CHAPTER TWO

14 1 0
                                    

Kinusot ko ang mga mata ko nang magising kinabukasan. Jules gave me this not-so-big room na katapat lang ng kwarto niya. I bet his room is way more bigger. Tatlo kasi ang room ng unit niyang ito. I wonder, sino kaya ang gumagamit ng room na ito dati? Parang ang laki naman ng condo niyang ito para sa isang tao lang.

Bumangon na ako at sinuot ang slippers ko. I grabbed my towel and my phone at tsaka pumasok sa banyo. This room has its own bathroom, by the way.

Nag play ako ng music at ini full ang voume nun before I turned the shower on.

Dinama ko ang malamig na tubig na dumadaloy sa buong katawan ko. I shivered. I prefer hot shower than cold shower but my derma suggested cold shower is way better. Nakaka-close kasi daw yun ng pores.

Kaya simula nung fourth year college ako, malamig na tubig na ang inililigo ko.

By the way, Im such a mess, before. Marami akong pimples sa noo at may iilan sa pisngi. Dry din ang balat ko at hindi narunong manamit. I was bullied before but I never let that affect me. Tumigil na rin naman iyon noong 2nd year high school ako.

But even with those flaws, naging confident naman ako sa sarili ko.

But as I grow older, narealize ko din na kailangan ko rin namang mag level up. Gustuhin mo man o hindi, darating din talaga ang araw na gugustuhin mo rin namang gumanda.

Lumabas ako ng banyo, nagbihis, at nagsuklay ng buhok. I forgot to bring my blower. I bet wala ring blower si Jules dito. I chuckled. Its not like magagamit niya rin yun kahit meron siya. Silly Aly!

Alas otso na nang umaga nang matapos ako at lumabas na ng kwarto. Tahimik ang buong paligid. Pati ang kwarto ni Jules ay tahimik rin. Nasa coffee table pa rin anman ang wallet niya kaya I bet nasa kwarto pa siya at tulog.

Ganun kaya talaga siya? Iniiwan niya ba talaga ang wallet niya dito lang sa coffee table? Sabagay, siya lang naman mag isa dito eh. Nakasanayan na rin siguro. Pati kasi yung car keys niya nasa coffee table rin katabi ng remote ng tv.

Pumunta ako sa kusina at tiningnan kung may niluto ba, nang makitang wala, ay napabuntong hininga ako. Maybe I should learn how to cook na. Nakikitira na nga lang ako rito diba? Kahit yun nalang ang tulong ko kay Jules. Maybe I can clean the whole condo na rin.

I opened the fridge and found nothing but pitchers of water, beer in a can, and instant noodles na nasa pakete pa. Wala ring laman ang freezer nito.

Seriously, what's the use of his huge ref kung wala lang din namang laman?

Siguro mag go-grocery na lang  kapag nagkaroon ako ng pera.

I turned the tv on. Isang talk show ang palabas ngayon kaya habang nagluluto ay iyon ang pinapakinggan ko.

Binasa ko ang instruction sa likod ng pakete kung paano lutuin ang noodles na iyon. Luckily, nakuha ko rin naman ng maayos kaya nang maluto iyon ay isinalin ko na ito sa medyo malalim na bowl.

Naghanap ako sa mga cabinet kung mayroon bang gatas o kung ano pero wala akong nahanap. Siguro sa labas kumakain si Jules kaya walang stocks o grocery.

Saktong pagkalagay ko sa bowl sa dining table ay bumukas ang pinto ng kwarto ni Jules. He was still wearing the same trunks and the same shirt. His hair was disheveled kaya na conclude ko na na bagong gising pa ito.

"Goodmorning." I greeted him. "Breakfast?"

Hindi man lang ito kumibo. Lumapit lang ito sa dining table at nagsalin ng tubig sa baso. Ininom niya iyon.

Back to youWhere stories live. Discover now