NOAH
Mula ng malaman ni Heaven ang pagkamatay ng kapatid niya. Hindi niya ako kinakausap. Ni hindi niya ako matingnan sa mga mata. Nasasaktan ako sa panlalamig ng asawa ko sa akin.
"Swetheart, kumain ka na. Nakahanda na ang hapunan natin," hindi ito kumibo. Nanatili lang itong nakatalikod habang nakatanaw sa bintana. "Please, sweetheart. Kahit konti lang para malamnan ang tiyan mo. Nahihirapan akong makita kang ganyan. Nasasaktan ako dahil hindi mo ako kinikibo. Alam kong masakit ang nangyari sa kapatid mo. Pero ginawa naman nila ang lahat para mailigtas si Angel. Sadyang napaka-demonyo ng asawa niya. Walang kaluluwa." Napahikbi si Heaven. Tinabihan ko ito at niyakap.
"Sweetheart, nandito pa ako. Hindi kita iiwan. Para sa akin lumaban ka naman. Mahal na mahal kita," sabi ko. Hinagkan ko ang kanyang sintido. Napangiti ako nang yumakap sa baywang ko ang asawa ko.
"Sorry, Noah. Nasaktan ako sa pagkamatay ni Angel. Wala akong ginawa para mailigtas siya. Sana pala itinakas ko na siya doon. Sana hindi ako natakot. Wala akong kuwentang kapatid," umiiyak na sabi nito.
"It's not true. Naging mabuti kang kapatid sa kanya. Alam niya yun. Huwag mong isisi sa sarili mo ang nangyari sa kanya. Mananagot sa batas ang pumatay sa kapatid mo," sabi ko.
"Noah, mahal na mahal din kita. Patawarin mo ako kung nagalit ako sa iyo." Hinaplos niya ang pisngi ko.
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo sweetheart. Hindi ako magagalit sa iyo. Kahit ipagtabuyan mo pa ako. Nandito lang ako para sa iyo." Hinagkan ko ang tungki ng ilong niya.
"Malalagpasan din natin itong pagsubok na nangyayari sa atin. Huwag kang bibitiw sa akin. I will hold you kahit anong mangyari." Dagdag ko pang sabi. Yumakap ako ng mahigpit sa asawa ko. She is my strenght.
NAGPUNTA kami sa Zamboanga para puntahan ang kinaroroonan ng labi ni Angel. Kasama namin ang mga magulang ni Heaven. Na hindi makapaniwala sa sinapit ng anak nila. Hindi ko iniwan ang asawa ko sa tabi niya. Nasasaktan ako kapag nakikita ko kung paano tumangis ang asawa ko. Madami ng napagdaanang itong sakit. I always beside of her. Dahil kailangan niya iyon.
"Sweetheart, magpakatatag ka nandito lang ako." nandito kami sa funeral upang makita ang bangkay ni Angel. Nanginginig ang kamay ni Heaven habang mahigpit na nakahawak sa akin. Kahit ako hindi ko kayang tingnan ang kalunos lunos na sinapit ni Angel. Kahit paano minahal ko naman siya. May pinagsamahan naman kami.
Napaluhod si Heaven ng makita niya ang bangkay na nakahiga at ng maalis ang puting kumot na nakatakip dito. Hindi ko maiwasan mapaluha sa nakita ko. Hindi na din magkamayaw sa kaiiyak ang magulang ni Heaven.
Wala na ang ulo nito at nilagak nila ito sa isang lagayan. Puro pasa ang katawan nito. Itinayo ko si Heaven sa pagkakaluhod at umiyak ito ng walang humpay. Yumakap ako sa kanya habang pinapayapa ito.
"Napakademonyo ng gumawa nito sa kapatid ko! Wala silang kaluluwa! Wala silang awa!" nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ko.
"Gagawin naming lahat upang mahuli sila sweetheart. Ako mismo ang hahanap sa pumatay sa kapatid mo." pangako na sabi ko sa asawa ko.
NAGKITA kami ni Isaac para pag-usapan ang about sa kaso ng kapatid ni Heaven.
"Noah, masyadong madulas ang kriminal na iyon. Madami kasing galamay. Kaya niyang magtago kahit saan. By the way sa Jolo ako ma-assign. May pagkakataong mahanap ko ang pumatay kay Angel. Kahit naman inis ako sa ugali ng bababeng iyon, naawa ako sa sinapit niya. Nakakalungkot ang nangyari. Kumusta naman si Heaven?" tanong ni Isaac.
"She is not really okay. Pero alam kong makakamove on din siya sa mga nangyari. Malalagpasin din niya ang mga pagsubok na ito." umaasa ako.
(1 month later)
Balik Mindanao ulit ako. Hindi kami magkasama ni Isaac. Dito ako naka-assign sa Davao. Ayos lang dahil hindi naman ganoon kagulo dito. Pero nagre-responde kami sa malayong lugar na may mga report na mga terorista at rebelde.
Rumesponde kami sa isang bayan sa Davao dahil may pagsabog na nangyari. Nagkaroon ng paghihigpit sa bawat pasukan at labasan ng bayan.
Habang nagpapatrolya kami sa paligid ng isla. Bigla kaming napahinto dahil may mga nagtatakbuhang mga tao papunta sa amin.
"Anong nangyayari?" tanong ko sa isang tauhan ko na nasa unahan.
"Sir, may mga rebelde daw pong pumasok sa kabahayan." sumenyas akong magsibabaan kami at ilayo ang mga tao. Pinuntahan namin ang lugar kung nasaan ang mga rebelde.
"De Asis mag-radyo ka sa kampo. We need backup!" utos ko sa tauhan ko. Madami ang mga rebelde. Tumalima naman ito.
Patago-tago kami habang papalapit sa kinaroroonan ng mga rebelde. Pinaputukuan kami ng mga kalaban. Nakipagpalitan kami ng putok. Napatago ako sa isang puno ng naghagis sila ng granada sa banda namin.
May nakita akong isang babae na nagtatakbo papasok sa kabahayan. Sinundan ko ito hanggang sa ma-trap ko ang babae. Pinaputukan niya ako kaya napatago ako sa isang bahay. Pinaputukan ko din ito. Nagpasya ako pumunta sa kabilang side ng bahay. Napangisi ako ng hindi niya ako napansin na nasa likod na niya ako.
"Ibaba mo ang baril mo?! Kung ayaw mong paputukan ko iyang bao ng ulo mo!" tinutukan ko siya ng baril sa ulo. Nakasuot ang babae ng abaya kaya natatakpan ang ulo nito. Binababa naman ng babae dahan dahan ang baril na hawak nito. Itinaas nito ang kamay. Dahan-dahan humarap ito sa akin. Pagkaharap ng babae halos mawalan ako ng dugo sa mukha dahil sa taong nasa harapan ko. Paanong?
Hindi ko napaghandaan bigla niya akong sinipa sa tiyan kaya napaluhod ako. Shit! Akmang susundan ko siya ng paulanan ako ng bala ng mga kasama nito. Nagtago ako sa isang sulok. Pagsilip ko nakatakbo na ang mga ito at nakalayo na. Fuck! Hindi ako nagkakamali siya iyon. Paanong nangyari.
"Sir, nakatakas po ang ibang mga rebelde. Wala pong casualties sa panig natin." Tumango ako.
"Good. Dalhin lahat ang mga patay," utos ko sa mga tauhan ko. Sinukbit ko ang armalite ko. Napaisip ako sa nakita kong babae kanina. Baka namamalikmata lang ako. Masyado lang okupado ng isip ko ang mga nangyari sa amin nitong nakaraang buwan. Kaya kung an- ano na ang nai-imagine ko. Hinugot ko ang phone ko para tawagan ang asawa ko. I miss her.
Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13
BINABASA MO ANG
BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)
RomanceBARAKO SERIES: #6 Sa mura nilang edad isang pangako ang binitawan nila sa isa't isa. Mapapatunayan ba nito ang tatag ng pagmamahalan sa isa't isa? Kung ang taong sisira sa inyo ang sarili mong kadugo? (Noah Dela Costa Story)