NOAH
ISANG buwan lang ang pinagstay ko sa hospital. Okay naman na ang mga tama ko. Ayaw kong matengga sa hospital feeling ko ikamamatay ko ang pagstay doon ng matagal. Para kasi akong kinukuling doon. At ayaw ko sa lahat ang amoy ng hospital para akong hindi makahinga.
Mabilis lang ang paggaling ko dahil lagi akong dinadalaw ng mahal kong Aven. Siya ang aking gamot at kalakasan.
"Ano kaya mo ng umariba? Aba one month lang ang pinahinga mo sasabak ka na kaagad? Lupit mo bro!" sabi ng pinsan kong siraulo na abnormal pa.
"May kasalanan ka pa sa aking gago ka! Pinalipas ko lang ang isang buwan dahil mahina pa ako. Ngayon kaya na kitang sipain palabas ng Pilipinas!" singhal ko sa pinsan ko. Nakakabanas naman kasi ang pagmumukha nito. Naiinis ako sa ginawa niyang pagpapaiyak kay Aven.
"Grabe naman labas talaga ng Pilipinas. Huwag ganun tingnan mo ngang iniiwasan ko na nga si Aven mo. Mas malala sa iyo iyun. Baka ipatapon ako sa Africa." napapailing talaga ako kay Isaac. Pinakasiraulo sa lahat ng pinsan ko. Mukha siyang batang isip knowing mataas ang position niya sa Philippine Navy. Paano kaya nangyari iyon?
"Kunin mo itong mga gamit ko. Para naman may pakinabang ka! Paano ba nagkagusto sa iyo si Marieyah?! Ang abnormal mo pa naman." sabi ko.
Hindi ko akalain na magiging sila. Mukha silang aso't pusa kung mag-away kulang na lang magwrestling silang dalawa kapag nagkikita. Feeling ko nga masusunog ako kapag kasama ko ang dalawa dahil laging nagtatalo. Para kasing magbubugahan na ng apoy.
"Siyempre malakas ang sex appeal ko. Ang macho at ang pogi ko kaya." napangiwi ako. Tama nga si Marieyah mukha siyang kalabaw.
"Sipain ko etits mo diyan eh. Tingnan natin hanggang saan iyang kahambugan mo. Mukha kang kalabaw!" sabi ko sabay talikod sa kanya. Natatawa akong naglakad. Nagsisigaw si Isaac na parang baliw. Napapailing na lang ako abnormal talaga.
❤❤❤
"Okay ka na ba talaga Noah? Baka naman may masakit pa sa iyo? Kung bakit kasi nagpadischarge ka na. Baka bumuka pa iyang sugat mo" napangiti ako sa pag-aalala sa akin ni Aven.
"Sweetheart, okay na ako. Tsaka sa opisina lang naman ako. Hindi pa ako sasabak sa labanan. Kaya huwag kang mag-alala." sabi ko.
"Nagwo-worry lang naman ako sa kalagayan mo. May opera ka diyan sa puso mo hindi naman sa balikat lang. Internal ang tama mo." sinimangutan niya ako.
Hinawakan ko ang kamay nito at hinalikan ang likod ng kamay nito.
"Thank you, sweetheart for being concern. But I assure you okay na ako. Hindi naman siguro papayag ang doctor ko kung hindi pa okay ang mga sugat ko." pagpapaliwanag ko.
"Sure ka, huh? Naku kung bumuka iyang sugat mo hindi ka namin palalabasin ng hospital hangga't hindi naghihilom ang opera mo" nakangusong sabi nito. Tumango ako.
"I love you, sweetheart" sabi ko. Biglang namula ang pisngi ni Aven. Hinampas niya ako ng mahina sa balikat.
"I love you din," nahihiya niyang sabi. Kinabig ko si Aven binigyan ko siya ng halik sa sintindo nito.
"Totoo iyon. sweetheart. I really love it so much."
"Eh! Totoo din naman sinabi ko."
"Bakit sinabi ko bang hindi totoo iyon? I know you love me too. Nararamdaman ko iyon sweetheart." nagkatitigan kami ni Aven. Nilapit ko ang ulo ko para halikan ang labi nito ng bumukas ang pinto ng opisina ko.
BINABASA MO ANG
BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)
RomanceBARAKO SERIES: #6 Sa mura nilang edad isang pangako ang binitawan nila sa isa't isa. Mapapatunayan ba nito ang tatag ng pagmamahalan sa isa't isa? Kung ang taong sisira sa inyo ang sarili mong kadugo? (Noah Dela Costa Story)