Inilagay ko na ang mga damit ko sa Maleta ko at ang iba ko pang mga gamit. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto ko dito na kulay green bago umupo sa aking kama. Ito ang kwartong lagi kong karamay sa sakit na nararamdaman ko noon. Siya ang saksi sa mga luhang laging lumalabas sa mga mata ko at hinagpis pag naaalala ko ang mga ginawa ko noon. I will surely miss this.
Tanggap ko nang hindi kami magkakaayos ni Lolo kahit anong gawin ko. Kung ayaw naman talaga niya kahit anong effort ang gawin mo ay wala din. H'wag pilitin ang taong ayaw. Isa nalang ang poproblemahin ko, ang magpacheck up o kaya naman ay bumili ng pregnancy test.
Malaki ang pinagbago ng katawan ko. Ang dalawang dibdib ko na naging sensitive na rin ngayon kasama na rin ang pang-amoy ko. Kung ano-anong weird na pagkain ang hinahanap ko lagi. Bilang ko ang araw ko. Alam ko kung kailan ako magkakaroon at regular iyon. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat? Paano ko sasabihin sa kanya na buntis ako nang hindi niya iniiisip na pinikot ko lamang siya at kailangan niyang panagutan iyon?
Tumayo na ako sa kama ko bago hinila ang handle ng maleta ko papalabas. Bago ko isara ang pintuan ay pinagmasdan ko muna ang kabuuan niyon. Sa lahat ng ng kwartong tinutulugan ko isa ito sa masasabi kong paborito ko. Safe ako pag nasa loob non at feeling ko walang mangyayari sa aking iba. Inilapat ko ang pinto bago binitiwan ang seradura.
Habang bumaba ako sa hagdanan ay may naririnig akong nag-uusap at ang isa ay pamilyar na pamilyar sa akin ang boses. Mabilis ang tahip ng dibdib ko. Anong ginagawa niya rito? Dahan-dahan akong bumaba na hindi gumagawa ng ingay.
Pagkababa ko ay kumpirmado kung sino nga ang nandoon. Nakatalikod sa akin si Lolo kaya hindi ko nakikita ang itsura niya. Nakangisi si Jack habang nanunuod sa pag-uusap ng dalawa. "Pakakasalan ko po ang Apo ninyo at sana matanggap niyo 'yon."
"Paano kung hindi kita tanggapin?" Sagot ni Lolo. Nakikinita ko na dito ang matapang niyang mukha at numinipis na mga labi dahil sa galit.
"Gagawa ho ako ng paraan para matanggap niyo ako at ang relasyon namin." Sagot ni Al sa mababang tono. Sinulyapan ko si Jelly na nakangiti kaya naman napairap ako. Sumunod naman ay si Mr. Montello na nakapamulsa at seryosong nanunuod sa nag-uusap na dalawa. Nakita ako ni Al pero agad din niyang inalis ang mata sa akin at tumingin muli kay Lolo.
"Naloloko ka na ba? Hindi ka nababagay sa pamilya namin." Mariing lahad ng Lolo. Kahit kailan talaga napakamatapobre niya. Wala na talaga ata siyang pag-asa pang magbago. Sarado ang utak nito at gusto siya lang ang tama. Hindi ako nagsasalita patuloy akong nanunuod at nakikinig sa usapan . Minuwestra ni Jack na mahimik lang ako at wag sumingit sa kanilang dalawa.
"No offense pero mas mayaman ako kay Mr. Montello. I own a company na wala si Mr. Montello." Nakita ko ang pagngisi ni Jack sa sagot ni Al at ang pagsimangot ni Mr. Montello sa paghahambing nito sa kanilang dalawa. Lihim akong napapangiti dahil sa sagot niya. Kahit kailan napakachlidish talaga ng lalaking ito. Hindi ko na napigilan pa at nagsalita na rin ako.
"What are you doing here?"
"Nandito ako para sunduin ka." Deretsong sagot ni Al sa akin. Lumingon sa akin si Lolo at binigyan ako ng isang masamang tingin. Galit ito sa pag-aasal ni Al at galit din ito sa pagsugod nito ngayon lalo pa't nag-away kaming dalawa kanina. Pasalamat nalang talaga hindi ito inaatake sa puso kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko tiyak kamumuhian ako ng iba ko pang kamag-anak.
"Anong pinagsasasabi mo?" tinignan ko si Lolo na nakamasid lang sa aming dalawa.
"Iniwanan mo na naman ako. Lagi na lang bang ako maghahabol sayo? Sinusundo kita uuwi na tayo sa atin kung saan ka masaya at kung saan maraming taong nagmamahal sayo ng walang hinihinging kapalit." Sinulyapan nito ang Lolo na umasim ang mukha. Naglakad ito papalapit sa akin at kinuha ang maleta ko sa kamay ko bago siya bumulong. "Alam ko na lahat, mag-usap tayo mamaya." Nanayo ang balahibo ko sa batok dahil sa hatid na iba mula sa kanyang hininga.
"Aalis na po kami. Inaantay po kasi kami ng mga magulang namin. Mamanhikan na po kasi kami sa Pamilya nila Jasmin sinasabi ko po ito dahil sa respeto ko sa inyo." Hinawakan niya ang palad ko sabay hinila na ako. Hindi ako makapagsalita dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko ngayon.
"Sasama ako." Singit ni Jack. "Pinsan ako kaya dapat naandon din ako." Ngumisi ito sa akin bago kumindat.
"Ako din." Sumunod ni Jelly. "Isasama ko si Totoy kasi boyfriend ko siya." Sabay peace sign nito sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko aakalain na ang pag-aaway naming dalawa noon ay para lang pala makalapit sa akin at maging close kami. Natouched ako sa effort na ginawa niya para sa aming dalawa.
"Sasama din ako sa inyo pabalik. Doon ako nakatira at isa ako sa nagmamahal kay Jasmin." Nag-uusap sila na para bang wala ang Lolo at hindi sila naririnig. "Woah! Easy pare, pasalamat ka sa akin dahil nagparaya ako." Natawa ako dahil sa itsura ni Al. Sinamaan niya ng tingin si Sir Montello na ngayon ay nakangisi sa kanya.
"Sige, Lolo. Iwan ka na naming mag-sa dito ha? May mga katulong ka naman." Lahad ni Jack bago naunang lumabas ng pinto ng bahay habang sumisipol-sipol ito.
Magkahawak kamay kami ni Al palabas ng bahay ng Lolo habang ang isang kamay niya ay hawak ang maleta ko. Hindi ako makapaniwala na ganito kabilis mangyayari ang lahat. Mabilis ang pag-aayos naming dalawa. "Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kanya.
Mabilis na tumigil sa tapat namin ang Wrangler jeep ni Jack at inilabas ang mukha niya. "Pasok na kayo sa loob deretso nalang tayo sa hotel." Sabi niya. Sinunod namin ang sinabi niya magkakalapit kami sa loob na. Magkalapit si Jelly at si Totoy sa unahan habang kami naman tatlo ni Al ay nasa likod. Si Al ang nasa gitna dahil ayaw niyang makalapit ako kay Sir Montello. Kahit kailan napakaisip-bata talaga niya but I love this side of him.
Habang nasa byahe kami papunta sa hotel kung saan don muna kami tutuloy ay patuloy ang daldal ni Jack sa amin tungkol sa mga nangyari kanina. "Magkasama si Al at si Jasmin sa isang kwarto. Tapos ako at si Jelly habang si Rich at Toby ang sa isa pang kwarto. May angal ba kayo?" Tanong ni Jack. Tumitingin ito sa rear view mirror para antayin ang sagot namin.
"Wala kaming angal." Mabilis na sagot ni Al habang nakaakbay siya sa akin.
"Malamang magkasama kayong dalawa ni Jasmin at may pagkakataon kayong gawin ang gusto niyong dalawa." Namula ang mga pisnge ko sa sinabi ni Jelly kay Al. At ang kupal naman ay ngingiti-ngiti lamang. Jusko, umiiral na naman ang pagkamanyak niya dahil pinisil nito ang braso ko.
"Wag ka ng magreklamo, Jelly. Anong gusto mo pauwin ko si Toby o magkasama tayong dalawa sa iisang kwarto?" Seryosong tanong ni Jack sa kanya.
"Wushu, ang totoo naiinggit ka kasi wala kang kapartner." Pang-aasar ko sa kanya. Nagtawanan ang lahat sa loob kaya nawala ang hiyang kaninan kong nararamdaman dahil sa sinabi ni Jelly sa aming dalawa ni Al.
"Shut up!" Sigaw nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Sharap (Baka Girls #1)-Completed
RomanceCompleted. Jasmin Samuel - isa sa mga member ng Baka Girls. Proud siyang sabihin na sa edad niyang lagpas bente ay hindi pa nagkakaroon ng unang halik pero nang isang araw ay bisitahin sila ng kaibigan ng Ina niya kasama ang anak nito ay nagbago an...