Isang oras din ang lumipas ng sunduin ni Callix si Klea dito sa loob ng kwarto kasama ang dalawang babae. siguro umuwi na sila dahil iyoj din naman ang paalam nila sa akin, pero hanggang ngayon ay wala parin si Heinz, inabala ko ang sarili sa pakikipag kwentuhan kay Hailey, nilalabas ko ang lahat ng saloobin tungkol sa nangyari at wala akong ibang narinig sa kanya kundi ang humalkhak."masiya ako para sayo, I'm sure he's the one."aniya sabay halakhak ulit.
"So happy ka na ganito ang karanasan ko sa unang pag-ibig?" ngumuso ako habang nakatutok sa camera ng cellphone. Moon
"So inaamin mo na?siya na ang first love mo?"humagikhik uli ito. I sighed mabilis kong binaon ang mukha ko sa unan sa kahihiyan sa sinabi kong iyon.
Ngayon ko lang naalala na hindi ko pa pala nasasabi na gusto ko si Heinz, pero hindi naman sa punto na gusto agad magpakasal dito.ewan ko, naguguluhan ako.
Nang matapos ang pag-uusap namin ni Hailey ay gusto ko sana bumaba para tignan kung ano ba ang ginagawa ni Heinz, pero naisip ko din na masyado naman yata akong pakealamera kung makikinig pa sa nagiging usapan ng dalawa, baka nga wala na ang mga ito dyan at nagkabalikan muli.
Haist!praning lang ako, Alak lang to!!
pilit kong kinalma ang sarili habang pabalik-balik na naglalakad sa loob ng kwarto, at ng makita ko ang isang bote ng alak at baso ay di na ako nagdalawang isip.
Mas makakatulong to, kalimutan ko nalang ang iniisip ngayon. Bahala na kung ano ang mangyari sa akin, siguro naman di ako pababayaan ng mga katulong kapag tuluyan akong nahilo at nasuka dito.
Ang huling tingin ko sa oras kanin ay alas 2 na gn madaling araw, mag-iisang oras na ngayon pero wala parin talaga si Hendrixz, tumayo ako pagkatapos uminom ng tubig. Di ko na napansin na mabilis kong naubos ang alak ni Heinz. umikot ang paningin ko, gusto ng bumigay ng sikmura ko pero nakaya ko pang pigilan ng makahiga na sa kama.
unti-untu ng bumuhos ang luha ko, di ko alam kung sa anong dahilan.pero pakiramdam ko ngayon iisa lang ang pinaparanas sa akin ng mga tao na minamahal ko. Laging second option at kung hindi man no choice lang talaga kundi kailangan akong pakisamahan, inakala kong magugustuhan din ako ni mommy at daddy tulad ng pagkakagusto nila kay Ate Ellise ng pumayag ako sa hiling nila, pero bakit ganito.. halos wala namang nagbago. Mas lalo pa akong naguluhan at nasaktan ng siningit ko sa buhay ko si Heindrixz.
I slowly closed my eyes. Wala akong ibang narinig kundi ang sarili kong umiiyak sa loob ng malaking kwarto na nag-iisa. Ayokong kaawaan ang sarili ko at paulit-ulit nalang na maglimos ng pagmamahal sa taong mga mahalaga sa akin.
Heindrixz."tawag ko sa kanya ng bigla niya akong yakapin.
Di ko na napansin ang pagpasok niya sa kwarto sa oras na iyon, kung kanina pa siya sigurado akong narinig niya ang pag-iyak ko.
"I don't want you to hurt again."bulong niya sa aking tenga.
Alam kong marami ang nainom nila ng mga kaibigan niya,pero hindi ko alam na aabot sa ganitong punto ang mangyayari at sasabihin niya ng dahil sa alak?
"Okay na ako..pahinga kana.marami kanang nainom."
pero imbes na mahiga ng maayos ay kinulong niya ako sa kanyang mga kamay, mahigpit siyang nakayakap at sa gulat ay hindi ako nakapalag. lumakas agad ang tibok ng puso ko na kung hindi lang siya nakainom ay baka marinig pa niya ito.
Marahan niyang hinawakan ang mga labi ko, boltaheng kuryente ang nakapagpahina sa akin sa ginawa niyang iyon, pati ang binti ko ay nanghina at kahit na umayaw ako iba naman ang utos ng isip ko.
walang pagdadalawang isip ko siyang hinalikan sa labi, hindi ako lasing. Nakainom lang, pero alam ko naman ang ginagawa ko. sa kauna-unahang pagkakataon ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Inaamin kong nagpadala ako sa nararamdaman ko kaya nagawa ko iyon. Nakakahiya pero !!!bahala na.
BINABASA MO ANG
Love at first sight
RomanceI never believed in love at first sight until the moment I met him. Kung kailan kong natutunan mahalin si Hendrixz ay siya din ang pagiging handa ni Ate Ellise na pakasalan siya. I am Tiara Hermosa, I was born rich and famous, pero nanatiling simple...