• Perfect •

33.9K 884 36
                                    

Kleng's POV

"Kumain ka na. Iniluto ko ang paborito mo."

Iyon ang bungad sa akin ni nanay ng tinungo ko ang kusina. Nandoon si tatay at nagbabasa ng diyaryo. Napatingin ako sa relo at nakita kong pasado ala - siyete na. Bakit nandito pa si tatay? Maagang umaalis ito araw - araw.

"Bakit nandito ka pa 'tay?" Taka ko. Umupo ako sa harap ng mesa at nagsandok ng sinangag na kanin at kumuha ako ng bagnet.

"Tanghali na ako pinapapasok ni Lucy." Sagot nito habang inililipat ang pahina ng diyaryo tapos ay iniligpit din iyon at hinarap ang kape niya. "Nga pala, kaklase mo pala si Ferdie 'no?" Sabi pa ni tatay. Nakita ko siyang sumandok din ng kanin at ulam.

Kumunot ang noo ko. "Sinong Ferdie, 'tay?" Sino kaya ang tinutukoy niya? Wala naman silang kilala sa mga classmates ko.

"Si Ferdie. Ferdie Oligario. Kapatid ni Lucy." Sabi ni tatay.

Napahinto ako sa pagsubo. "Paano 'nyo nakilala ang lalaking iyon?"

Natawa si tatay. "Sa tagal ko ng nagtatrabaho sa mga Oligario, hindi mo alam na sa kanila ako nagta - trabaho?"

"Ha? Doon kayo nagta - trabaho?" Paniniguro ko. Alam kong driver si tatay sa isang mayamang pamilya pero wala akong ideya na pamilya ni Ferdie iyon. Hindi ko naman kasi kilala ang pinagtatrabahuhan niya. Hindi siya nagkukuwento masyado.

"Kahapon ko nga lang din nalaman na magkaklase kayo kasi nabanggit niya. Magka - grupo pa daw kayo sa isang proyekto. Ang alam ko lang, pareho kayo ng eskuwelahan na pinapasukan," sabi pa ni tatay.

Hindi ako kumibo. Sasabihin ko ba kay tatay na masama ang ugali ng lalaking iyon?

"Nakakatuwa nga. Unang beses na nakipag - kuwentuhan si Ferdie sa akin. Madalas, masungit ang batang iyon kapag dumadating sa bahay nila. Lagi silang nagtatalo ng ate niya." Napailing pa si tatay. "Nagkaganoon lang naman silang magkapatid ng mamatay ang tatay nila."

Umirap ako pero hindi ko ipinakita kay tatay. Hindi naman ako interesado sa buhay ng Ferdie na iyon.

Humigop si tatay sa kape niya at tumayo na.

"At saka nga pala, sabi niya sa akin daanan ka daw niya dito. Sabay na daw kayong pumasok ngayong umaga at may proyekto yata kayong gagawin." Lumayo na sa akin si tatay at humalik sa pisngi ni nanay. "Mauna na ako." Paalam niya at dire - diretso ng lumabas ng bahay.

Teka. Ano daw? Dadaanan ako dito sa bahay ng Ferdie na iyon?

Siraulo talaga. Binilisan ko ang pagkain ko at hindi ko na pinansin ang nagtatanong na tingin ni nanay sa akin.

"Hindi mo pa inuubos ang gatas mo," puna niya.

Inisang lagukan ko ang isang baso ng gatas at humalik sa pisngi niya. Mabilis akong bumalik sa banyo at nagsipilyo tapos ay binitbit ko na ang mga gamit ko.

"Nay! Alis na po ako!" Paalam ko. Past seven pa lang. Nine am pa ang pasok ko sa school. Kung pupunta man dito ang impaktong si Ferdie, hindi na niya ako maaabutan.

Paglabas ko sa bahay ay walang mga traysikel na dumaraan. Weird. Usually ganitong oras nagkalat ang mga traysikel dahil rush hour. Napilitan tuloy akong maglakad hanggang kanto. Pero napakunot ang noo ko ng may makita akong nakaparadang kotse malapit sa pilahan ng traysikel. Punong - puno ang pila. Parang walang bumiyahe na traysikel at lahat ay naroon lang. Mga nagkukuwentuhan. Pamilyar ang kotse na iyon dahil kakaiba iyon sa karamihan. Hindi pangkaraniwan. Iisa lang ang kilala kong may ganoong klase ng kotse at sa university ko lang iyon nakikita.

DANGEROUS DARE (Book 1 of Dangerous Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon