Pinilit ko ang sarili ko na magpahinga at matulog na muna. Pero nabubuwisit ako kasi hanggang ngayon, kahit pagod na pagod na ako, hindi parin ako dinadalaw ng antok.
An hour had passed since Jules left but still, I can't sleep. Kumalma na rin naman ang tahip ng puso ko minutes after he left.
Pinilit kong muli ang sarili ngunit katulad na lang ng iba pang nauna kong subok, hindi pa rin ako makatulog.
Okay! I give up!
Bumangon ako ng kama at nagbihis ng pangbahay. I wore my furry slippers at lumabas na ng kwarto.
I saw Jules in the kitchen. Tapos na siguro itong magluto dahil nagpi-prepare na ito ng mga kubyertos.
Beef Salpiccao. One of my favorite.
Sinulyapan niya ako ngunit bumalik rin kaagad sa ginagawa nitong paghahanda ng mga kubyertos. He put it on the dining table.
"Umupo kana." he commanded. It's really frustrating how he could easily command me to do something. And you know what's more frustrating? Yung ginagawa ko pa rin yung inuutos niya.
He sat on his usual spot. And we ate our dinner silently.
Im full but I wanted to eat the food he cooked. I can't say no to it's flavorful and aromatic smell. And besides, Beef Salpiccao is my fave.
"Did you rest?" he asked matapos kami kumain ng dinner. Grabe ang sarap ng pagkain! I still can't believe that he can cook that good. I mean, diba madalas ay babae ang marunong magluto? And isa pa, kung hindi mo pa naman talaga nakakasama o nakikilala si Jules, hindi mo naman talaga aakalain na magaling pala siya magluto diba? Even his best of friends doesn't even know that he does!
I nodded to answer his question.
I presented to wash the plates. Surprisingly, akala ko papasok na siya sa kwarto niya pero imbes na gawin iyon ay umupo siya sa high chair na nasa countertop at pinagmasdan akong maghugas ng pinggan. His stares are intimidating. Idagdag mo pa ang nakakalokang katahimikan ng paligid. Kaya habang naghuhugas, nag isip ako ng magandang pag usapan para mabawas bawasan ang awkwardness."Saan ka pala pumunta kanina? Bakit ka ba nakaupo sa gilid ng kalsada?" halos mabitawan ko ang hinuhugasang plato ng marinig ko ang boses niya. Hindi ko na kailangang mag isip ng pag uusapan dahil siya na mismo ang nagsimula.
"Uhhhh.... Nag-apply ako ng trabaho." I answered him. Mas mabuti na rin iyon para naman may pag usapan naman kami at nang hindi ganito katahimik.
"Sa Verano Corp?"
"Isa ang Verano Corp. Marami pa akong ibang pinag-applyan." sagot ko naman. Tumango tango siya pero hindi na rin naman nagbato pa nang kasunod na tanong doon. Muling nanaig ang katahimikan.
"Natanggap ka ba?" he asked again after a long strech of silence.
Nahiya pa akong sabihin sa kanya nung una kasi baka tawanan niya lang ako. Like I said, I dont know if it's a good thing or not. Hindi ko alam kung tatanggapin ba talaga nila ako o sinabi lang nila iyon para hindi ako masaktan dahil hindi ako qualified for the job.
"Hmmm... Tatawagan lang daw nila ako." He nodded.
Nang natapos na ako sa paghuhugas ay nagtimpla naman ako ng gatas. I need that to sleep. Pero sa hindi malamang rason, hindi pa ako inaantok. Kanina, pagod na pagod ako pero ngayon, hindi ako makarandam ng kahit na anong antok.
Or is it because busog na busog na ako kaya hindi ako makatulog? Pero hindi rin eh. Kasi si Tracey kapag busog na busog siya, madali lang siyang antukin.
"Matutulog ka na?" he asked.
"Hindi pa ako inaantok eh. Siguro dahil sa kabusugan." I chuckled. And I dont know why!