CHAPTER TEN

7 2 0
                                    

Nagising ako sa ingay na dulot ng door bell na maririnig sa buong condo. Kahit sa kwarto ko, rinig iyon.

Gustong gusto ko pang matulog lalo na't medyo napuyat ako kakaisip sa nangyari naming so called ice cream date ni Jules pero dahil sa ingay ng door bell ay hindi ako makabalik sa pagtulog.

Bumangon na ako sa kama and took a glance on the digital clock na nasa vanity table na nasa gilid. It says 9 in the morning!

Kinusot ko ang mata ko at sinuot ang tsinelas na nasa ilalim ng kama. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan iyon.

"Surprise Aly!!!!!!" By the way, some people calls me Aly. Derived from my First Name, Alona Ysabel.

Al+Y= Aly.

"T-Tracey..." I said as soon as I recognized her. Tracey Sofia Castillo, my bestfriend. Wait, what is she doing here?

"Surprise! Im sorry if inindian kita sa usapan natin. Emergency lang talaga.." she said. She pouted and made her eyes blink, trying to be cute.

"It's oka------"

"Who's that?" Napabaling ako sa aking likod kung saan ko narinig ang tinig ni Jules. Bumaling rin doon si Tracey na nasa may hamba pa nang pintuan.

My jaw dropped immediately. Naramdaman ko kaagad ang pag init ng aking magkabilang pisngi at ang kurot ni Tracey sa aking tagiliran. I knew what she meant by that. I know Trace, okay? I effin' know!

Jules with only a towel hanging from his waist down to his upper knees showed in front of us. His hair is wet and disheveled. At may mga kakaunti pang tubig ang tumutulo mula sa kanyang buhok papunta sa kanyang katawan. And damn, those abs!

It's not the first time that I saw him topless and hot but everytime I do, Im still sweating a lot. I can still feel my cheeks burning and my chest pounding. I wonder if someday it will stop? I doubt it.

"Ikaw pala, Tracey." I dont know if I would be annoyed or be amazed that he's talking so cool like it's just normal for us to see him like that. He's not even shocked that Tracey and I saw his body. He didn't even change into his clothes first bago lumabas sa kwarto niya at magpakita. And if wala si Tracey? Okay lang sa kanya na makita ko siyang naka ganun lang na palakad lakad dito sa condo?

"Ahhhh oo, eh. Sorry if I came unannounced. Gusto ko lang kasing i surprise si Aly eh at tsaka para makabawi na rin because hindi ko siya sinipot sa usapan namin. Im sorry rin pala kasi pumayag ka na na bumisita ako rito pero hindi ako pumunta. That was so rude of me." ani Tracey.

"No problem. Alona's friend are always welcome to visit here." napaigtad ako sa narinig sa kanya. Wow! Consistent ang pagiging mabait natin ngayon, Cervantes ah? Kahapon at tsaka ngayon.

Kinurot ako ulit ni Tracey sa tagiliran pero mahina lang. I know Trace, okay? Kahit ako di alam ang mga nangyayari.

Jules told Tracey na ako na ang bahala sa kanya. Magbibihis lang raw siya dahil may trabaho pang gagawin. He even told us that his dad and his mom went on a vacation at siya raw ang maiiwan to supervise and to ensure that the company's doing great for a few days. Tumingin pa nga siya sa akin nang sabihin iyon. Gets ko iyon ha! Nagapaparinig ba ito? O nagmamayabang lang? Pag ako talaga magkakatrabaho..... di kita babayaran sa renta ko sa condong to!

When Jules left, si Tracey, todo bato na ng mga tanong. I knew this would happen.

"So you mean, he's the boss of Cervantes Builders?" She asked as she shove a scoop of ice cream into her mouth. Tumango naman ako. Hindi ko na mabilang kung pang ilang tanong na to kaya pagod na akong sumagot sa kanya verbally.

Back to youWhere stories live. Discover now