Habang papaalis ang Taxi na sinasakyan ko, kitang-kita sa side mirror ang pagtakbo ni Al palabas ng restaurant. Binuksan ko ang cellphone ko para itext si Alyssa. Uuwi ako ng CDO pakisabi sa mga Baka and tsaka na kita kakausapin ‘bout dun sa nakita ko. (:
Tumigil ang Taxi sa tapat ng bahay namin. Pagkabayad ko ay agad na akong bumaba at dumeretso na sa kala Tita Mildred na pinagbuksan ako ng isa sa matandang katulong niya. Humahangos si Tita Mildred pababa ng hagdan ng malaman na nandito ako.
“Tita, may alam po ba kayo? May nangyari po ba?” Bungad kong tanong sa kanya. Kinakabahan pa rin ako sa pagpapauwi sa akin ni Mommy doon ng wala man lang sinasabing dahilan sa akin.
“Hindi ko din alam, Iha. Basta tumawag sa akin ang Mommy mo pinapauwi ka ng Cagayan De Oro.” Nag-aalala din ang boses niya. Magbest friend silang dalawa kaya hindi ko maintindihan kung hindi wala siyang alam sa nangyayari don. Tumango nalang ako sa kanya.
“Ganon po ba? Sige po mag-aayos lang po ako ng gamit ko.” Tumalikod na ako sa kanya para umaykat oataas dahil dadaan pa ako sa bahay namin para kumuha ng ilan pang mga gamit ko. Tamang-tama ang pagpapauwi sa akin ni Mommy doon dahil weekend na bukas and supposed to be uwi din dapat nila.
“O sige. Tatawagan ko lang si Al para may maghatid sayo.” Narinig kong sabi ni Tita Mildred. Hindi ko nalang pinansin dahil naiinis pa rin ako sa kanya.
“Hindi na kailangan tumawag sa akin nandito ko.” Galit na tono ni Al. Napatigil ako sa paglalakad ko ng marinig ang boses niya. Ang bilis naman niya, nasundan niya agad kung nasaan ako. At paano niya nalaman na dito ako dumeretso? Sinabi kaya ni Alyssa? Kaya ba hindi siya nagrereply sa Text ko? Nakakainis!
Narining ko ang tunog ng ilalim ng sapatos niya na paakyat sa hagdanan. Hindi ko kayang magawang tumakbo sa kwarto tila napako na ako sa kinatatayuan ko marinig ko palang ang malaki niyang boses. Hindi ako naiiyak tanging inis lang ang nararamdaman ko sa kanya at hindi galit dahil anong gawin niyang ikagagalit ko marinig lang ang boses niya bibigay na agad ako. Traydor din ang puso at katawan ko sa isip ko e.
“Mag-usap tayo, Jasmin.” Nilunok ko ang nakaharang sa bingit ng lalamunan ko. Hindi ko magawang humarap sa kanya pag naaalala ko ang pagmumukha ng babaeng ‘yon na nakangisi. Hindi niya ako nasundan agad kasi kinausap pa niya siguro ang babaeng ‘yon at magkakaroon na sila ng THEY LIVE HAPPILY EVER AFTER. Jeez!
“Wala tayong pag-uusapan.”Malamig na tugo ko sa kanya. Tumalikod ako para dumeretso sa kwarto ko. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko para buksan at pumasok ng isasara ko na ay hinarang niya ng kamay hindi na rin ako naglakas ng loob na makipagtalo pa dahil pagod na pagod ako sa nangyari sa araw na to.
“Anong meron sa inyong dalawa?” Singit ni Tita Mildred. Nakasunod na pala siya sa amin ng hindi ko namamalayan. Takang-taka siguro ito sa mga nangyayari ngayon at tsaka ko na ipapaliwanag sa kanya ang lahat pag umayos na ang pakiramdam ko.
“Mag-uusap tayo!” Sigaw ni Al. Binalibang nito pasara ang pinto bago nilock ‘yon. Hindi niya pinansin ang Mommy niya. Kinuha ko ang bagahe ko sa ilalim ng kamat at pumunta sa closet kung nasaan ang mga gamit ko. Bibili ba ako ng pasalubong sa kanila? “Anong problema mo? At bakit mo ako iniwan sa restaurant?” Inilagay ko sa ibang bag ang uniform ko iiwan ko to kay Tita Mildred at pakikiusapan ko nalang siya na baka pwede niyang labhan dahil hindi ko magagawa pang maglaba doon dahil tiyak na mamamasyal kami ng mga pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Sharap (Baka Girls #1)-Completed
RomanceCompleted. Jasmin Samuel - isa sa mga member ng Baka Girls. Proud siyang sabihin na sa edad niyang lagpas bente ay hindi pa nagkakaroon ng unang halik pero nang isang araw ay bisitahin sila ng kaibigan ng Ina niya kasama ang anak nito ay nagbago an...