Chapter 36

1.7K 38 2
                                    


Tahimik kaming kumain ni Heindrixz ng hapunan. Ilang beses kong sinubukan ang magsalita sa gitna ng pag-kain pero di ko ginawa dahil ayokong mag sagutan kami sa harap ng pagkain. Pagkatapos nain kumain ay tinulungan ko ang katulong sa pag ligpit ng plato, ang totoo niyan ay hindi ko al kung paano ko  sisimulan ang sasabihin.

Naisip kong mag-inarte nalang na masakit ang ulo para balingan niya ako ng atensyon. Pero kapag naiisip ko din na hindi ako magaling sa pag-arte ay tumigil din ako sa pag paplano ng kung ano.

"Bakit lumabas ka?.ayaw mo ba doon sa sala?" Naabutan ko siya sa hardin.

Sumagot ka..Please!

"Uuwi na ako." Pagkasabi niya no'n ay para akong bata na pilit pinipigila  ang pag-iyak kahit na tumutulo na ang aking luha. Nakatikod siya sa akin, kaya di niya nakikita. Perong hindi na ako sumagot at siya na mismo ang humarap sa akin.

"Why are you crying?" Mabilis siyang lumapit sa akin.

Gusto ko na agad mag diwang. Hindi pag-iinarte yon pero masaya akong nalapitan niya ako.

"Bakit ka umiiyak.. "pag-uulit niya.

Umiling ako. Kung talagang galit siya  sa akin sige umuwi nalang siya. Mas mabuti pa. Hindi pa kami nag-uusap ni Lukas, gusto kong itanong kung tutuloy ba kami bukas sa NY, at akala ko ba ay sasama siya? Nagpahid ako ng luha at tatalikuran na sana siyang bigla niya akong hinila, sa lakas ng hila niya ay sa dibdib niya ako bumagsak.

"Shit! Sorry na..." Pagkasabi niya no'n ay lalong napalakas ang iyak ko. Alam kong nagalit siya sa nangyari kanina pero sana nakita niya din naman na wala akong ginawang masama, ni hindi pa kami nag-uusap ng masinsinan sa nangyayari at estado ng relasyon namin ay eto na naman.

"Nagseselos ako sa gagong yon." Di ko siya pinansin. Kapag ako ang nagseselos pigil na pigil akong magalit tapos siya ganito? Unfair naman.

Pailing-iling ako habang naiisip kung ano na ang kakalabasan ko kapag natali na ako sa kanya. Ipusta ko ang minana ko kay Mommy, lagi kaming mag-aaway tungkol sa mga lalaking pagseselosan  niya na puro maling hinala naman.

Totoong hindi na siya umalis noong gabing iyon, tahimik akong nakatulog pagkatapos niyang painumin ng gamot sa loob ng aking kwarto, nagising na lamang ako kinabukasan na naroon si Mommy, Daddy at Ate Ellise.

Gusto ko sana tanungin si Lukas kung nasaan si Heinz, kung umalis na ng hindi ko alam kagabi o pinauwi niya pa, ngunut ng magsalita si Daddy ay nawala na sa aking isip.

"Alam na namin ang nangyari, ang Ate mo ang nagsabi, pinuntahan din kami ni Heinz kagabi." Panimula ni Mommy.

Gusto ko sanang mainis at magalit kay Daddy, hindi ko parin lubos maisip na kaya nilang gawin to sa akin ni Mommy. Ganon lang kadali sa kanila ang bitawan ako at ibigay sa iba na parang bagay.

"I'm sorry again Tiara my princess.." gumaralgal ang boses niya.

Kinurot ko ang aking mga daliri para mapigilan ang sarili sa pag-iyak. Gustong gusto ko maglabas ng sama ng loob pero pagod na ako, kailan ba ako titigil sa pagpapakita sa kanila na ayoko ng masaktan, pagod na ako at kailangan ko ng pamilya.

Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ang desisyon na umuwi dito o pinagsisisihan. Dumadating na punto na ang nararamdaman ko ay si Heindrixz nalang ang kailangan, kung ayaw ng pamilya ko sa akin, sana kahit siya nalang.

Gumalaw ang balikat ko kasabay ang mga luhang pinakawalan. Hindi pa ako handa kausapin si Daddy pero hindi pwede dahil mamayang gabi ang alis namin papuntang NY. Ang sabi ni Lukas ay handa na ang lahat, dadating ang mga Gariaga ngayong umaga at haharapin namin sila.

Love at first sightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon