25

554 19 10
                                    

"Ano sasama ka?" Tanong ni Jelly sa akin. Hindi ko pa rin maalala ang lalaking to. Umalis si jack at umakyat sa taas tanging kaming tatlo lang ang nandito. Hindi ko alam kung nasaan si Mommy. 

"No. Kakausapin pa ako ng Lolo. Enjoy." Tinalikuran ko na sila ng biglang magsalita si Jelly. Humarap ako sa kanya muli. 

"Then, aantayin ka namin." Nakakapagtaka ang pagiging makulit niya halos kanina lang tinatarayan niya ako ngayon naman ganito. 

"Wag na. may pupuntahan pa ako." Paliwanag ko habang tahimik lang yung lalaki sa tabi niya. Totoy? Kababata ko pala siya. Hmmm. Mamaya na kita aalalahanin.  

"Saan?" Singit ni Jack. Nakababa na ito habang hawak-hawak ang bolang kulay orange. Gwapo si Jack katulad ng kapatid niyang si Jelly na maganda din pero silang dalawa lang ang pinsan ko dahil dadalawa lang ang anak ng Lolo at isa na don ang Pops ko. Yung pamilya nila ay may kumpanya na related sa Architecture at Engineering na trabaho dito sa Probinsya bukod tangi lang si Pops ang nasa Manila. 

"Seda Centrio." Maikling sagot ko sa kanya. Hindi ata sila nakakahalata na ayaw ko silang kausap dahil halos lahat ng sagot ko susundan na naman nila ng tanong. Hindi kami close and besides ayoko din mag-effort na makipagclose sa kanila sapat na sa akin na kilala ko sila bilang mga pinsan ko. 

"Hotel yon diba?" Tanong naman nung lalaki. Kumunot ang noo nito sa akin. Tumaas ang kilay ko sa mapanuring mata niya bago sinagot siya. In fairness, gwapo tong lalaking to. Makikinis din ang balat niya at matangos ang ilong nito habang ang mata niya ay malalaki pero bumagay sa hugis ng mukha niya. Mas matangkad ito kay Jack pero mas matangkad pa rin sa kanya si Al at mas lamang ng ilang paligo ang Boyfriend ko. 

"Yup. Doon kasi nakacheck in yung boyfriend ko."  

"May boyfriend ka na?" tanong ni Jelly na akala mo hindi makapaniwala . Hindi purkit maliit ako hindi na ako pwedeng magka boyfriend. Cute at magaganda kaya ang maliliit na babae hindi katulad ng matatangkad akala mo kapre sa tangkad.  Mas magandang tignan ang isang couple pag maliit ang babae at matangkad ang lalaki. 

"Yup. Mukha bang wala akong boyfriend?" Sarkastik kong tanong sa nakakunot noong si Jelly. Hindi na nakasagot si Jelly pawang tahimik na rin yung Totoy at si Jack na naglalakad papunta sa unahan ko. "Sige maiwan ko na kayo." Tumalikod na ako para pumunta sa kusina at buti hindi na nila ako kinulit pa. Kakain muna ako bago makipagkita kay lolo para may lakas ako ng loob. "Mommy, dumating ako nandito ka sa kusina, natulog ako iniwanan kita dito rin hanggang sa paggising ko ba naman nandito ka pa rin." 

Alam kong naiilang si Mommy pag nandito siya at isa ito sa mga lugar kung saan hindi siya naiilang sa mga taong nandito. Ngumiti lang ito sa akin bago pinagpatuloy ang ang paggagayat sa Carrot. "May dinuguan at puto diyan, kainin mo na habang mainit pa yung mga yon." Aniya. 

"Ikaw nagluto?" Malambing kong tanong sa kanya bago lumapit ako sa likuran niya para yakapin siya. "Mommy, kung naiilang ka pwede kong kausapin si Pops na umuwi na tayo ngayon ng Manila." Bulong ko sa kanya dahil may kasama kaming katulong dito na nagbabalat ng mga Bawang. Hinawakan ni Mommy ang dalawang braso kong nakapulupot sa Bewang niya. 

"Shhh. Ayos lang ako. Kumain ka na at inaantay ka ng Lolo mo sa Study Room." Bulong nito. Tumango na lang ako dahil hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako sa pag-uusap nila. Umalis ako sa pagkakayakap bago pumunta sa La mesa kung nasaan nandon ang Dinuguan at Putong puti na may cheese at itlog na pula sa gitna. "Nasan nga pala si Pops?" Tanong ko sa kanya habang nginguya ang puto. 

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon