• Ghost •

23.4K 669 24
                                    

Ferdie's POV

Wala talaga akong maalala sa mga sinasabi ng babaeng kasama ko. But she has proofs. These photos doesn't lie. I can't understand kung bakit sa tuwing umaga wala akong maalala sa mga nangyari. Wala akong maalala sa aksidenteng sinasabi niya. Wala akong maalala sa pagsasama namin. I don't feel any connection at all.

Kassandra. She keeps on telling me that I should remember her. Paulit - ulit niyang sinasabi ang pangalan niya at paulit - ulit niyang pinapaalala na siya ang asawa ko. We have a marriage contract but I don't have any memories being married with her.

Dr. Suarez is explaining to me that I am suffering from anterograde amnesia because of an accident. My mind cannot recall the past which I cannot understand. I keep on trying to remember what happened to me, but it was all empty. Sumasakit lang ang ulo ko.

"Hon, it's time for your medicine."

Tiningnan ko lang si Kassandra na pumasok sa kuwarto at may dalang maliit na tray. Naroon ang isang syringe at ilang tabletas.

"Do I need to have that everyday?" Hindi ko alam kung anong mga gamot 'to. Paliwanag din ni Dr. Suarez, kailangan ko daw para makaalala ako.

Lumapit sa akin ang babae at humalik sa pisngi ko.

"I am so sorry, hon. Pero sinasabi ni Dr. Suarez, you need to take this. Paano ka gagaling? If you want to remember everything, ganoon din ako. I just want us to be normal." Sabi niya at kinuha ang syringe tapos ay itinusok sa braso ko.

"Is this permanent? My memory? Permanent na bang wala akong maalala?"

Lumuhod siya sa harap ko.

"Hon, walang problema sa akin kahit hindi ka na makaalala. Ang gusto ko lang magkasama tayo. Basta naaalala mo ako, masaya na ako. I will take care of you until the end." Nakangiting sabi niya. Kinuha niya ang mga tabletas at ibinigay sa akin. "Take this."

Sumunod na lang ako sa sinabi niya.

"Gaano katagal na akong ganito?"

"Two months. Pero huwag mo ng pasakitin ang ulo mo sa pag - iisip. You are fine. The doctors are doing everything para maging normal ka. At nandito ako."

Napapikit ako dahil sumasakit na naman ang ulo ko. Bakit siya lang ang tanging taong kakilala ko?

"I don't have any family?" I want to know who I really am.

"Hon, you don't have any family besides me. You are an only child and your parents died from a car crash."

"They did?" Wala naman akong maalala na nangyaring ganoon.

Tinulungan niya akong makahiga sa kama.

"Just take a rest. Huwag mo munang pilitin ang sarili mo. Do you know our term of endearment?"

Umiling ako.

Inayos pa ni Kassandra ang kumot ko.

"You call me hon. Honey. Isn't it sweet?"

"Hon?" Paniniguro ko.

"Yeah. Pahinga ka na. I love you, hon." Hinalikan ako sa labi ni Kassandra at lumabas na siya bitbit ang mga pinaglagyan ng gamot.

I really feel something strange. I know there is something wrong with me. I can feel that this is not my life. Pero napakahirap kung ganitong wala akong maalala na kahit ano sa buhay ko.

———————>>>>>

Kleng's POV

Hindi ko pansin ang gulat ng tingin ng mga tao sa opisina ni kuya. Dire - diretso akong pumasok doon at tinungo ko ang opisina niya. For the first time in two months, lumabas na ako. At wala akong pakielam kung magulat ang mga tao dito na buhay na buhay ako.

DANGEROUS DARE (Book 1 of Dangerous Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon