• Handcuffs •

28.5K 869 97
                                    

—— ang bahaging ito ay hindi angkop sa mga bata. Gabay ng magulang ang kailangan. 🤣
SPG 'to!

Kleng's POV

Wala lang akong choice kaya hindi ako makaiwas kay Ferdie. My parents will ask me bakit parang diring - diri ako kanya. Kuya JD might ask kung anong issue sa amin kahit alam niyang may nakaraan kami. At ayoko ng mag - explain basta pagdating sa lalaking ito. Kung puwede ko lang ipabura ang alaala niya sa isip ko katulad 'nung sa pelikulang Eternal Sunshine of the Spotless Mind, matagal ko ng ginawa.

Ayoko ng sagutin ang mga sinasabi niya kasi nakakainis lang talaga. Anong akala niya, after five years na hindi kami nagkita, ngayon na magkaharap kami okay na lahat? Kung alam lang niya ang mga bagay na gusto kong gawin sa kanya. Gusto ko siyang balian ng buto. Gusto kong dagdagan ang black eye niya.

Nakakainis pa panay pa ang tawag niya ng babe sa akin. Nakakapeste.

"Will you stop calling me babe? Nakakainis. Hindi bagay." Inis na sabi ko sa kanya. "Saka puwede ba lubayan mo na ako. Hindi ko alam kung anong sumpa ang nangyari at nagtagpo pa tayong dalawa."

Ngumisi lang si Ferdie. "Do you really want me to stay away from you? Parang hindi iyon ang nararamdaman ko sa tuwing nagkikita tayo. Admit it, I know you still like me."

"Sir, grabe ang taas ng confidence mo. Hindi ko maabot. Just to inform you, matagal na kitang binura sa buhay ko."

"Sure?" Tonong nang - iinis pa siya. Lalo lang akong naiinis sa kanya.

"Go to hell." Iyon na lang ang nasabi ko at tinalikuran ko siya. Sa labas na lang ako tumingin. Pero nakapakunot ang noo ko kasi ibang daan ang dinadaanan namin. Hindi ito papunta sa flower shop. "Wait. Saan tayo papunta?"

"Away from everything, Kleng. Or should it be Kasey? Kasey Delmar?" Seryosong sagot ni Ferdie.

What? What did he just call me?

"W - wha - H - How did you know?" Hindi ko halos marinig ang boses ko. Paano niya nalaman 'yun?

Hindi sumagot si Ferdie. Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho. Natataranta na ako. Paano niya nalaman ang alias ko? Walang nakakaalam nito kundi ang agency. Alam na ba ni kuya ang totoong trabaho ko? Pero imposible. Muli akong tumingin sa labas at expressway na ang dinadaanan namin. Palabas na ito Maynila.

"Shit." Kinuha ko ang telepono ko at tatawagan ko ang headquarters. Emergency ito.

Pero mabilis na inagaw ni Ferdie ang telepono ko at itinapon sa labas.

"What the fuck?! That's my phone!" Galit kong sigaw sa kanya. Shit! Kailangan ko iyon dahil baka tawagan ako ni Sphinx.

"We need to talk. You have lots of explaining to do." Sagot niya habang nakatutok ang tingin sa kalsada.

"Wala tayong pag - uusapan. Ako pa ba ang mag - e - explain? Ibang klase ka talaga Mr. Oligario. Parang ako ang gumawa ng katarantaduhan sa atin, ah."

Pero hindi na sumagot si Ferdie sa akin.

"Damn it Ferdie! Ibalik mo ako sa Maynila!" Galit na sigaw ko at hinampas ko siya ng hinampas sa braso. Sinusuntok ko siya. Inaagaw ko ang manibela sa kanya kaya pagewang - gewang kami hanggang sa napilitan siyang ihinto ang kotse dahil muntik na kaming bumangga sa isang malaking puno.

"Are you trying to kill us both?" Humihingal sa galit si Ferdie.

"Ibalik mo ako sa Maynila hayup ka!" I am trying to get off the car pero pinipigilan niya ako. Ang lakas ni Ferdie. Hindi ko man lang maigalaw ang dalawang kamay ko dahil pigil niya iyon gamit ang isang kamay niya. Ang isa naman ay nagbukas sa glove compartment at kinuha ang isang handcuffs.

DANGEROUS DARE (Book 1 of Dangerous Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon