• Kasey •

26.5K 867 26
                                    

—— kung may mga mali, pasensiya na.  Medyo sabog po si author dahil sa puyat 🤣

Kleng's POV

I need to impress Robert kaya talagang nagpaganda ako ngayong gabi.  Nakaready na ang mga gagamitin ko para mai - record ang conversation namin ni Robert.  Kailangan kong maging handa ngayon. 

"Okay ka lang diyan mag - isa?" Tanong ni Yanna mula sa telepono.  I put her on speaker para may kausap ako habang hinihintay ko si Robert na sunduin ako.

"Okay lang.  Hinahanda ko lang ang sarili ko.  Alam mo na.  Mukhang manyakis iyon.  I need to be ready sa mga style ng mga manyakis.  He could put roofies in my drink."

Lakas ng tawa ni Yanna.  "As if naman na magagawa niya 'yun sa 'yo."

Nakarinig ako ng pagparada ng sasakyan sa labas.

"Mukhang nandito na siya.  Wait for my call." At pinatay ko na ang telepono.  Nanatili akong nakatalikod sa pinto dahil gusto kong masurprise si Robert kapag nakita niya ako.  I want him to fall into my trap para kahit na anong gawin ko, anong sabihin ko sa kanya ay mapapasunod ko siya.

Bumukas ang pinto pero hindi pa rin ako humaharap.  Nakarinig ako ng mahinang ehem.

"I am here to pick up Miss Kaila Chavez."

Napakunot noo ko.  Teka.  Hindi ito boses ni Robert.  Mabilis akong humarap at si Ferdie ang nakatayo doon.  Gulat din siyang nakatingin sa akin.  Gusto kong matawa.  I really gave him a good punch.  Ang laki ng blackeye niya.

"What are you doing here?" Takang tanong niya.

"Ikaw.  Anong ginagawa mo dito?  Get out please." Sabi ko at tinungo ang pinto para palabasin siya.  Pero hindi tuminag si Ferdie.

"I am looking for - " hindi niya naituloy ang sasabihin ng marealize niyang ako ang Kaila na hinahanap niya.  Sumeryoso ang mukha ni Ferdie na nakatingin sa akin.  "You are Kaila Chavez."  Paniniguro iyon at hindi tanong.

"Please umalis ka na.  You don't know what is happening." Sabi ko at kinuha ko ang bag ko.  Maghahanap na lang ako ng taxi papunta sa Peninsula.

Nakita kong nagngalit ang bagang ni Ferdie at galit na tumingin sa akin.

"I can't.  I am your ride to your client." Diniinan niya ang salitang client.

Wait.  Did he just say client? 

"Get in the car.  Ayaw niyang ma - late ka." At nagpatiunang lumabas si Ferdie at binuksan ang likurang upuan.

"No.  I can find my own ride." Sabi ko.  Ayokong sumakay sa kotse kasama ang lalaking ito.  At paano ba siya napunta dito?  Paanong siya ang magiging ride ko?  Paano niya nakilala si Robert?  Shit!  Ano ba itong panggugulo na ginagawa ni Ferdie and how did he find me?

"Get in.  Don't test my fucking patience." Mariin na sabi ni Ferdie.

Tumunog ang telepono ko at nakita kong unknown number ang tumatawag sa akin.  Siguradong si Robert iyon.

"Mi reina, my apologies if I can't pick you up myself.  But I instructed Joe to pick you up.  I can't wait to see you." Iyon agad ang bungad ni Robert.

Joe?  Did Robert called Ferdie, Joe?  Ano ba 'to?

"I'll see you okay?  Take care mi reina." At pinatayan na ako ng telepono ni Robert.

Naguguluhan ako sa nangyayari but I need to pull this stunt.  Kung anuman ang papel nitong si Ferdie, wala akong pakielam.  Baka sa dami ng pera ng lalaking 'to, na - bored na sa buhay kaya nagpanggap na driver ng kung sino.  Inis akong sumakay sa likurang bahagi ng sasakyan at ramdam ko ang pabalibag na paraan ng pagsasara ni Ferdie ng pinto.  Hindi agad siya sumakay at nakita kong may kausap siya sa telepono sa labas.  Ilang minuto rin iyon tapos ay sumakay siya sa driver side.

DANGEROUS DARE (Book 1 of Dangerous Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon