HEAVEN
"Ate Dria, ako na magbubuhat kay Jack." Sabi ko. Nagpasya na akong umuwi dito sa Pilipinas pagkatapos ng anim na taon. Kasama sila ate Dria at mga anak nito. Nag-stay muna ako sa bahay nila ate Dria ng ilang linggo.
Masaya ako para sa kanila ng asawa niyang si Kuya Jacob. Matagal din bago sila nagkita. Ngayon okay na ang lahat.
Nagpasya akong magturo na lamang dito sa sariling bansa kay ibang lahi ang tinuturuan ko. Mas kailangan ng Pinas ang guro.
Gusto kong magturo sa liblib na lugar. Mas kailangan ang serbisyo ko doon. Naawa ako sa mga batang gustong matuto at gustong makapag-aral.
"Mimi. . ." sabi sa akin ni Jack. Itinuro nito ang Daddy nito. Palapit sa amin si Kuya Jacob. Kinuha nito si Jack sa akin. Ang suwerte ni ate Dria kay Kuya Jacob bukod sa napakaguwapo. Iisang babae lang ang minahal nito.
Pinuntahan ko si ate Dria para magpaalam. Mag-stay muna ako sa bahay ng kaibigan ko. Na-miss ko ang bestfriend ko. Nagpaalam na ako sa kanila. Buti na lamang pumayag sila doon ako mag-stay sa kaibigan ko.
Habang palabas ako ng gate hindi ko napansin ang kasalubong kong tao. Dahil mabigat ang dala kong mga gamit na out balance ako. Kaya napadapa ako. Naramdaman ko na lamang sa beywang ko ang braso na sumalo sa akin.
Nang makaget-over sa muntikang pagkakadapa ko. Napatayo at humarap ako sa taong sumalo sa akin.
"Thank you sa pagsalo sa. . ." napatigil ako sa pagsasalita nang matitigan ang taong nasa harapan ko.
Nagsirkuhan ang tambol ng puso ko. Napalunok ako. Bakit ba sa lahat ng taong makikita ko siya pa na ayaw ko ng makita.
"Aven?" tumayo ang balahibo ko sa batok dahil sa boses niya.
Malaya kong napagmasdan ang mukha ni Noah. Naging matured na ang mukha nito at mas lalo itong naging guwapo. Nagkaroon na ng muscle ang kanyang mga braso at pati na ang katawan. Tumangkad na din ito. Natulala ako. Matagal bago ko na-realized na dapat ko palang iwasan ang lalaking ito.
Kinuha ko ang mga gamit at tinalikuran ko siya.
"Wait! Aven! Please, let's talk." Anito at saka hinawakan niya ang braso ko para patigilin sa pag-alis.
"Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Noah." Matigas na sabi ko.
I already moved on. Bakit kailangan pang mag-usap pa kami?
Nanigas ang katawan ko nang yakapin niya ako.
"Aven, please let's talk. " Pakiusap niya muli.
"Okay. . ." Pagsukong sabi ko.
Gusto ko na ding matahimik na ang buhay ko ng wala siya. Tanggap ko ng hindi kami para sa isa't isa. Marami ng nangyari.
Lumayo ako ng kaunti para naman makapag-usap ng mabuti. Nakakailang naman nag-uusap na magkayakap.
"Thank you." Sabi nito.
Tumingin ako sa kanya at hinintay itong magsalita. Pero nakatitig lang ito na parang natulala ng magkaharap na kami.
"Akala ko ba mag-uusap tayo? Nakatulala ka lang diyan." Naiinis na sabi ko.
"Puwede ba kitang ligawan?" Bigla ay sabi niya.
Ang kapal din ng apog nito. Akala ko naman mag-uusap kami tungkol sa amin. Gusto ko lang Kung ano man ang gusot naming dati kalimutan na lamang at umakto kami na hindi na magkakilala. Hindi ko ine-expect na ganito ang sasabihin niya.
"Pumayag akong mag-usap tayo para sabihing magkalimutan na tayo! Hindi para ligawan mo pa ako." Siraulo din ito kainis. Parang balewala lang ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)
RomanceBARAKO SERIES: #6 Sa mura nilang edad isang pangako ang binitawan nila sa isa't isa. Mapapatunayan ba nito ang tatag ng pagmamahalan sa isa't isa? Kung ang taong sisira sa inyo ang sarili mong kadugo? (Noah Dela Costa Story)