Nakatungo akong pumasok sa loob ng Shop habang ang bilis-bilis ng takbo ng puso ko sa hindi malamang dahilan.
“Hi, GARLS!” Bati ko habang ang mga to ay seryosong nakatingin sa akin habnag ang mga kamay nila ay nakaekis sa tapat ng dibdib. Walang nagsasalita sa amin, pare-parehang tahimik. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanila kaya mas lalong lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko.
Yung kabilang Table ay pawang mga tahimik din dahil sa tensyon na bumabalot dito sa amin. Napalunok ako. Namamasa na ang mga palad ko. Kailangan akong makaisip ng sasabihin sa kanila hindi pwedeng tahimik lang ako baka mabully nila ako ng wala sa oras hindi ako makakapayag.
“Kamus-?”
“Who’s that guy?” Putol ni Ann sa akin. Nakataas ang kilay nito habang ang sama ng tingin.
“Anong meron sa inyong dalawa?”
“Nagdadate na ba kayo?”
“Nanliligaw na ba siya sayo? Kailan pa?”
“Bakit di mo man lang sinasabi at ipanapaalam sa amin?” Sunod-sunod na tanong ng mga BAKA, napaawang nalang ako ng bibig dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko o sino ang uunahin ko ang mga sagot.
“S-Seryoso ba kayo sa tanong niyo? H-hindi ko alam kung-.”
“Mabilis lang! Sagutin mo ang mga tanong namin sa isang sentence lang.” Putol na naman ni Ann. Seryoso? Bakit ang hilig niyang sumingit habnag hindi pa ako tapos magsalita?
“Paano ako makakasagot sa inyo kung palagi mo nalang pinuputol ang moment ko?” Inirapan ko siya.
“Dahil alam kong hindi mo sasagutin ang mga tanong namin. Bakit hindi mo man lang niyaya dito para maipakilala kami ng formal? Huh? Hasmina!”
“Pfft! Ayaw niya, time daw natin to so hindi daw siya mang-iistorbo.” Sagot ko sa kanya habang tinatanggal ang takip ng ketchup.
“Wushu! Natatakot lang sa amin yon? Sobrang ganda daw kasi natin, Girls kaya ganon.” Sabay hagikgik ni Bianca.Kung kanina nababalot ng tensyon ang kapaligiran ngayon ay mabilis na naglaho dahil tumatawa na sila sa sinabi ni Bianca.
“Pinagtitripan niyo ba ako mga Baka?!” Kunot-noo pa rin ako. “Oo kanina pa, Jasmin hindi mo ba napapansin?” Si Ann.
“Nakakainis kayo!” Nagtawanan na naman ang mga Baka habang ako ay nakanguso dahil nabiktima na naman nila ako. “Pero seryoso, kung nanliligaw man siya sayo hindi kami tututol sa kanya basta makita ka naming masaya kasama siya ay sapat na yon para sa amin.” Seryosong sabi ni Alyssa.
“True! Wag ka lang niyang sasaktan kundi manghihiram siya ng mukha sa aso.” Si Leslie. Kahit kailan talaga ang babaeng to hanap-away lagi. “Tama, Leslie.” Segunda ni Charlyn.
“Ano ba kayo? Anong ligawan? Hinatid lang niya ako dahil mapapadaan din siya dito aba sayang pamasahe no, mahal ang gasolina kaya kailangan kong magtipid. Pati kayo agad ang makakaalam pag nagbalak siyang manilgaw sa akin.”
BINABASA MO ANG
Sharap (Baka Girls #1)-Completed
RomanceCompleted. Jasmin Samuel - isa sa mga member ng Baka Girls. Proud siyang sabihin na sa edad niyang lagpas bente ay hindi pa nagkakaroon ng unang halik pero nang isang araw ay bisitahin sila ng kaibigan ng Ina niya kasama ang anak nito ay nagbago an...