Tahimik lang kaming tatlo nila Tita Mildred sa loob ng SUV ni Al. Siya ang nagddrive habang nasa passenger seat ako at si Tita ay nasa Back seat. Galit na galit pa rin ako sa kanya at lalo na sa inasal niya kanina pakiramdam ko nagamit ako pero nagustuhan ko na naman. Inilabas ko ang cellphone ko sa handbag na nasa lap ko para itext si Sir Montello. Hi. Can’t go to your house. Sorry :(
Sa Lunes na lang ako magpapaliwanag sa kanya kung bakit hindi ako nakapunta, ibinalik ko ang smartphone ko sa bag ko at nagpasyang matulog nalang muna.
“Jasmin, wake up! We’re here.” May umalog sa balikat ko dahilan upang magmulat ang mga mata ko. Si Al nasa labas na ng sasakyan kaya napaangat ako sa kinasasandalan ko at nakitang nasa Acuaverde Beach Resort sa San Juan, Batangas. Inilalayan niya akong makababa sa kanyang sasakyan. “Ako na ang magdadala ng Bag mo sundan mo nalang ang Mommy.” Seryosong sabi niya. Bakit nilalamig ako sa pakikitungo niya sa akin ngayon? Tinalikuran ko siya at pumasok na sa loob ng Hotel Lobby kung nasaan si Tita Mildred na nakikipag-usap sa isa sa mga receptionist ngayong gabi.
Lumapit ako sa kanya “Tita.” Tawag ko dito. Lumingon siya sa akin at nginitian ako. “Nagpareserve ako 2 room kanina.” Dito sa resort na to gaganapin ang kasal pero napakunot noo ako ng maisip na dalawang kwarto lang ang pinaserve ni Tita Mildred kung tatlo kami. “Tayong dalawa ang magkasama sa isang kwarto at si Al ko ay sa isa naman.” Paliwanag niya ng mabasa ang nasa isip ko. Tahimik na ngumiti ako at tinignan ang receptonist na tulala, sinundan ko ng tingin ang mata niya at nakitang nakatulala ito sa taong nakatayo sa likuran namin labit-labit ang mga bag namin na si Al at tahimik na nakamasid lang.
Napataas ang isang kilay ko, marahil napansin ni Al na nakatingin ako sa kanya kaya agad na nagtama ang aming mga mata. Nagising na naman ang paru-paro sa tiyan ko dahil sa Master nila pero hindi ko pinahalata ang kaba ko sa kanya dahil sa receptionist na naglalaway kay Al. Ibinalik ko ang tingin sa babaeng matangkad sa akin na ngayon ay nagpapansin kay Al sa pamamagitan ng pagsisingit ng buhok niya sa likod ng tenga. Huh! Magpapansin ka lang pero sisiguraduhin kong hindi ka niya titignan. “Miss, Yung key ng room.” Sabi ko dito kaya napaigtad ito sa gulat, si Tita Mildred kasi ay nagffill up ng form namin kaya ako na ang huminga ng susi dito. Iniabot sa akin ng babae ang susi ng kwarto at syempre may ugaling pagkamaldita ako ay agad kong hinablot yon sa kamay niya at mabilis na tinalikuran.
Nakakunot-noo ang reaksyon ni Al ng hinarap ko siya, dahan-dahan ko siyang nilapitan at hinigit ang braso nito papunta sa elevator ng Hotel. “Let’s go.” Sabi ko sa kanya. Nakasunod sa amin dalawa ni Al si Tita Mildred at nginian ako ng makapasok kami sa loob. Tinanggal ko ang kamay ko sa braso ni Al at nagpunas sa pants na suot ko dahil sa pamamasa nuon gawa marahil sa lakas ng kaba ko sa ginawa ko. Nag-init ang mukha ko ng maisip ang kahihiyang ginawa ko pero hindi ko yon pinagsisisihan dahil sa malanding babaeng yon nakakita lang ng Hot and Handsome nakalimutan ng may customer na kausap.
Inihatid kami ni Al sa kwarto namin ni Tita Mildred at inilapag ang mga bag naming na may gamit na pangdalawang araw na pamamalagi dito sa Resort. “Gusto ko yung ginawa mo kanina, Jasmin.” Bungad ni Tita pagkalabas na paglabas palang ni Al ng kwarto naming. Ngumiwi ako sa sinabi niya dahil nakita niya pala ang ginawa ko dun sa babae. Hindi kasi simpleng hablot lang ng susi ang ginawa ko kundi may kasamang kalmot sa kamay niyang nagiinarte kanina sa pagsisingit ng kanyang buhok sa likod ng taninga niya. “Ganyan dapat lagi ang ginagawa mo sa mga babae ni Al para layuan sila at hanga ako sa confidence mo.” Okay. Anong ibig niyang sabihin? Boto siya sa akin? Gusto niya ako para sa anak niya? Og my god! Bakit kinikilig ako sa isiping ‘yon? Tinalikuran ko si Tita at nagpunta na sa Banyo para makapagpalit ng damit.
-
Kinabukasan ay maaga kaming gumising dahil maaga daw ang seremonya ng kasal ng Pinsan ni Al kaya agad na kaming naghanda at lumabas. Nang makita ko ang reception ng kasal aya agad akong napadaydream dahil sa ganda ng paligid ng Resort. Hindi ko napansin ito dahil gabi na kaming nakapunta at sa pagod ng byahe. Mapuputing buhangin dagdagan pa ng asul na Dagat ay talagang mapapaikit ka at lalanghapin ang sariwang hangin ng probinsya. Nakakarefresh ng utak ang kapaligiran.
Tumabi ako sa upuan ni Tita Mildred na sinapinan ng putting tela para mapanuod ang kasal, may puti ding tela na nakalapat sa buhangin na nagmistulang red carpet at doon maglalakad ang mga abay at ikakasal habang sa gilid non ay may mga malalaking flower vase na may nakalagay na kulay dilaw na bulaklak. Isa si Al sa mga groomsman ng groom. Tinitigan ko siya, kahit sino mang babaeng mapapatingin sa kanya ay talagang mapapatulo ang laway lalo na ngayon sa TUX na suot niya ngayon ang hot niyang tignan at gugustuhin mong magpapansin sa kanya para lang mabigyan ka ng isang ngiti. May kausap itong lalaki, gwapo din ito pero mas lamang si Al sa kanya ng dumako ang tingin niya sa akin at sabay kinindatan ako. Luminga-linga ako sa likod at tabi ko dahil baka nagkakamali ako na ako ang kinindatan niya pero iba pala. Ayos nab a kaming dalawa? Hindi na siya Cold sa akin? Ibinalik ko sa harapa ng tingin at ang atensyon ko dahil baka hindi na talaga ako makapagpigil sa sarili ako na ang mag-aya sa kanya na magsex kami.
Nagsimula na ang kasal at hindi ko pinakawalan ng tingin ang Bride dahil bukod sa napakaganda niya ngayon dahil sa puting gown na suot niya na humapit sa magagandang hubog ng kanyang katawan at kitang-kita sa mukha niya ang saya doon at ang pagmamahal sa kanyang magiging asawa sa mga sandaling oras na lamang. Habang naglalakad ito ay hindi ko mapigilan tignan ang babae sa mata na nakatitig sa lalaking nasa unahan, nakatayo at naghihintay sa kanya na hindi na makangiti dahil sa pamumula ng mga mata nito. Umiiyak ang lalaki! Nilipat ko ang mata ko kay Al na ngayon ay nakatingin din sa akin, nag-init ang mukha ko kaya agad na umiwas ako sa kanya.
Magpapakasal ka hindi dahil sa MAHAL mo lang siya kundi dahil HANDA ka na sa mga mangyayari sa panibagong buhay mo at dapat nakikita mo iyon pareho sa lalaking naiisip mo. Hindi ka pwedeng umatras nalang ng basta-basta kaya kung mag-aasawa ako sisiguraduhin kong siya na talaga ang lalaking gusto kong makasama at handa na ako sa mga responsibilidad na ipapatong sa akin.
Natapos ang kasal na pasulyap-sulyap ako sa kanya dahil hindi ko matiis na hindi siya tignan. Minsan nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin kaya agad akong umiiwas. Aaminin ko naaattract na ako sa kanya pero natatakot akong mainlove. Hindi ko kaya atang magtake ng risk na aminin ang nararamdaman ko sa kanya dahil marami pang babae na mas maganda sa akin at may maraming karanasan na wala akong alam. Nasa table kami at tahimik lang akong kumakain dahil wala akong kilala dito bukod kay Tita Mildred at Al nang may biglang lumapit sa aming babae na blonde ang buhok at halatang modelo dahil sa tangkad niya.
“Hey, Al.” Bati nito kay Al. Tinignan ko si Tita Mildred pero nagkibit-balikat lang ito sa akin. Nawalan ata ako ng gana sa Dessert na kinakain ko ngayon ng halikan ng babae si Al sa pisnge. Nanikip ata ang dibdib ko doon kaya agad kong inubos ang wine na nasa tabi ng pinggan ko na gusto kong ihampas sa pagmumukha ni Al na ngayon ay nakangiti.
“Si Inday nga pala.” Pakilala niya sa akin ng matapos nitong halikan si Tita Mildred sa pinge. Pilit akong ngumiti dito at inilahad ang kamay kong nanginginig. Feeling ko nasusuka ako ngayon at kailangan kong magCR para ilabas ang kinain kong masasarap na pagkain. “Jasmin.” Pakilala ko sa sarili ko dahil wala atang balak si Al na ipaalam ang pangalan ko sa kanya. Bwisit!
“Excuse us.” Paalam ni Al at agad akong tinalikuran. Hinabol ko ng tingin ang dalawa at nanlaki ang mata ko ng hapitin ni Al ang bewang nung Inday para ilapit sa katawan niya. Tang Ina!
Nawala na ata ang confidence sa katawan ko ng makita ang babaeng iyon pero hindi maaari may lamang pa rin ako sa kanya at yon ay ang MAGANDANG PANGALAN KO. Marinig mo palang ang pangalan ko mapapaisip ka na dyosa ang taong ‘yon at yon ay totoo. “If I were you, mag-iisip ako ng paraan para mapunta siya sa akin.” Napalingon ako kay Tita Mildred na patay malisyang gumakain ng Dessert na nasa pinggan niya.
BINABASA MO ANG
Sharap (Baka Girls #1)-Completed
Storie d'amoreCompleted. Jasmin Samuel - isa sa mga member ng Baka Girls. Proud siyang sabihin na sa edad niyang lagpas bente ay hindi pa nagkakaroon ng unang halik pero nang isang araw ay bisitahin sila ng kaibigan ng Ina niya kasama ang anak nito ay nagbago an...
