• Flower shop •

27.3K 743 36
                                    

Ferdie's POV

The bar is full of people. Papalapit pa lang ako sa pinto, malakas na tunog ng galit na galit na mga speakers ang sumalubong sa akin. Sa totoo lang, I don't feel like doing this assignment. Wala akong ganang trumabaho ng kahit na ano kasi ang gusto ko, hanapin na lang si Kleng. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya. Kung galit siya sa akin, huwag niyang idamay ang pamilya niya. I know how her parents misses her. Kahit si JD. Galit ba siya dahil napangasawa ng kapatid niya ang ate ko? Pero hindi niya dapat ginawang umalis at hindi na siya nagpakita sa pamilya niya.

I know something is off at her at talagang aalamin ko kung anong nangyari sa kanya. And bakit basta - basta siya sumasama sa mga lalaki? Is she a high class pro? 'Tang ina. Parang ayokong isipin na ganon' na nga siya pero sa nakita ko, sa ginawa namin, fuck. Makakapatay yata ako ng tao kapag nalaman ko kung sino - sino ang mga lalaking nakasiping niya.

Inikot ko ang paningin ko sa buong bar at nakita ko ang target ko na nakaupo sa VIP section kasama ang mga kaibigan at may mga bodyguards. I know how to get her attention. I'll buy her a drink, I'll use my charm, if I need to bed her tonight just to get the information that I need, I'll do it ng matapos na ito at ng maka - focus na ako sa paghahanap kay Kleng.

Busy ako sa pakikipag - usap sa waiter kung paano ibibigay kay Rachel Fernando ang drink na i - o - offer ko ng isang grupo ng mga lalaki ang lumapit sa akin.

"Hindi ako puwedeng magkamali. Ikaw si Ferdinard Oligario." Pagaril na sabi ng lalaki.

Tiningnan ko ang nagsalita at napa - tiim - bagang ako. Si Ronan Oliveros. Ang huling balita ko dito, nasa America na rin at nagpa - reconstructive surgery. Nasira daw kasi ang ilong nito at cheek bone gawa ng pagkakabugbog ko sa kanya noon. Tumingin ako sa mga kasama niya at pawang mga nakainom na ang mga ito. Halatang away na ang hanap.

"You got the wrong guy," sabi ko at tinalikuran ko na. I look different five years ago at dahil lasing naman ang mga ito, madali ko naman silang maiiwasan. Tulad nga ng sinasabi lagi ni Mason at JD sa akin, stick to my mission.

"Huwag mo akong tinatalikuran. Sigurado ako ikaw si Ferdie. Tingnan mo ang ginawa mo sa mukha ko!" Malakas na sigaw ng lalaki at itinulak ako. Subsob ako sa counter ng bar. Naglayuan sa amin ang ibang mga customers doon.

Fuck. Kailangan talagang sumabay sila ngayon?

"I said, I am not that guy. Lasing ka lang. Hindi ko kilala ang sinasabi mo," sabi ko at lumakad na paalis doon. Napatingin ako sa lugar nila Rachel at nakatingin siya sa akin.

"Gago ka!" Malakas na suntok ang naramdaman ko pero nakaiwas na ako sa susunod pa. I immediately grabbed his arms and threw him on the floor. Gave him a good hand choke on his neck. Akmang susugurin ako ng mga kasama niya kaya lalo kong diniinan ang pagkakahawak sa leeg ni Ronan.

"Try. Just try to touch me. I'll break his neck," banta ko sa mga kasama niya. Isa - isa silang naglayuan. Tiningnan ko si Ronan at talagang nahihirapan na siyang huminga at tinatapik ang kamay ko.

"Hindi ako ang lalaking sinasabi mo. You got the wrong guy," at painis na binitawan ko si Ronan. Napaubo - ubo pa siya habang tinutulungan ng mga kasama niya.

Napailing ako. Sira ang plano ko. Inis akong naglakad palabas ng bar. I need to clear my head. Sa totoo lang, sira naman talaga ang plano ko ngayon. Wala akong concrete plan para sa assignment na ito. Gusto ko lang talaga matapos 'to. Dahil si Kleng ang laman ng utak ko. Kung nasaan siya. Kung saan ko siya hahanapin.

Dumukot ako ng sigarilyo sa bulsa at sinindihan iyon. Para akong nakahinga ng bumuga ako ng usok.

"Can I have light?" Malambing na sabi ng kung sino. Tiningnan ko ang babaeng tumabi sa akin.

DANGEROUS DARE (Book 1 of Dangerous Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon