"Class, alam niyo naman na every morning bago tayo magsimula kailangan natin ng pampagising kaya magsitayo kayo at iready ang sarili." Utos ko sa kanila na agad din namang sumunod. Hinila ko ang mga manila paper na nakalagay sa isang kahoy. "Game?"
Iloveyou You love me We're a happy family With a great bighugand a kiss from me to you. Won't you say you love me too
I love you You love me We're best friends like friends should be With a great big hug and a kiss from me to you. Won't you say you love me too
Kumanta na sila na may kasamang pagsayaw pa. Hindi ako boring na teacher pero hindi din ako mabait, pag klase klase at pag lokohan at biruan na makakasundo mo ako. Makukulit sila pero once na nagstart ang lesson ko sa araw na 'yon magsisitahimik sila at magseseryoso dahil Monster ako pag nagalit sa kanila. At nasubukan na nila iyon nung unang araw pa lamang.
Pagkatapos ay pinakuha ko sila ng papel para sa Spelling quiz bee nila ngayon to improve their vocabulary. "Ready na ba kayong lahat? So kung sino ang Top 5 na makakakuha ng pinakamataas na score ngayon ay bibigyan ko ng Chocolate kaya nga sinabi ko sa inyo kahapon magreview kayo diba?"
"Yes, Teacher." Sagot nila habang nakatingin sa akin. Ngumiti akoat tinignan ang index card kung saan nakasulat ang mga tanong na ibibigay ko. "Number 1." Tumungo ang mga ito at iniready ang lapis sa tapat ng kanilang mga papel. "Spell, MINE."
_
Kinahapunan pagkatapos maglinis ng mga assign cleaners na itinalaga ko ay dumeretso na ako sa Office para mag time-out.
"Totoo nga Ma'am Jasmin manlilibre daw ngayon si Sir Montello para sayo?" Tanong nang isang medyo matanda lang sa akin na kontin co-teacher ko. Namula ang mukha ko doon, nahihiya ako kasi dapat ako manlilibre pero si Sir Montello ang hinuthutan ni Ma'am Caballero. (Em-Em Caballero) Nainsulto ata ako.
"Okay lang Ma'am, sa unang sweldo daw ni Ma'am Samuel siya na ang manlilibre." Sumingit si Sir sabay kindat nito sa akin ng mapatingin ako sa kanya. Namula naman ang pisnge ko dahil doon.
"O-Oo nga po. Ma'am." Sabay ngiwi ko. Ang dami kong ililibre sa unang sweldo ko may matitira pa kaya sa akin? Kailangan kong bumili ng books sana may matira pa.
"So, tara na? Nakapag time-out na ba kayo my co-teachers?" Tanong ni Mrs. Dimaguiba sa amin habang naglilipstick sabay spray niya ng kanyang pabangong napakatapang. "Nandon na si Ma'am Samuel para makapagpareserve ng table para sa atin." Sumunod niya pa.
Nagsitayuan ang lahat at lumabas sa office. Saan kaya yon? Sana sa mumurahin lang para di siya magsisi sa ginawa niya. Pumara ang isa pang lalaking Teacher ng jeep. Nakalimutan ko ang pangalan niya pero matanda na ito kasing tanda ata ni Mrs. Dimaguiba. Sumakay na kami doon at sa unahan ako ng driver napaupo habang nasa tapat ko naman si Sir Montello. Ngumiti ako sa kanya at sinuklian niya iyon. Naiilang ako sa kanya hindi ko naman alam kung bakit?
"Ilang taon ka na pala, Ma'am Jasmin?" Tanong nung kaninang teacher. Chismosa kaya siya? Kanina pa siya nagtatanong e.
"21 po." Sagot ko.
"Wag mo ngang po'in yang si Mrs. Dalisay matanda lang siya sayo ng dalawang taon katulad ni Ma'am Caballero." Si Mrs.? Sino nga siya ulit? Bakit ba ang hirap tandaan nang pangalan nila? Nakakainis!

BINABASA MO ANG
Sharap (Baka Girls #1)-Completed
RomanceCompleted. Jasmin Samuel - isa sa mga member ng Baka Girls. Proud siyang sabihin na sa edad niyang lagpas bente ay hindi pa nagkakaroon ng unang halik pero nang isang araw ay bisitahin sila ng kaibigan ng Ina niya kasama ang anak nito ay nagbago an...