CHAPTER THREE

19 2 0
                                    

"Bakit ka ba naglayas?" he asked with his brows both shot up, as usual. He sat on the chair across me. Kumakain ako ngayon ng niluto kong instant noodles. Hindi siya kumain dahil hindi raw siya kumakain ng breakfast.

"Hindi ako naglayas, okay? I just left, temporarily." I reasoned out habang nginunguya ang kinakaing noodles.

"It's just the same. Umalis ka pa rin sa bahay niyo." he fired back.

"I want to prove something to my mom." I slowly said habang nakatitig sa bowl, I didn't look at him. I want to be positive about this thing. Ayokong may makaalam na nagdududa na rin ako kung tama pa ba tong ginagawa ko.

"At dito ka talaga pumunta?" He said sarcastically. Like I said something he dont get. I understand him.

"Maghohotel naman talaga kasi dapat ako eh!" I said. This time, tumingin na ako sa kanya. "Kaso..... Mom froze my cards."

He stared at me ng ilang segundo.

"Then how are you gonna pay me, then? Kung naka freeze ang cards mo?" He asked.

Actually, I dont know. Bahala na. Siguro maghahanap na lang ako ng trabaho. Simula noong nakagraduate ako, hindi pa ako naghanap ng trabaho. Sabi ko, ieenjoy ko na muna. I would give myself a reward dahil hindi rin naman naging madali mula nung kinder ako hanggang sa fourth year college ako. Pero ngayon na umalis na ako sa puder nina mommy, kailangan ko nang magtrabaho. And with my cards all frozed, kailangan ko ng mapagkukunan ng pera para sa mga expenses ko.

"Maghahanap ako ng trabaho." I told him.

He stared at me like he's amused or what. Does this guy thinks na hindi ko alam kung papaano magbanat ng buto?

"Fine. If you say so." He said as he stood up. "Make sure na maibibigay mo yung amount before this month ends."

Tumalikod na siya at pumasok ulit sa kwarto nito.

I sighed. Papaano ako makakapagtrabaho before the month ends? Hindi ganun kadali iyon. And isa pa, kahit matanggap pa ako kahit ngayon mismo, matatanggap ko ang unang skweldo ko next month pa. Hay bahala na.

Habang naghuhugas ng mga pinagkainan, nag isip isip ako ng kung paano makapagtrabaho ng ganun kadali.

Kung maging prostitute nalang kaya ako no? Panandalian ang pera dun. That way, kahit next week agad, makakapagbayad ako kay Jules.

Pero biro lang,hinding hindi iyan mangyayari. Kung lalandi lang rin naman ako, kay Jules lang. Naks! Landi eh.

And besides, If I do that, I wont make my mom proud. I would only make things worse. Mas ikakahita niya lang ako. She would be disgusted of me. Lahat ng tao kamumuhian ako, even Jules.

"Hey!"

"Ay prostitute!" sigaw ko sa gulat. Muntik ko nang mabitawan ang hawak na baso. Babasagin pa naman iyon.

Nakita kong medyo natawa si Jules sa narinig. Pero I can see that he's suppressing it. He raised his brows when he saw me smiled because of what I saw.

Atleast I made him smile, for the first time.

But too late, Jules Brian Cervantes, I saw it. You smiled. You laughed. Genuinely. And it's because of me.

"What are you looking at?" ayan na! nagsusuplado na naman siya.

"Nothing. May kailangan ka?" I said. My God! My voice sounded so flirty!

"I-I just want to ask if may pupuntahan ka ba ngayong araw?" He asked.

That made me smile even more. And then he got why I smiled more. Narealize nito ang sinabi.

"I-I mean, d-diba sabi mo you dont have cash, paano ka makakapunta sa pupuntahan mo kung wala kang pera, diba? Aalis din kasi ako ngayon so ba'ka pwede kitang ihatid. That's what I meant." I smiled even more. Mukhang lagpas na sa tenga ang ngiti ko ah? He stuttered. May malisya sa kanya ang sinabi ko!

"I'll go to Tracey's." I answered.

He nodded. "Okay."

"Okay." I said, still smiling.

Tinalikuran ko na siya at pinagpatuloy ang paghuhugas. I bit my lip.

I dont want to assume anything pero ba'ka lang naman diba? Ba'ka lang naman na may chance? I smirked at the thought.

After washing the dishes, dumiretso na ako sa kwarto  magbihis nang mas disenteng damit. I changed into a faded pants and an oversized shirt. Pupunta lang naman ako kina Tracey kaya no need na na mag ayos pa ng pina bonggang bongga. I wore my flat sandals at lumabas na nang kwarto.

Sakto naman at lumabas rin si Jules nang kwarto niya. Naka faded din ito na maong na pantalon at naka puting t shirt na may print sa gilid.

Hindi ko tuloy maiwasang kiligin ng mapansing halos terno kami ng suot. parehas na naka faded na pants, naka tshirt, pero naka sneakers siya habang ako namay naka sandals lamang.

Hinagod nito ng tingin ang itsura ko. Medyo nakaramdam ako ng hiya, hindi kasi ako mahilig mag lagay ng make up eh. Minsan lang kapag kailangan talaga.

"Hmmm..." I broke the ice.

"Tara." He said coldly. Well, What's new?

Tahimik lang akong nakasunod sa kanya hanggang nasa basement na kami ng 15 storey building ng condo na iyon. Nasa 13th floor ang unit ni Jules kaya medyo nakakahingal kapag sa hagdan ka dumaan. Mabuti na lang at may elevator naman doon.

He opened the Driver's seat and swiftly slid inside the car. Napangiwi ako sa kasupladuhang pinakita ni Jules. He's always like that kapag sa akin. Pero kapag tinitingnan ko siya sa malayo, maayos naman ang tungo niya sa ibang babae.

I opened the shotgun on the passenger seat. I was about to sit when I noticed that there are laptops, shades, at kung ano pang gamit doon sa upuan.

"Sa backseat ka. Wag feeling." He said without looking at me.

I just rolled my eyes at him at padarag na sinarado ang shotgun. Binuksan ko ang shotgun ng backseat at pumasok na doon at naupo. Pinaandar naman niya ito agad noong makapasok ako sa loob. Nagulat ako sa agad na pag andar ng sasakyan.

"Could you please slow down? Mamamatay ako ng maaga sa ginagawa mong iyan eh." I begged habang napakapit sa upuan sa passenger seat. Pero imbes na makinig ay mas lalo lamang nitong binilisan ang takbo ng sasakyan.

I just closed my eyes and prayed for our safety. I dont know kung sinasadya ba niya o hindi pero mukha namang sinasadya niya iyon pero sana makarating ako kina Tracey ng buhay, nang safe, at nang walang gasgas.

And by the way, this is my first time to ride on his car.

Back to youWhere stories live. Discover now