36

549 21 12
                                    

Isasabay ko dapat ang update ng Chapter 37 kaya lang hindi ko natapos ngayon dahil paalis na kami. :( Anyway, Merry Christmas sa inyong lahat. :)



Hinalikan niya ako sa harap ng maraming tao. Sa harap ni Inday. Umiikot ang paningin ko ng maamoy ko ang mabaho niyang pabango sabayan pa ng mga insektong nagwawala sa loob ng tiyan ko. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Ngayon ko nalang muli naramdaman ang ganitong pakiramdam matapos ang halos tatlong buwan.   

Lumayo ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako hinalikan. Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit na kanina ko pa nararamdaman. Nagdidilim na rin ang paningin ko.  

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko medyo malabo pa rin iyon. Malabo ang tingin ko sa kung sino man ang nakatingin sa akin hanggang sa luminaw. "Are you alright?" Halata sa mga mata at boses niya ang pag-aalala.  

Tumayo ako pero muli niya akong pinigilan at inihiga sa malambot na sofa. "Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa rin mabuti ang pakiramdam ko. Sumasakit pa rin ang sentido ko pero kung susumahin mas bumuti ng konti ang pakiramdam ko kesa kanina. "And where I am?" Sumunod ko. 

Pilit kong inalala ang mga nangyari at kung bakit ako nandito pero hindi maliwanag ang lahat at ang tanging naaalala ko lang ay yung nakaharap ko si Inday sabay dating ni Al bago inabot ko sa kanya ang pagkain na pinaaabot ni Tita Mildred. "Hinimatay ka." Tumango-tango ako. Nawala na dito ang pag-alala sa mukha niya at pinaltan ng seryosong tingin sa akin bago naupo sa paanan ko. "Nasa opisina kita. Ano bang nararamdaman mo ngayon? Kumain ka ba bago nagpunta dito? Baka kasi nalilipasan ka ng oras. Anong sinabi mo kay Inday kaya ganun na lang ang galit niya kanina?" 

Nagtiim-bagang ako sa huli niyang tinananong. "So what kung may sinabi man ako kay Inday anong gagawin mo?" Mataray na tanong ko sa kanya. Nakapagsumbong na naman sa kanya ang babaeng yon at kinakapihan na naman niya. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko. Inayos ko ang paldang lumihis ng konti sa aking hita. Nahuli kong napalunok siya sa ginawa ko kaya naman napangisi ako.  "Ubusin mo daw yung Mechado na niluto ni Tita kasama ng Inday mo!" Pagkasabi ko non ay tumayo na ako pero naramdaman kong may humawak sa aking palapulsuhan.  

"Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag?" Binalingan ko siya.  Kita sa mga mata niya ang galit kahit hindi ito nakatingin sa akin. "Fuck! Two months kitang pinagbigyan para lang mawala ang galit mo tapos ngayon hindi mo pa rin ako bibigyan ng panahon para pakinggan ako." Naramdaman ko ang lamig na dumampi sa balat ko habang nanginginig ang mga kalamnan ko. Ngayon ko lang siya nakitang magalit.  

Nilinok ko ang nakaharang sa bingit ng lalamunan ko bago kinurap-kurap ang mga mata ko para pigilan ang mga luha. "Sinabi ko sayo noon na wala kang dapat na ipagpaliwanag." Mahinang sagot ko. Tiningnan na niya ako at mas lalong nanlisik ang kanyang mga mata. Mahigpit na rin ang pagkakakapit niya sa akin.  

"Kung gayon ikaw dapat ang magpaliwanag sa akin kung bakit mo ako iniwan basta-basta." Mariing tugon niya.  Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya lalo na ngayon ay galit na galit siya. Biktima lang siya sa lahat ng nangyayari.  

"Damn! Hindi matatapos ang lahat kung hindi tayo nagpapaliwanag sa isa't-isa!" Aniya. 

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon