(Noah POV)
Matapos ang insidente ng pagkidnap sa mga teachers, naging mahigpit na kami sa pagbabantay sa paligid. Kahit sa bandang dagat pari na sa kakahuyan na malapit sa eskwelahan ay pinakordon ko na para maiwasan muli ang nangyaring insidente.
Sobrang takot ko na baka may masamang nanhyari kay Aven. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Commander okay na po iyong area sa may bandang timog clear po." pupuntahan namin ang isang lugar na malapit sa may simbahan ng mga muslim. May intelligence report na may naliligaw na mga terorista sa lugar na iyon. Kaya pinabantayan ko baka isusunod nilang targetin iyon. Mas mabuti ng nag-iingat.
"Hindi dapat tayo magpakampante. Men make sure bawat entry at exit may checkpoint. Hingan niyo ng ID kung kinakailangan.
"Copy Sir!" sumaludo ito sa akin.
Naglakad lakad ako sa paligid ng eskwelahan. Pasilip silip ako sa mga bawat room. Napangiti ako ng makita ko ang sweetheart ko.
Bagay na bagay sa kanya ang maging teacher. Pagkakaalam ko isa siyang honor student ng nag graduate sa kolehiyo sa america. Kahit naman noong high school kami consistent honor student si Aven.
"Good morning sweetheart" bati ko kay Aven. Napatingin ito sa akin nagkakulay ang mundo ko ng sumilay sa kanyang labi ang matamis na ngiti.
"Noah, napadaan ka?" sabi nito.
"I'm just checking the place and of course para masilayan ang pinakamagandang binibini na nasa harapan ko" nginitian ko ito.
Napatawa ng mahina si Aven sa sinabi ko.
"Binibini ka diyan. Ang bolero mo Noah" sabi nito.
"It's true sweetheart. Binibini kong maganda" inirapan niya ako.
"Nag-aalala ako Noah sa seguridad ng lugar. Kawawa ang mga bata kapag umatake na naman ang mga terorista" napatingin ito sa mga batang tinuturuan nito. She is true an angel. Napakabait niya sa kahit kaninong tao. Unlike Angel hindi ito nakikihalubilo sa mga mahihirap. Pero si Aven mapagbigay siya sa mga taong nangangailangan kahit hindi naman niya ito kilala.
"Don't worry naghigpit na kami sa pagbabantay. 24 hours ang ginawa na naming pagcheck point."
"Mag-ingat din kayo halang ang kaluluwa ng mga terorista."
"Of course mag-iingat ako para sa iyo sweetheart" sabay kindat ko dito. Hinampas niya ako sa dibdib ko. Pero hinuli ko ang kamay nito at hinalikan ang likod ng kamay niya.
"Ang landi mo Noah. Magbantay ka na doon hindi ako ang binabantayan mo magtuturo na ako. Istorbo ka" sabi nito.
"Okay, sweetheart see you" ngumuso ako na parang hahalik sa kanya. Natatawang tinalikuran ako ni Aven. Masaya ako dahil hindi na ito ilag sa akin.
PUMASOK na ako sa kampo namin. Nakasalubong ko ang babaeng lagi nandito para magtinda ng meryenda.
"Hi, Commander Noah. Ito oh, may natira pang meryenda. Tinirhan talaga kita." sabi nito.
Nakasuot ito ng off shoulder na blouse and palda na sobrang ikli. Hindi ko alam kung anong klaseng damit pa ba iyon. Napansin kong binaba niya pa ang off shoulder nito kaya nakikita na ang cleavage nito. Pero wala naman sa akin kahit maghubad pa siya sa harapan ko dahil hindi naman ako tinatalaban sa ganoon. Siguro kapag si Aven ang gagawa niyon baka maglaway pa ako.
"No thanks nagmeryenda na ako sa school na binantayan namin. " pagsisinungaling ko. Ayoko na magbigay ng motibo na may gusto ako sa kanya. Iisang babae lang ang minahal ko. Si Aven iyon wala ng iba.
BINABASA MO ANG
BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)
RomanceBARAKO SERIES: #6 Sa mura nilang edad isang pangako ang binitawan nila sa isa't isa. Mapapatunayan ba nito ang tatag ng pagmamahalan sa isa't isa? Kung ang taong sisira sa inyo ang sarili mong kadugo? (Noah Dela Costa Story)