HEAVEN
NASA bungad pa lang ako ng gate namin kita ko na ang kakambal kong si Angel na nasa pintuan habang nakapameywang.
Mukhang wala pa ang mga magulang namin dahil ganito ang asta ng kakambal ko. Maldita. Ang plastic niya.
"Nandito na pala ang malditang kakambal ko," aniya na ikinatawa ko. Ako ba ang sinasabihan niyang maldita o ang sarili niya?
"Who's talking?" pang-aasar na sagot ko. Bigla niyang hinablot ang braso ko kaya napatingin ako doon.
"Ang angas mo din, no? Akala mo kung sino ka? Well, ikaw lang naman ang pinakasama sa paningin nila. Lalo na sa pinakamamahal mong si Noah," nagtagis ang bagang ko.
Alam nito na magkakilala kami ni Noah mula pagkabata. Pero gumawa ito ng paraan para siya ang paniwalaan ni Noah na siya ang batang pinangakuan nito.
"Oh, bakit parang affected ka? Hindi ka ba masaya ganyan ang tingin nila sa aking lahat? Pati ang mga magulang natin. Ano pa bang idadagdag mo? Baka meron pa?" panghahamon ko sa kanya.
Hindi ito nagsalita. Ang sama ng tingin niya sa akin. Ang kapal din ng mukha nito. Wala naman akong natatandaan na nagawan ko ito ng kasalanan. Sa totoo lahat ng tao siya ang gusto dahil sa ipinapakita nitong mala-anghel na ugali. Pero sa likod ng kanyang mala-anghel na mukha isang demonyita ang nagbabalatkayo.
Padarag niyang binitiwan ang braso ko. Namula iyon dahil may kaputian ako. Nagsuktan kami ng tingin. Ako din ang sumuko. Ayaw ko lang kasi ng away kaya ako ang palaging sumusuko. Tinalikuran ko na ito at dumiretso sa silid ko.
Pagkapasok ng silid naupo ako sa carpeted floor at doon ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko. Umiyak ako nang umiyak.
Nakarinig ako ng katok sa pinto ko at pagbukas niyon. Pumasok ang yaya ko. Ang tanging tao na nagmamahal sa akin at nag-aalaga.
"Bumaba ka na nasa hapag kainan na sila," sabi ng yaya ko.
"Sige po susunod na po ako," napabuntonghininga ang yaya ko. Tiningnan niya ako na parang sinusuri ang mukha ko.
"Bakit namumugto ang mga mata mo? Inaway ka na naman ba ng maldita mong kakambal? Sinabi ko na sa iyong isumbong mo na sa magulang niyo ang pinaggagawa ng kakambal mo sa iyo. Hindi na lang palaging ganyan? Ikaw itong inaalala ko." Napatingin ito sa braso ko na namumula.
"Hindi na kayo nasanay sa kakambal ko. That's something she's always doing. Wala naman akong magawa dahil siya ang mas pinaniniwalaan. Gustuhin ko mang magsumbong sa huli sa akin pa din ang sisi." Niyakap ako ng yaya ko at hinaplos ang buhok.
"Basta anak nandito lang ang yaya mo. Naniniwala ako sa iyo. Ikaw ang mabuti hindi si Angel. Halika ka na para makakain ka na," hinawakan nito ang kamay ko. Sumunod na lang ako kay yaya.
Nang nasa dining area na kami. Hindi man lang ako tinapunan nila Mommy at Daddy ng tingin. Napatingin sa akin si Angel at ngumisi.
"Hi, po Mommy. Hi, Daddy." Bati ko sa magulang ko. Napasulyap lang sila at hindi nila ako binati. Naupo na lang ako ng tahimik at kumain.
"Mommy, congratulate me I have honor sa graduation namin." Pagmamalaki ni Angel kila Mommy at Daddy.
"Oh, congratulation anak. We're so proud of you. " Tumayo pa si Mommy para lang yakapin si Angel. Hindi na lang ako tumingin sa kanila. Pinagpatuloy ko na lang ang pagsubo.
Ako ni isang beses hindi ko sinabi sa kanilang top 1 ako sa klase. Hindi naman mahalaga pa iyon sa kanila. Tutal I am just nothing to them. Para ano pa kung ipangalandakang pinakamatalino ako sa klase namin? Hindi naman sila magiging proud dahil ang alam nila sinungaling ako at hindi nagsasabi ng totoo. Mas mabuting manahimik na lang.
BINABASA MO ANG
BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)
RomanceBARAKO SERIES: #6 Sa mura nilang edad isang pangako ang binitawan nila sa isa't isa. Mapapatunayan ba nito ang tatag ng pagmamahalan sa isa't isa? Kung ang taong sisira sa inyo ang sarili mong kadugo? (Noah Dela Costa Story)