• Official •

29.6K 827 52
                                    

Kleng's POV

Hindi ako masyadong active sa social media. Kahit meron akong facebook account, hindi naman active iyon. Wala ngang kabuhay - buhay ang mga nakalagay doon. Just my name. Ang litrato ko, picture ko pa 'nung nag - graduate ako ng highschool. Wala din akong masyadong mga status update. Si kuya JD kasi. Lagi niyang sinasabi na hindi safe ang laging nakababad sa social media. Doon daw madalas nako - compromise ang privacy ng isang tao kaya tigilan ko daw magpo - post ng kung ano - ano doon. Kaya madalas, nagtitingin- tingin lang ako sa mga pangyayari sa buhay ng mga friends ko saka doon ko din nakikita ang iba't - ibang mga balita na hindi ko na minsan nakikita sa tv.

Hindi ko ugaling mag - stalk ng kahit sino. Hindi rin ako mahilig mag - add ng mga taong hindi ko kilala kahit napakarami kong friend requests. Pero kanina pa ako nakahiga lang sa kama ko at hawak ang telepono. Kung hindi ako inaantok, nagbabasa ako ng libro. Pero ngayon, telepono ang hawak ko at nakatitig ako sa facebook account ni Ferdinand Jose Oligario.

Medyo active siya sa pagpo - post doon. Mga shared quotes, mga kalokohang videos. Pero mas marami ang mga tag photos sa kanya sa mga gimiks. Karamihan puro babae ang mga nagta - tag. Marami ang mga nag - co - comment sa mga litrato niya. Mga nagha - hi. Nagpapakilala. Nagtatanong kung anong pangalan niya. Guwapo naman kasi talaga si Ferdie. Medyo maputi, matangkad, hindi payat pero hindi rin naman mataba ang pangangatawan niya. Katamtaman lang. Ang ganda ng buhok. Bagay na bagay sa shape ng mukha niya. Cute din siyang ngingiti lalo na kapag nawawala 'yung mata niya kasi medyo singkit. Ang tangos ng ilong. Saka 'yung lips niya. Mapupula kahit na nga lagi siyang naninigarilyo.

Isa - isa kong tinitingnan ang mga pictures niya. Ang dami niyang trips. Abroad. Sa mga lugar dito sa Pilipinas kasama ang mga kaibigan niya. Karamihan sa mga kaibigan niya mga kilalang mayayaman din sa univeristy. Iba na talaga ang mayaman. Kahit na anong gusto, makukuha. Samantalang ako, kahit si kuya JD ang nagbabayad ng tuition ko, siyempre nakakahiya pa din kaya talagang nag - aaral akong mabuti at hindi mawala ang pagiging scholar ko. Gusto ko na makita ni kuya, nila nanay at tatay na nagsisikap ako at hindi ko sasayangin ang pagpapagod nila.

Kaya hindi talaga ako nag-i - entertain ng mga manliligaw. Kahit alam kong marami ang gustong manligaw sa akin, talaga sinusupladahan ko sila. Bukod tanging kay Ferdie lang ako medyo nagka - interes.

Alam ko naman kasi may utak siya. Ma - perfect ba naman niya ang isa sa pinaka - mahirap na exam sa university. Talagang kakaiba ang lalaking iyon. At pinaulit ko pa sa kanya. Sa harap ko pa. Perfect niya ulit. So, ano ang dahilan bakit siya nagloloko sa school?

Hi.

Nagulat ako kasi sa biglang pagpop - up ng message mula sa messenger. Napabangon ako bigla ng makita kung kanino galing ang message.

Kay Ferdie!

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan na kinikilig na ewan. Sasagutin ko ba?

Ferdie: Add kita, ha? Accept mo.

Nakita kong meron akong one friend request.

Ferdie Oligario.

I - add ko ba?

Ferdie: Kleng, add mo na ako please?

Natawa ako. Sige na nga. Pinindot ko ang accept.

Ferdie: Yes! 😍 Buti naka - online ka pa? Kala ko tulog ka na, eh?

Hindi ko sinagot. Seen zone lang.

Ferdie: Seen zoned? 😔 Hanggang dito ba naman susupladahan mo pa rin ako? Hihintayin pa naman kita dito sa harap ng bahay nyo para maihatid kita bukas.

DANGEROUS DARE (Book 1 of Dangerous Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon