10

841 28 12
                                    

Kanina pa ako nagpapabaling-baling dito sa kama pero hanggang ngayon hindi pa rin ako dinadalaw ng antok at madaling araw na. Maaga pa pasok ko bukas, hindi mamaya pala at panigurado bangag ako habang nagtuturo.

Namamahay ako at hinahanap ng katawan ko ang kamang matagal ko nang iniingat-ingatan. Namimiss ko na siya at gustong-gusto ko nang matulog don pero nakakatakot mag-isa baka lumabas yung babaeng nakaitim dun sa Insidious at magpakita sa akin. DIYOS KO LORD MAAWA KA SA AKIN!

May narinig akong mga yabag ng sapatos na galing sa labas ng kwarto at pinakiramdaman mabuti. Si Al na ba yon? Ngayon lang siya nakauwi?  Tinignan ko ang orasan sa cellphone ko na nasa ilalim ng unan. 1 am.

May narinig akong lumangitngit kaya agad kong binalik ang cellphone sa ilalim ng unan at pinikit ko ng mabilis ang aking mga mata. May narinig na naman akong mga yabag ng sapatos, kung nung una ay mahina lang ngayon ay malakas na dahil pumasok ang taong iyon sa kwarto ko hanggang sa may naramdaman akong nakatayo sa tabi ko.

Ilang minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin siya umaalis at patulot pa rin akong nagtutulog-tulogan sa susunod talaga ilalock ko na ang pinto ko para hindi ako mapasok ng ibang tao.Ramdam na ramdam kong pinagmamasdan niya ako kahit hindi man ako magmulat. Maya-maya ay may kamay na humawak sa buhok ko habang hinahagod iyon, hindi mapigilan ng puso ko ang pagbilis ng takbo animo may gustong sumabog.

“Hindi ko inaasahan na makikita kang muli dahil nuon pa mang lumipat ka ng school ay nawalan na ako ng pag-asa at mga bata pa lamang tayo noon.” Naamoy ko na ang hininga niya na amoy alak lumuhod siguro ito kaya ramdam ko ang hininga niya sa mga balat ko. Parang kinikilit ako sa mga ginagawa niya sa akin ang hininga na dumadampi sa balat ko habang ang maya niya ay nasa buhok kong patuloy na hinahagod. Maya-maya ay muli siyang nagsalita  “Alam mo ba noon nasa Nursery ka palang habang ako naman ay Kinder ay lagi kitang sinusundan.” Tumawa siya ng bahagya.

 Al hindi ka pa ba tapos? Nangangalay na ako sa pwesto ko at hindi ko na rin mahandle ang nararamdaman ko ngayon konting salita mo na lamang magigising na ako. “Nakakatawa man pero totoo iyon ngayong nakita na kitang muli hinding-hindi na kita pakakawalan pang muli. Tandaan mo yan! Dahil tadhana na ang nagsabi na ikaw ay para lamang sa akin.” Hinalikan niya ako sa noo at narinig ko na lamang ang paglapat ng pinto.

Nagmulat ako ng mata at tumulala sa kisame na madilim. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko pag lumalapit siya sa akin? Si Sir Montello ang crush ko pero hindi ganito kabilis ang tibok ng puso ko pag binibigyan niya ako ng isang killer smile pero si Al konting salita lamang o gawa niya parang sumasabog na ang puso ko sa pagwawala habang yung tiyan ko naman ay may lumilipad na kung anong insekto.  Ni hindi ko nga siya tinignan o kinausap kahit paghawak niya sa akin ay kakaiba. Anong ibig niyang iparating sa sinabi niya? Lasing siya kaya niya nasabi yon pero posible bang totoo ang mga iyon? Al bakit ang kupal mo talaga? Hindi mo talaga ako patutulugin.

 

Hindi ako pwedeng maniwala sa kanya dahil isa siyang likas na babaero. Ang Cliché man ng dating pero gagawin ko ang lahat huwag lang mahulog sa mga bitag niya. “Ngayong nakita na kitang muli hinding-hindi na kita pakakawalan pang muli. Tandaan mo yan!” Paulit-ulit ang mga salitang iyon sa utak ko na para bang kanta na hindi mawala-wala dahil naLSS ka.

-

“Kriinnngggg! Kringgggg!” kinapa ko ang alarm clock kong nasa side table ko dahil napakaingay niya. Ang himbing pa naman ng tulog ko dahil sa panaginip ko tapos sisirain niya lang? Pinatay ko na siya bago pa man maibalibag kung saan at bumili ng bago dahil nasira. “Hoy Jasmin, gumising ka na daw sabi ni Mommy!” Sa narinig kong boses ay napamulat ako ng mga mata na parang zombie.  Tumagilid ako para tignan siya pero napanganga ako dahil sa itsura niya ngayon wala na naman siyang suot na pang itaas tanging Harem pants lang habang yung biceps niya ay nangangalit at may mga butil-butil na pawis na naglalandas sa kanyang mga balat. “Yung bibig mo itikom mo baka tumulo ang panis na laway mo.” Pagkasabi niya non ay tinalikuran ako. BASTOS! Napahawak ako sa bibig ko wala namang laway na tumulo. KAINIS!

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon