• Kissing Booth •

27.3K 809 24
                                    

Merry Christmas everyone!!! Hindi na po ako busy kaya madadalas na ang UD 😊🎄🎄🎄

Salamat sa matiyagang naghihintay😘

————————->>>>>

Ferdie's POV

Sleep tight. I love you.

Fuck. Did I really say that? Nakagat ko ang daliri ko habang nagda - drive. I can't believe I said that. I am getting too deep in this shit.

This is just a game. A bet between me and my friends. I need to keep that in my head. Kasi feeling ko, nakakalimutan ko na minsan na pustahan lang itong kay Kleng.

Wala akong siniseryosong babae. I can easily find a replacement kapag nagsawa na ako sa kanila. Pero iba si Kleng. I find her cute. She is nice. She got brains. And she is not interested with boys. Napangiti ako ng maalala ko ng una kaming magkita. Inis na na inis siya sa akin pero talagang nakuha niya ang atensiyon ko noon. Hanggang ngayon.

Napabuga ako ng hangin at tumingin sa kalsada. This is just a god damn bet. Pero bakit nabuwisit ako ng hindi niya sagutin ang message ko? At lalo akong nabuwisit na kinakausap niya ang Julius na iyon. Wala akong pakielam sa mga naging babae ko kung meron man silang ibang lalaki bukod sa akin. Wala naman kaming label. I didn't have steady girlfriends. Lahat puro fling lang. Tikiman. Pero si Kleng, kaya kong sabihin sa lahat na siya ang girlfriend ko para wala ng lalaking lalapit sa kanya.

"Shit." Mahina kong nasabi. Ano ba itong naiisip ko? "Keep in mind, Ferdie that this is just a fucking bet." Parang tanga na sabi ko sa sarili ko.

Hindi na ako bumalik sa unit ni Drew. Ayoko na munang pag - usapan ang tungkol sa pustahan na iyon. I want to be alone. I want to think kasi kung ano - ano talaga ang naiisip ko.

As usual, nasa veranda na naman si ate Lucy at may kaharap na alak. Parang nagche - check siya ng email niya

"Did you make someone cry today?" Narinig kong sabi niya ng makapasok ako sa loob. Nanatili siyang nakatingin sa laptop niya.

"Too bad, none." Pinatulan ko naman ang sarcastic na tanong niya.

"Good. I heard you perfect an exam."

Pabagsak akong naupo sa sofa malapit sa kanya. Kahit ayokong magkaharap kami ni ate Lucy, mukhang maganda naman ang mood niya sa akin dahil good news ang nabalitaan niya.

"The guidance counselor called me. And almost a week ka na din daw na hindi nadadalaw sa office niya. She finds it a good news kaya na - excite na sabihin sa akin." Isinara ni ate Lucy ang laptop niya.

"Great. Let's celebrate," walang buhay na sabi ko.

"Kung lagi kang ganyan, talagang magkakasundo tayo."

Napabuga ako ng hangin at tumayo na. "Okay na 'yung ganito tayo. Walang pansinan, walang pakielaman. You do what you want and I'll do my stuff. Get a life sometimes para hindi ako ng ako ang nakikita mo."

Alam kong magsasalita pa si ate Lucy pero tinalikuran ko na siya. Ayoko na talagang magkaharap kaming dalawa para hindi na kami nagtatalo. Sanay na naman ako sa kanya. Sa una lang minsan maayos ang sasabihin pero kapag nagtagal, nandoon na ang sermon, naroon na ang sumbat.

Diretso ako sa kama ko at pabagsak akong nahiga sa kama. I checked my messenger ang found several messages from my friends. Napailing ako ng makita ko ang sunod - sunod na messages ni Chelsey. Ang kulit. Talagang kinukulit akong mag - stay sa kissing booth nila.

Come on, Ferds. Magpapatalo ba tayo sa booth ng mga geek? Every year alam mong laging best booth ang org natin. And that is because of you. Alam mo naman na ikaw ang hinahanap ng mga girls sa campus.

DANGEROUS DARE (Book 1 of Dangerous Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon