagiliran ko kaya napalayo ako ng konti.
"Sweetheart naman." Malambing na sabi ko.
"Love you, Noah." malambing na sabi ng asawa ko.
"Love you too, sweetheart. You and Me forever." Sambit ko. Hinagkan ko ang labi ng asawa ko.
Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13
BINABASA MO ANG
BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)
Storie d'amoreBARAKO SERIES: #6 Sa mura nilang edad isang pangako ang binitawan nila sa isa't isa. Mapapatunayan ba nito ang tatag ng pagmamahalan sa isa't isa? Kung ang taong sisira sa inyo ang sarili mong kadugo? (Noah Dela Costa Story)