• Cover blown •

23K 664 34
                                    

Ferdie's POV

"What do you think? Kinky ba masyado?"

"Sexy daw kapag gumagamit ng posas, eh. Ibang klase daw ang thrill."

"Sa lalaki parang sexy nga. Imagine you'll feel helpless and powerless and you will let your woman do anything she wanted to do to you."

"Ang problema, kapag iniwan kang bitin at nakaposas tapos wala ka pang suot kundi boxers at medyas lang tapos galit na galit ang sundalo mo."

"Guys, you know I can hear you both." Inis na sabi ko kay Mason at JD na nakatayo sa may paanan ng kama at nakatingin lang sa akin na parehong natatawa.

Kahit sino naman kasi na makakita sa akin ay matatawa sa itsura ko. Para akong palakang nakatihaya sa kama at naka posas ang dalawang kamay sa magkabilang kanto ng kama. Kung puwede lang akong lumubog sa kinalalagyan ko, kanina ko pa ginawa. Tayong - tayo kasi ang nagtatago kong alaga mula sa suot kong boxers.

"Pretty boy, nasa ganyan ka ng sitwasyon, kalibugan pa rin ang nasa utak mo. You have a fucking hard on!" Tumatawang sabi ni Mason.

"It's morning, damn it! That is fucking normal," pikon na sagot ko.

"She really did this to you?" Tatawa - tawa din talaga si JD.

"Yes! Ilang beses ko bang sasagutin 'yan? Take off this god damn cuffs!" Inis na inis na sabi ko.

"Hindi mo nagawang tanggalin? That is a no brainer, Ferdie. Kahit grade one kayang tanggalin ang posas na 'yan," natatawang sabi ni Mason.

"The keys won't work because she broke the locks! Come on man! Just use the fucking bolt cutter." Naiinis na rin ako sa kanila.

"Bakit ba kasi hanggang langit ang galit sa iyo ni Kleng? We know you two had history. Hindi kaya nagpapakipot lang kayo sa isa't - isa?" Sabi pa ni Mason.

"Hindi ko nga alam! Tanggalin 'nyo na 'to!" Talagang buwisit na ako sa kanilang dalawa.

"Teka, pagkakataon ko na 'to. Sagutin mo muna ang mga tanong ko." Sabi ni JD at kumuha ito ng isang silya tapos ay naupo sa doon. Ang lakas ng tawa ni Mason habang nilalaro ang hawak na bolt cutter.

"For real? Please naman. Just remove this fucking thing. She is in danger." Todo - todo na ang pakiusap ko sa kanila.

"Si Kleng pa. She can take care of herself. Nagawa nga niya iyan sa iyo," sagot ni Mason.

Malakas akong napasigaw sa sobrang inis.

"Tapatin mo muna ako. I know you and my sister kissed. But did the two of you had sex?"

"Diyos ko po, JD. Are you going to ask me that? Now?" Sumasakit na ang ulo ko at ang kamay ko. Ngalay na ang mga braso ko.

"Yes. Just answer me." Seryoso na ngayon si JD.

"No!" Pagsisinungaling ko. Baka mapatay ako ni JD kapag sinabi kong may nangyari na sa amin ng kapatid niya. "Would you mind now?"

"Good answer. Sabagay, hindi naman papayag si Kleng na gawin 'yun." Kinuha ni JD ang bolt cutter kay Mason at ginamit sa posas na nasa kamay ko. Para akong nakahinga ng maluwag ng matanggal ang mga iyon. Mabilis akong nagbihis at hinanap ko ang spare kong telepono ko.

"Pasalamat ka at naisip - isipan ni JD na puntahan ang hideout na ito. Malamang kung hindi ka namin nakita, naburo ka na dito." Sabi ni Mason.

Hindi ako kumibo at panay lang ang browse ko sa telepono ko. Tinitingnan ko ang mga missed calls ko. Puro tawag ni Rachel. Text messages coming from her. Tanong ng tanong kung nasaan ako.

DANGEROUS DARE (Book 1 of Dangerous Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon