Pagkaalis nila Mommy ay saktong dating ni Sir Montello dito sa bahay. May kakaiba sa kanya kaya pinagmasdan ko siyang mabuti. Ang laki ng eye bags niya sa ilalim animo'y hindi napagkatulog at may malaking problema. Lumapit ako sa kanya para tignan mabuti ang gwapong mukha nito. Hindi niya ako binibigyan ng Killer smile tanging nakatitig lang ito sa akin. "Okay ka lang ba Sir Montello?" Marahang tanong ko sa kanya. Ang buhok niyang laging nakaayos ngayon ay napakagulo. Nakatshirt na puti lang ito at Faded Jeans at rubber shoes na kulay blue.
"Rich." Mahinang pagtatama nito sa pangalan niya. Hindi siya ngumiti bagkus ay tumitig pa ito ng seryoso. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa itsura niya ngayon. May nangyari ba sa kanya? Naiwanan ko siya kagabi sa gitna ng dance floor pero kasabay ko namn siya pauwi at hindi ko na alam ang nangyari dahil wala ako sa wisyo kagabi dahil sa alak na nakapagpahilo at suka sa akin.
I smiled at him to ease the tension between us. "Alam mo namang hindi ako sanay na tawagin kang Rich."
"Yeah." Maikling sagot nito. Wala na akong maisip pa na sasabihin sa kanya. Pero ayoko naman siyang iwanan ngayon at sabihin na antayin nalang ang mga pinsan ko kung kitang-kita dito na parang may malaking dinadala at hindi nakatulog. "I'm sorry, Jasmin."
"Huh?"
"Kung naging selfish ako sayo." Tumaas ang isang kilay ko sa sinasabi niya ngayon. Naguguluhan man ako sa paghingi niya ng Sorry ay parang nagets ko na kung ano 'yon. Masyado akong nagpadala sa noon at basta-basta nalang nagdedesisyon ng hindi pinag-iisipang mabuti.
"Wala na tayong magagawa, nangyari na ang mga nangyari." Hindi ko matagpuan ang pagkasuklam na ninanais kong masumpungan. Sa halip pinatawad ko siya, I know it's a little bit unfair to Al's side pero hindi niya ako iniwanan sa halos dalawang buwang pagkamatay ko na wala halos na maramdaman. Isa si Sir Montello na tumulong sa akin.
"Yun na nga, Tuwing nakikita kitang umiiyak ay mas nasasaktan ako dahil ako ang dahilan ng mga luhang 'yon." Tahimik ko lang na hinihintay ang bawat katagang lumalabas sa bibig niya ngayon. "Jasmin, hindi mo naman kailangan na magpakasal sa akin." Suminghap ako.
"Sir Montello, ako ang nagdesisyon na magpakasal sa iyo at hindi kung sino man." Paliwanag ko. Wala siyang kasalanan sa mga nangyayari. Ako ang tangang pumayag sa kagustuhan ng Lolo ko at hindi siya na walang alam.
"I want to marry you because we have the same feeling. Pero kung napipilitan ka lang din h'wag na nating ituloy." Nagsimulang mamula ang mga mata nito kaya mariing pumikit si Sir Montello habang ako naman ay nakatitig lang at parang wala sa sarili dahil sa mga inaamin niya. Hindi ako prepare sa mga bagay na to.
"Hindi ko nagawang paibigin ka sa loob ng dalawang buwan at hinding-hinding mangyayari yon sa mga susunod na araw, buwan o taon pa. Mahal kita at narealize ko na kung mapapasa akin ka lang din naman gusto ko willing ka din na mapasayo ako." Aniya.
"I became so selfish and deceive you. Hindi ako fair maglaro kaya naguguilty ako. Naguguilty ako dahil hindi siya ang nasasaktan kundi ikaw. Yung araw-araw kong nakikita kang malungkot at pinipilit mo lang ang sarili mo na makisama sa aming mga pinsan mo. Yung araw-araw na itinatago mo ang sarili mo sa amin para di ka lang makitang umiyak. Yung araw-araw na natutulala ka at nawawalang gumanang sa lahat ng bagay ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil hinayaan kong maranasan ng taong mahal ko ang magdusa sa hindi naman niya kasalanan." Ngumiti ako ng mapait dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Speechless. Hindi ko aakalain na ito ang pag-uusapan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Sharap (Baka Girls #1)-Completed
RomansaCompleted. Jasmin Samuel - isa sa mga member ng Baka Girls. Proud siyang sabihin na sa edad niyang lagpas bente ay hindi pa nagkakaroon ng unang halik pero nang isang araw ay bisitahin sila ng kaibigan ng Ina niya kasama ang anak nito ay nagbago an...