Chapter 21

10.3K 337 11
                                    

HEAVEN

Ilang buwan ang hinintay namin about sa kaso ni Angel. Pero bigo pa din kaming malaman kung nasaan na ito? Walang trace kung buhay ba ito o patay na? Nasaan ang bangkay niya?

Hindi naman nagsalita ang asawa nito.  Kaya back to zero uli kami. Naghahanap kami sa wala. Nag-aalala ako kay Heaven. Lalo pa't buntis ang asawa ko. Ayaw kong ma-stress siya sa paghahanap sa kakambal niya. Baka maapektuhan ang baby namin.

"Sweetheart, ako na lang ang mag-aasikaso sa kaso ni Angel. Dito ka na lang sa bahay. Alam mong bawal sa iyo ang ma-stress. Unang baby pa naman natin iyan. Magtiwala kang mahahanap din natin si Angel." hinagkan ko ang tungki ng kanyang ilong. Napabuntong hininga ito.

"Sorry dahil hindi ko na naisip ang baby natin. Huwag kang mag-alala aalagaan ko ang sarili ko para sa baby natin. " sabi ng asawa ko.

"Basta akong bahala. Hindi ako titigil hangga't hindi natin nakikita si Angel. Magtiwala tayong mahahanap natin siya." yumakap ang asawa ko sa akin. Hinaplos ko ang tiyan nitong may umbok na.

NAPATAYO ako nang sabihin ni Isaac na may nakakita kay Angel na nasa poder ng mga rebelde.

"Bakit nandoon siya?" tanong ko sa pinsan ko.

"Ayon sa intelligence report naging miyembro ng mga rebelde si Angel. May nakakita na namuno siya sa grupo. Nakaengkwentro ng brigade nila Jacob ang grupo na pinamumunuan ni Angel. Kaya confirm she is alive." napaupo ako sa sofa. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko kay Heaven ang nakuha kong balita. Nangako pa naman ako na kapag may balita kay Angel sasabihin ko sa asawa ko.

"Anong gagawin mo Noah? Sasabihin mo ba ito kay Heaven?" tanong ng pinsan kong si Isaac. Napahilamos ako ng mukha. Umiling ako.

"I'm not sure, bro. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko sa kanya. Natatakot akong baka may mangyaring masama kay Heaven. Alam mo naman buntis siya," sabi ko.

"Mas mabuti ng sabihin mo. Alam naman siguro ni Heaven na hindi dapat ma-stress ang buntis. Basta paliwanagan mo na lang. Maiintindihan niya iyon. Kaysa naman malaman niya sa iba. Mas malala ang mangyayari." Napahugot ako ng malalim na hininga.

"You have a point." Pagsang-ayon ko kay Isaac. Kahit siraulo ito kapag sa ganitong seryosohan may pakinabang din siya.

HINANAP ko sa buong kabahayan si Heaven pero wala ito. Hindi naman siya nagtext kung aalis siya. Pinuntahan ko ang garden namin baka nandoon si Heaven. Napahinga ako ng maluwag ng makita ko itong nakaupo at naggagantsilyo.

"Sweetheart, akala ko wala ka dito. Nandito ka lang pala." sabi ko. Umupo ako sa tabi niya. Kinintalan ko ng halik ang kanyang noo.

"Sorry tinatapos ko na kasi itong bonet ng baby natin. Kapag lumabas siya ito ang isusuot niya." napangiti ito. Ipinakita niya sa akin ang malapit ng matapos na bonet ng baby namin.

 Beautiful," sabi ko.

Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita muli. Tiningnan ko muna ang mukha ng asawa ko. Tinitimbang ko kung maayos siya at hindi naman malungkot. Nakikita kong masaya ang aura niya.

"Sweetheart, may balita na ako about kay Angel." sabi ko. Napaangat ng tingin ang asawa ko. Itinigil niya muna ang ginagawa niyang gantsilyo.

"What news about her?" tanong nito sa akin.

"She is confirmed alive. But. . ." napatigil ako dahil tila nag-aalangan ako na sabihin sa kanya ang nalaman ko. Nandito na naman kasi ang problema na kakaharapin ng asawa ko. Siguradong mag-aalala na naman siya kapag nalaman niya ang totoo.

"But? Tell me Noah please." Pakiusap nito. Naibaba nito ang bonet. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Nasa kanlungan siya ng mga rebeldeng komunista. Naging miyembro na siya ng kilusan. Na encounter nila Jacob ang grupo na pinamumunuan mismo ni Angel. Kaya talagang siguradong kaanib na siya ng komunista." nalulungkot ako sa sinapit ni Angel. Alam kong may kasalanan din naman ako. Kung sana naghiwalay kami ng maayos hindi mangyayari ito. Alam ko na masama ang ginawa kong pagpapahiya sa kanya noon. Pinagsisihan ko ang ginawa kong iyon. Nakita kong napaluha ang asawa ko.

"Nagpapasalamat ako buhay siya. Pero nalulungkot ako sa piniling buhay ng kakambal ko. Kung puwede ko nga lang kausapin siya, hindi naman puwede." 

Hinagod ko ang likod ng asawa ko. "Gagawa kami ng paraan sweetheart para makausap namin si Angel. Alam kong mahirap pero susubukan namin." napayakap sa akin si Heaven.

"Ipagdasal natin ang kaligtasan niya. Umasa tayong magbabago pa ng landas si Angel," sabi ko.

NAKAPANGANAK na si Heaven. Naging maayos naman ang panganganak nito. Buong pamilya naming ay sobrang saya. Dumating ang bagong miyembro ng pamilya. Limang buwan na mula ng manganak ang asawa ko. Madedestino na naman ako sa malayo. As usual Mindanao pa din. Kaya I spend more time with my wife and my son.

Kaya kahit pagod sa trabaho ako ang gumigising kapag iiyak ang anak naming. Ayoko din naman mapagod si Heaven. Hindi ko na din siya pinagturo pa. Gusto kong sa bahay na lang siya. Alagaan ang anak namin.

"Ilang months ka na naman sa Mindanao?" tanong ni Heaven sa akin. Napabuntonghininga ako.

"Isang taon ang destino ko doon sa Jolo, sweetheart. " Malungkot na sabi ko.

"Basta mag-ingat ka palagi doon. Tsaka walang babae. Naku puputulan kita kapag nambabae ka pa." pagbabanta nito sa akin. Napatawa ako sa asawa ko.

"You know me sweetheart. Kahit tigang na tigang na ako kapag naiisip ko ikaw nagiging alive ang kasundaluhan ko," sabi ko. Kinurot ni Heaven ang tagiliran ko, kaya napalayo ako.

" Sweetheart, sulitin natin ang natitirang araw ko. Umariba tayo ng umariba para makarami. Alam mo namang magiging tigang ang kasundaluhan ko. Si mariang palad lang ang katuwang ko sa isang taon." Natatawang sabi ko. Napahagikgik ang asawa ko sa sinabi ko.

"Okay, humanda ka mamayang gabi. Puwede naman na tayo magloving-loving," sabi ng asawa ko. Napangiti ko.

Pagsapit ng gabi hindi na ako makapaghintay na magloving loving kami. Kailangan kumayod ng kumayod. Para sa ikakayaman ng bansang Pilipinas. Mali pala para sa ikabubuti ng kasundaluhan ko.

"Sweetheart, ready ka na ba?" napakagat ako ng labi ng makita ko si Heaven na nakasuot ng lingerie na halos aninag ko na ang kanyang dalawang bundok. Pati na ang kalbong kagubatan. Napalunok ako ng laway ko. Para akong si The flash. Hinubad ko na ang boxer ko dahil iyon lang ang suot ko. Biglang nagsalute ang kasundaluhan ko. Nakita kong napakagat ng labi si Heaven ng Makita niyang handa na ang nag-uumigting kong cobra.

" War time sweetheart. Be ready. Ang machine gun ko handa na sa pagpapasabog sa loob ng kuweba mo. Loaded na siya," sabi ko sa asawa ko. Pumuwesto na ako sa ibabaw niya.

Kailangang makarami ngayon gabi. Napangisi ako.

Copyright©2018All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13



BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon