"He.....y!" napasinghap ako ng makitang hindi si Tracey ang dumating. Mukhang sila rin ay nagulat na makita ako dito. Walang nakapagsalita at nagtititigan lang kami doon. Maging ako hindi makapagsalita.
It's Jules' friends. Joaqin, Sevy, and Jameson. Kakilala ko lahat sila dahil same school kami since elementary. Kilala silang magbarkada sa buong campus dahil pare parehas silang mga gwapo at agaw pansin. Maraming nagkakagusto sa kanila kahit nung college kami at iba na ng eskwelahan.
"H-hindi naman tayo nagkamali ng condong napuntahan diba, Sevy?" tanong ni Joaqin kay Sevy na parehong gulat at titig na titig sa akin.
"Who's that?" narinig ko ang boses ni Jules sa aking likuran. Lumapit pala siya. Narinig ko ang pagsinghap nito.
"B-bro.." Si Joaqin na tinuro ako. Bakas ang katanungan sa pagmumukha nito. Hindi lang si Joaqin kundi pati na rin sina Sevy at Jameson.
Tumingin sa akin si Jules pagkatapos ay binalik rin ito sa mga kaibigan. Hindi ito mapakali. Masasabi kong hindi pa nito nasasabi sa mga ito ang mga nangyari. Kung gaano ako katanga at katawatawa para lumayas at makitira dito.
"Uhhhhh... S-Si Alona. Kilala niyo naman siguro siya diba?" Oo naman. Kilalang kilala. Ako yung asungot na lagi kang sinusundan mula nung High School hanggang college. Paano ako hindi makikilala ng mga kaibigan mo? Hay naku, Jules!
Nagkatinginan sina Joaqin, Sevy, at Jameson. Parehong may mga makahulugang ngiti sa mga mukha nito. I wonder what that is. Ang creepy nila ha! Ang laki ng ngiti ni Joaqin. Kinakabahan tuloy ako.
"Ofcourse we know her! So sinagot mo na pala ang masugid mong manliligaw, Hulyo?" pang aasar ni Joaqin kay Jules. Well, he's always like that. He's funny pero sa lahat ng mga kaibigan ni Jules, sakanya ako pinaka naaasar. Ang tabil ng dila parang babae! Kung di lang gwapo, at maraming babaeng ka-fling ay napagkamalan ko nang bakla to!
Pero aaminin ko, minsan natutuwa ako sa kanya. Lalo na pag inaasar niya si Jules sa akin. Minsan pala may pakinabang din tong isang to eh!
Jules was about to explain when Joaqin again interrupted him. "Bago ang interview, papasukin mo muna kami."
Kaya ayun na nga, tuluyan nang pumasok si Joaqin sa loob ng condo kahit hindi pa nagsasalita si Jules. Sumunod din naman sina Sevy at Joaqin na mukhang kinantsyawan pa si Jules sa pamamagitan ng mga tingin at mga ngiti nitong makabuluhan. Siguro iyon na rin iyong pahiwatig ng creepy'ng tinginan nina Joaqin, Jameson, at Sevy kanina.
I heard Jules sighed again before he went to where his friends are. May mga dala kasing beer at kung ano pa sina Joaqin. Nasa mukha pa rin nito ang di mapakali. Mukhang naiinis na rin dahil sa pagkunot ng noo nito at ang intensidad sa mga mata nito. Naiinis na nga sa akin kanina pa itong si Jules tapos mas lalo yata itong nabadtrip ng dumating sina Joaqin. I dont know, really. Minsan confident ako sa sarili ko na kabisado ko na siya, na alam ko na ang lahat tungkol sa kanya pero minsan, narerealize kong hindi pa pala. Marami pa pala akong hindi alam sa kanya.
Awkward kong sinarado ang pintuan. Dali dali naman akong naglakad papunta sa kwarto. Alangan namang jumoin ako dito sa mga to. Edi mas lalo ko lang pinapa awkward ang mga pangayayari. Not that I never had talked with these boys before but by the looks of Jules, mukhang nao-awkwardan siya sa mga nangyayari. Maybe it's because nahihiya siyang makita ng mga kaibigan niya na nandito ako sa condo niya. Hey Aly, ano ba kasing inaasahan mo? He already told you he doesn't like you and will never like you, wag mong sabihing nag eexpect ka na these past few days? Porket nagiging mabait na siya sayo ng slight? Hay Aly, masama iyan.
"Wag mo kaming takasan, idol! Marami pa kayong utang ni Jules sa amin." ani Joaqin na prente lang na nakaupo sa sofa.
I sighed. Wala na talaga akong kawala. Im sure magtatanong iyan kung bakit ako nandito at mabubulgar lang naman ang dahilan kung bakit ako naglayas. Hindi ko naman tinatago na ganun ang relationship namin ni mommy pero hindi rin naman appropriate na ipagkalat ko iyon.