Chapter 14

1.9K 49 6
                                    

Tiara's POV

Hindi ako nakatulog ng maayos noon gabing iyon,yon na ata ang unang beses na matutulog ako na magaan ang pakiramdam at hindi nakipagtalo kay Hendirxz.

sumunod na araw ay nagising ako sa sikat ng araw.Napangiti ako nalang ako ng nag-unat ng kamay.Sana pala ganito kami palagi ni Heinz,maayos at nagkakaintindihan.

"Ma'am Tiara?gising na po ba kayo." Si Kara.siguro ay mag-aalmusal na.

"Oo." bumangon ako sa kama para sana pagbuksan siya.pero agad din itong umalis ng sabihin na mag-aalmusal na.

"Susunod ako." sabi ko at diretso sa banyo. Pambahay ang suot ko ngayon,isang simpleng shorts at tshirt na kulay itim.

Pagbaba ko bumungad sa akin ang isang babae na halos kasing edad ni Heinz,maputi,chinita at maganda.Nakaupo ito sa harap ni Heinz,suot ang isang halatang mamahaling damit at mamahaling bag.

Nagulat nalang ako ng lumapit sa akin si Heinz at mabilis akong hinalikan sa noo.

"Goodmorning." Hindi lang ako ang mukhang nagulag,pati si Kara na nakatayo sa gilid ko na may hawak na tubig ay napatakip ng bibig.

"Magandang umaga din."sumulyap ako sa babae at ngumiti,ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay imbes na batiin din.

iginiya ako ni Heinz na maupo sa tabi niya kaya sinunod ko ito kahit na nangangapa ang utak ko kung ano ang ginagawa niya.

"By the way babe,this is Alena.Anak siya ng isa sa mga kaibigan nina mommy at ng mommy mo."

"Hello."tipid kong sabi ng mapansin ang pagigimg bitter niya.

Anong problema nito.Sinubukan ko siyang alalahanin,parang pamilyar kasi sa akin ang mukha niya.parang nakita ko noon at di ko lang maalala kung saan.

"Alena,this is ny fiancee Tiara." nililunok-lunok ko nalang ang laway ko sa mga pinagsasabi ni Heinz sa kanya,may iba eh!,bakit kailangan niyang naging ganito sa akin sa harap ng babaeng ito.

"So totoo nga na mag-aasawa ka na Hendrixz."medyo may diin pa ang pagkakasabi niya ng pangalan bi Heinz at pansamantala silang nagkatitigan.

Agad naman akong naglagay ng ham sa plato para hindi mailang sa kanilang dalawa.

"Ikaw ang bestfriend ni Hailey?tama ba?" tanong niya.

Ngumiti lang ako at tumango sa kanya tsaka pinagpatuloy ang pagkain, nagsimula silang mag usap ni Heinz ng tungkol sa trabaho kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Si Klara naman ay panay ang tingin sa akin at pangiti-ngiti.

may alam kaya siya??

"So Hendrixz,kailan ang plano mong bisitahin ang mga ginagawang eroplano sa America?" tanong ni Alena sa kanya.

Ngayon lang ako medyo naliwanagan sa negosyo ni Heinz,ang buong akala ko ay ang negosyo niya ay ang mamanahin niya sa mga magulang niya.Hindi pala,maliban doon siya na ang bagong President ng Mactan-Cebu International Airport at ng Philippine AirHome.

Ang Philippine AirHome ay ang nangunguna na kompanya ng mga eroplano dito sa bansa at kilala din ito sa International flights.

"Pag nag-umpisa na ang klase ni Tiara,tsaka ako pupunta doon."

Napaubo ako sinabi ni Heinz
hinagod-hagod niya ang likod ko na parang nag-aalala.

Jusko!!Hendrixz,akala ko ba okay na tayo.ano na naman ba to???

"Babe,are you okay?"

Uminom lang ako ng tubig at tumango. "I'm okay,pwede mo naman unahin ang trabaho,hindi mo na kailangan pa na hintayin ang pasukan ko.sa katapusan pa iyon ng buwan."

Love at first sightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon