1

2.2K 37 15
                                    

Chapter 1 

Unti-unti siyang lumapit sa akin habang nakapamulsa. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa init ng hininga na bumubuga sa mga mata ko and suddenly HE KISSED ME!  

"Ano maSHARAP ba?" bulong niya sa tainga ko. Tumayo ang mga balahibo sa batok ko sa sensasyong hatid ng kanyang malaking boses. 

Nagmulat ang aking mga mata na ngayon ay nanlalabo na nang may makita akong nakatayo habang nakapamewang "Hoy Jasmin hindi ka pa ba tatayo diyan? Kanina pa tunog ng tunog yang alarm clock mo pero para kang mantika dyang natutulog, yang laway mo tumutulo na naman. Hala, sige! Tignan mo lang ako ng malate ka sa Trabaho mo." 

"Mommy!" angal ko sa kanya. Napalaki ang ang mga mata ko nang maalala ko kung anong araw ngayon " Ya Monday! May flag ceremony!" sabay talon ko sa kama at kumaripas ng takbo papuntang banyo. 

"Yan kasi masyadong natuwa sa panunuod kagabi ng serial killer chuchu na yan." Umirap ako kahit hindi nakikita ni Mommy habang pinagpapatuloy ko ang pagshashampoo sa kulot kong buhok sabay toothbrush na rin. 

Bwiset na mga serial killer na yan kasi eh dagdagan pa ng pesteng panaginip ko. May humalik daw sa akin? Seryoso? Mga nagiging boyfriend ko nga hindi pa ako nahahalikan tapos siya basta-basta nalang. Kaya lang hindi ko siya mamukhaan dahil pagkagising ko kanina limot ko na ang mukha niya pero GWAPO at HOT yon kamukha daw ni Ian Samerhalder yon panigurado. 

"Bilisan mo dyan Jasmin baka malate ka na."  

"Opo!" Akala ko nakaalis na si mommy nasa kwarto ko pa rin pala. 

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng CR para magbihis na. Unang araw ko sa klase malalate pa ata ako wag naman sana. Hindi ko na binolower ang buhok ko tiyak namang matutuyo ito sa byahe.  

Naglagay ako ng concealer para hindi mahalata ang eyebag ko at light lipstick sabay sakbat ng Bag ko sa balikat at lumabas na ng kwarto ko. 

"Jasmin kumain ka na muna bago umalis para magkalaman yang sikmura mo o humigop ka ng kape para mainitan yan at di ka sikmurain."  Hawak-hawak ko ang lesson plan at libro sa kaliwanag kamay ko bago kinuha ang puswelo na tinimplahan ni Mommy. "Sinabi sayo wag ka na munang magpupuyat dahil unang araw mo sa klase ngayon tapos ano? Hala sige ka pa rin nako Jasmin." 

"Mommy hayaan mo na yang anak mo ang aga-aga nililintanyahan mo na naman. Sige Jasmin umalis ka na baka malate ka pa. Goodluck sayo." Sabay ngiti sa akin ni Pops. 

"Thanks Pops." Tumalikod na ako sa kanila at nagmabilis sumakay ng sidecar para ihatid ako sa sakayan ng jeep. 

Habang nakasakay ako sa jeep at tinignan ko ang cellphone ko 7 palang 7:30 ang klase ko so tingin ko makakaabot pa ako kung si Manong Driver ay hindi magpapagas at tatambay pa sa kung saang kanto para makakuha lang ng pasahero.  

Nag vibrate ang cellphone ko na agad ding binuksan. 

Bianca: 

Hoy Hasmin later sa tambayan huh?! Antayin ka ng mga BAKA! Labyu! Gudlak! 

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon