CHAPTER SEVEN

5 1 0
                                    

7pm nang magtext si Tracey na may emergency raw sa isang office-mate nila. Nabangga raw ng taxi at siya ang naunang tawagan dahil siya ang pinaka recent sa call logs sa cellphone ng kaibigan niya. Kaya hindi na raw muna matutuloy ang sleep-over namin. I told Jules about it kaya sabi niya kumain na lang raw ako dahil busog pa naman daw siya. Nag sorry ako dahil nagluto pa naman siya ng dinner para sa amin.

But then, Joaqin, heard it.

"Wow Hulyo! Marunong ka pala magluto? Patikim naman!" ani Joaqin. Sinamaan naman siya ng tingin ni Jules.

Hindi marunong magluto si Jules? But he cooked for me kaninang breakfast. Nagpa deliver lang naman siya sa labas ng pang lunch namin kanina pero yung natira sa breakfast pa rin namin ang kinain ko. Mas masarap yata iyon kaysa sa kung sino mang master chef ang mas magaling magluto. Syempre, kay Jules pa rin ako no! Kahit breakfast, lunch, at dinner pa iyan!

"Tara Master Alona! Kain tayo!" Naputol ang pag-iimagine ko ng kung anu ano nang hawakan ni Joaqin ang palapulsuhan ko at hinila ako papunta sa kusina. Binitawan rin naman niya iyon kaya pinabayaan ko nalang at  kumuha na ako ng mga plato, kutsara, tinidor, at baso at ini arrange iyon sa dining table.

Sumunod naman pala sina Sevy, Jameson, at Jules na may kunot parin sa noo nito. Nauna nang maupo sina Jameson at Sevy sa mesa habang inihahain naman ni Jaoqin ang ulam na niluto ni Jules.

"Wow ang bango ha!" komento ni Joaqin habang inaamoy ang hawak nitong mangkok na may beef steak na laman.

"Ano ba! Akala ko kumain na kayo sa labas!" ani Jules na naka ekis ang kamay sa dibdib nito na umupo na rin sa usual nitong inuupuan. Bakit ba kanina pa to badtrip? Pagkagising ko kaninang unaga, badtrip na siya pero hindi ganito kalala. Ano ba kasing nakain nitong Hulyo na ito?!

"Oo nga! Kaso bago to no! Hindi ka kailanman nagluto para sa amin o di kaya ay nakita ka naming nagluluto. Nakaka excite kaya!" ani Jameson na tumatawa tawa pa sa gilid ng kaharap kong si Sevy.

"Yeah bro! Mukhang mas nauna pang natikman ni Alona ang niluto mo kesa sa amin eh." Si Sevy naman ngayon ang nagsalita. He even chuckled sa huli ng kanyang sinabi.

"Grabe talaga ang ikot ng mundo no? Hay grabe!" ani Joaqin na sinubo ang kutsara na may lamang kanin sa bibig. Sinunod naman nito ang karne ng baka na tinusok nito sa kanyang tinidor.

"Ang saraappoo bro!!!" komento naman ni Jaoqin. Ako naman, ay hindi pa nakakapagsubo kahit isang beses lang. Napi-preoccupied ang isip ko sa kakatingin sa mga magagandang lalakeng nasa paligid ko. Ang angas at ang astig nila tingnan kapag hindi mo pa sila gaanong kakilala pero pag nalaman mo na at nakasama mo na sila ng matagal-tagal, parang mga baliw pala talaga sila! Mas bipolar pa yata sila sa akin eh.

"Why didn't you told us that you cook this good, bro?" tanong naman ni Sevy na mukhang nasarapan din sa luto ng aking mahal. Chareng.

"Oo nga! Ang sarap ah?" sambit naman ni Jameson na nginunguya ang karne sa bibig. Masaya akong malaman na bukod sa akin, may naka appreciate pa ng cooking skills ni Jules. Hindi pala ako bias. Masarap pala talaga.

"Hindi ka ba kakain, babae?" My deep thoughts was interrupted by Jules' voice. Agad akong napabaling ng tingin sa kanya.

"Ha?"

"Kung ayaw mong kumain, edi wag! Sinong namimilit?"

Bahagyang nalito sa sinabi ni Jules, isa isa kong nilipat ang mga tingin kina Sevy, Jameson, at syempre si Jaoqin. Nagtitinginan silang tatlo habang may ngisi sa mga labi na pilit nilang pinipigilan. I even saw Joaqin raised his brows while showing off his white teeth by smirking.

"Sorry. Kakain na ako." Sabi ko na lang kahit nalilito pa. Maybe he's just having a bad time so kahit mga simpleng galaw lang, naiirita na siya. Well then, iintindihin ko.

Back to youWhere stories live. Discover now