CHAPTER FIVE

5 2 0
                                    

*enkkkk enkkkk enkkkk

Inabot ko ang maingay na alarm clock na nasa itaas ng unan. Pinatay ko ito at muling bumalik sa katahimikan ang lahat. Pero hindi ang puso ko.

What Jules said last night stunned me. After niyang sabihin iyon ay tumayo na siya bitbit ang first aid kit at pumasok sa loob ng kwarto niya. He said something like Matulog kana bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kwarto niya.

I was left there alone, nakanganga. Tulala sa mga naring mula sa kanya. It bothers me kaya hanggang ngayon, heto ako at iniisip pa rin iyon.

It isn't the first time for me to hear the words sumuko kana, tigilan mo na, give up na; but this one is the most serious and the most painful one.  Hindi ko lang kay Jules naririnig ito pero pati na rin kay Tracey kapag binibigyan niya ako ng advice kapag nakikita niya na akong nagihirapan.

Pero hindi rin ito ang kauna unahang hindi ko sinusunod lahat ng iyon. Ngayon pa ba ako susuko na nasa iisang bahay na kami? Na kinakausap na niya ako? Na pinatira na ako dito sa condo niya? Na nakasakay na ako sa kotse niya? Na ginamot niya ang paa ko kagabi? Na nakakaramdam na ako ng pag aalala at pag aalaga galing sa kanya?

My phone beeped kaya pinulot ko ito mula sa aking gilid. It was a text from Tracey.

Tracey:
Sleep over? Off ko ngayon.
Baka bored kana diyan
or maybe not?😉

Ako:
Can't. Im injured.

Tracey:
Ooh. What happened?

Ako:
Long Embarrassing Story.

Tracey:
Nakaka curious naman.

Ako:
How about you going to sleep over here? Papaalam ko kay Jules.

Tracey:
Really? Papayag ba iyon?

Ako:
Ako bahala. I'll text you back.

Tracey:
Okay.

Pagkatapos mabasa ang reply ni Tracey ay inilapag ko na ang cellphone ko sa kama, hinay hinay na kinuha ang towel at dumiretso na sa cr para maligo. Nafufrustrate ako kasi ang bagal ko kumilos dulot nitong pamamaga ng paa ko. Medyo masakit kasi kapag biglaan akong kumilos o kaya ay naigagalaw ko ang mga daliri ko sa paa kaya hinay hinay ang bawat kong galaw.

Nang lumabas na ako sa kwarto, napansin kong tahimik ang paligid. Baka maaga na namang lumabas si Jules. Siguro hindi na niya ako nahintay sa pagbreakfast dahil gutom na siya. Ang bagal ko kasing kumilos eh.

Papasok na sana ako sa kitchen para magtimpla ng gatas nang napansin kong may isang baso na nakapatong sa countertop na may lamang puting likido. Gatas ba iyon?

Nilapitan ko ito at inamoy. Gatas nga!

Pero hindi naman umiinom ng gatas si Jules ah? Paanong------

Wag kana magluto. Lalabas lang ako at bibili ng breakfast natin. Inumin mo  muna itong gatas at baka matagalan ako. Wag kang mag alala, walang lason 'to! Napag isipan ko sana lagyan pero wag nalang kawawa ka naman. Baldado ka pa naman.

Iyon ang laman ng papel na nasa ilalim ng baso. Napangiti ako. Achievement na rin ito para sa akin.

Kinuha ko ang papel at tinupi iyon. Inilagay ko ito sa likod ng case ng cellphone ko. I will save this because it is the first letter Jules gave me.

Kahit may pagka harsh ang pagkakasabi nito ay napangiti na rin ako. Tinimplahan niya ako ng gatas? Anong ibig sabihin nun? Hindi naman siya umiinom nito tapos kaming dalawa lang naman ang nandito, so walang daan para hindi maging para sa akin itong gatas na ito!

Kaninang kanina lang, nada down ako pero ngayon, nabuhayan na naman ako ng loob. Tigilan ko na pala ha?

The door creaked open at lulan nito ay si Jules na may bitbit na paperbag. He looked so fresh on his usual white shirt and his faded jeans.

He looked at me for a moment but looked away immediately. Ayan na naman ang pagiging suplado niya, umaandar na naman.

Nilagay nito sa dining table ang paperbag. Lalapitan ko sana ito para ihain pero pinigilan niya ako.

"Ako na. Baka ma over-used iyang paa mo sa kakagalaw, mapapagastos pa ako sa ospital." He mumbled.

I chuckled. How did he jumped into that kind of conclusions? Ang advanced mo mag isip, Cervantes!

"Ikaw ang over. Ako na nga, kaya ko naman, di naman ako naputulan ng paa." I insisted.

"Gusto mo ba talagang mapagastos ako? O gusto mo lang akong inisin?"

"Ba't ka naman mapapagastos sa akin?"

"Nasa kaninong puder ka ba?" Hinarap niya ako. Irritation was evident on his face.

"Sayo."

"May trabaho ka na ba? O di kaya'y sariling pera?"

"Wala..... pa. Wala pa."

"Oh sa tingin mo sinong magbabayad kapag na ospital ka?"

"I-ikaw?"

"You're right. So umupo ka nalang diyan at tumahimik na para walang gulo. Please." And once again, napasunod niya na naman ako sa gusto niya.

Umupo ako sa upuan at hinintay na matapos ito sa paghahanda. Tintitigan ko ang bawat galaw nito.

I can't believe na kahit sa simpleng pag transfer lang nang mga ulam at kanin sa plato ay napapahanga niya pa rin ako. Na para bang lahat ng kilos o galaw niya ay magaling siya. Nahihibang na yata siguro ako.

We ate in silence again. Suplado pa rin ang mukha nito. Kahit sa paghuhugas ng pinggan, ganun pa rin. Hindi ba nangangawit ang kilay niya? Lagi kasing nakataas e. Ibaba mo rin siguro, Cervantes! Paminsan minsan.

"Uhhh Jules. Magpapaalam lang sana ako sayo kung pwede mag sleep over si Tracey dito. Off niya kasi ngayon at wala siyang kasama sa bahay nila kasi night shift ang tita niya------"

"Okay."

"H-huh? Okay lang sayo? Payag ka na?" Nae excite ako. Akala ko di papayag si Jules eh. Ang dali niya lang palang mapa'oo. Pero bakit sa akin, ang hirap niyang mapa'oo? Hay unfair ka Jules. Maging consistent ka naman, huy!

"Oo nga. Baka gusto mo umayaw ako, edi-----"

"Thankyou!" I said bago pa magbago ang isip niya. Ang saya saya ko kahit umaga pa lang! Sana ang buhay din maging consistent. Kapag masaya ako ngayon, sana masaya pa rin ako mamaya.

I immediately typed a text message for Tracey. I said na pumayag na si Jules na mag sleep over siya dito ngayong gabi.

Alas sais na ng gabi. Kaslaukuyang nagluluto si Jules ng hapunan para sa amin. Dito kasi maghahapunan si Tracey eh. At take note, si Jules mismo nagsabi na dito na pakainin si Tracey! Wow! Improving na talaga e no!

Ako naman ay nakaupo lang sa sofa. Inaantay ang pagdating ni Tracey. Hindi ko alam pero nakaka excite ang pag ii sleep over ni Tracey dito. Hindi naman ito ang punakaunang pagkakataon na naggaganito kami ni Tracey pero ito ang pinaka nakaka excite sa lahat! Siguro dahil marami akong ikukwento sa kanya na di niya inaasahan. Hindi ko alam pero hindi na talaga ako mapakali.

*Ding Dong!

Mabilis pa sa alas kuwatro kong tinungo ang pintuan sa matinding excitement na nararamdaman. When I opened the door, napasinghap ako sa nakita.

Back to youWhere stories live. Discover now