CHAPTER FOUR

19 1 0
                                    

"You did what?" Tracey exclaimed when I explained everything to her.

Nilagay ko ang point finger ko sa labi ko to shut her up. Lumingon lingon ako sa paligid para siguraduhing walang nag-i-eavesdrop sa usapan namin ni Tracey.

"Shhh Tracey. Calm down, okay?" I said.

"Okay." She said calmly. "You had a row with Tita Carmen, then you left home, and then now, you're staying at Jules Cervantes' condo? Are you freakin' serious Alona Ysabel Garcia?"
I sighed. I know what I did was embarassing. I know what I did was stupid. And I know na everyone na nakakaalam nito ay sasabihan exactly what Tracey said. It's totally fine, I totally understand.

"Y-yeah."

"And Jules agreed with it?" she asked again. Follow up question lang?

"Y-yeah?" I answered shyly. I blushed thinking na Jules agreed to stay with me. Gusto akong makasama ni Jules? I felt my cheeks heatened more.

Tracey stared at me with an amused look. Well, Tracey had been there ever since. Kahit High School lang siya lumipat sa St. Ignatius, naging saksi parin siya ng bawat kilig, hiya, saya, at lungkot na nadama ko pagdating kay Jules o kahit sa lahat ng bagay.

Kumakain kami ngayon sa mall. Sa paborito naming kainan ni Tracey. Nakakahiya mang sabihin, nangutang na ako kay Tracey.

Maya maya ay naghiwalay na kami ng landas ni Tracey dahil may trabaho pa raw siya. Nag grocery na rin ako ng mga kakailanganin ko tulad ng shampoo, body wash, toothpaste, at toiletries.

Narealize ko na kailangan kong maging practical. Lalo na ngayon at ako na ang tumtutustos ng sarili kong pangangailangan at may babayaran pa ako kay Jules. Iniisa isa ko ang mga brand ng shampoo at tiningnan ang description sa likod ng bote. Kailangan ko nang palitan ang nakasanayan kong  shampoo, body wash, at kung anu anu pa. Medyo may kamahalan kasi ang mga iyon. Nakakapanghinayang ang pera kapag basta basta ko na lang itong gagastahin. Nakakahiya pa naman mangutang.

Nalito ako dahil pareho namang magaganda ang description ng mga ito kaya pinili ko na lang ang pinakamurang brand ng shampoo. Ganun na rin ang ginawa ko sa body wash, toothpaste, pati napkin.

Bumili na rin ako ng pwedeng lutuin. Bumili ako ng karne pero isang kilo lang. Hindi pa naman ako ganun kagaling sa pagluluto eh. Kaya karamihan sa binili ko ay yung mga instant lang din at ready to eat na mga de lata para madali lang.

Binayaran ko na ang mga pinamili at lumabas na ng mall para umuwi na sa condo ni Jules. Natetemp akong mag window shopping kaya lang ay maiinggit lang rin ako doon at baka maigasta ko lang ang natitirang perang hawak ko. I reminded myself, "Tipidity is the key."

Pumara na ako ng taxi at nagpahatid na sa address ng condo ni Jules kung saan ako uuwi. Nag init ang pisngi ko.

Bitbit ang mga pinamili, tinungo ko ang elevator at pininfot ang floor kung saan naroon ang unit ni Jules.

Narealize kong wala nga pala akong susi ng condo ni Jules. That means, hindi ako makakapasok kapag wala si Jules.

Sinubukan kong mag door bell, baka sakaling nasa loob si Jules.

Maglilimang minuto na ako doon sa labas at wala pa ring nagbubukas ng pinto. Naisip kong baka hindi pa umuwi si Jules. I guess I have to wait here until he gets home. Wala pa naman akong number ni Jules.

Siguro next time, manghihingi na ako kay Jules ng duplicate ng susi. Pati number niya na rin hihingin ko.

Nag indian sit ako sa labas ng condo, yinayakap ang supot ng mga pinamili kong groceries when the door creaked open.

Back to youWhere stories live. Discover now