Friends
"Aray ko Heinz,nasasaktan ako.!" kanina pa ako nagrereklamo pero mukhang wala siyang naririnig.
"Get inside."He said when he opened the door of his car.
Wala akong nagawa,hindi rin ako nagdalawang isip.lalo na ng makita ko ang isang bus na puno ng estudyante at nagsisibabaan.
Gusto kong sumigaw,umiyak sa sobrang inis sa kanya.bakit ba ganito siya palagi sa akin?Lagi niya akong pinapahiya.
Ng pumasok siya sa kotse ay agad niyang ini-start ang makina at nagsimulang paandarin ang sasakyan. nagsimula akong kabahan ng mapansin kong pabilis ng pabilis ang takbo namin, lalo na't walang pampublikong sasakyan ang dumadaan at halos walang tao sa daan.
May kalayuan ang Cordova kung saan ang Lantaw,kaya kung pupunta ka rito ay dapat may sarili kang sasakyan.
"Hendrixz, ano ba ang ginagawa mo.Gusto mo ba akong patayin?" sigaw ko. nanginginig na ang boses ko sa takot, ni minsan ay hindi ko naranasan ang sumakay sa ganito ka bilis na kotse.
"Kung gusto mong magpakamatay, ikaw nalang wag mo ako isama."dagdag ko pa.
Hindi ko na mapigilan ang sarili,ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay ibinuhos ko na.iyak na ako ng iyak habang tinatakpan ang itsura ng biglang tumigil ang sasakyan.
ibinaba ko ang kamay kong nakatakip sa aking mga mukha at tumingin sa gawi ni Heinz.Hinampas niya ng malakas ang manubela bago lumingon sa akin.
"I-I'm sorry.. " sabi niya
"Sorry for what?Sa pagpapahiya mo sa akin sa harap ng mga kaibigan mo?,dahil sa kinaladkad mo ako kahit maraming tao??at gusto mo akong patayin sa istilo mo sa pagmamaneho?My God Hendrixz!!!ano ba ang kasalanan ko sayo at bakit mo to ginagawa sa akin."
"Ibinilin ko di ba na pag aalis ka sa bahay ay tawagan ako,simpleng bilin sa'yo hindi mo pa magawa." nararamdaman kong sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili,pero hindi niya maiwasan ang hindi magalit at halos pasigaw na sabi.
"Damn it!!dahil ba diyan kaya mo ako pinapahiya?edi sana pala kanina palang sinabi mo na.di sana nakaalis ako agad,hindi ko naman alam na doon ako dadalhin ni Ivan,at siya na mismo ang nagsabi na siya na ang bahala sayo."Sigaw ko rin pabalik sa kanya.
"Bakit kailangan pang magpaalam sayo,tuwing umaalis ka ba nagpapaalam ka sa akin?hindi naman ah,at wala din naman akong pakialam kung isama mo ang girlfriend mo.kaya okay lang sa akin,I really don't care."
Umiyak ako ng umiyak,wala akong pakialam kung ano ang sabihin niya sa akin,Sino ba siya para diktahan ako sa dapat gawin dito sa Cebu.
"Tiara,look!!I'm so sorry---sh*t you are crying."mabilis niyang hinawakan ang kamay ko para sana punasan ang mga luha na umaagos sa aking pisngi pero agad ko din naman na nilalayo ang sarili sa kanya.
"I wanna go home."sabi ko ng hindi na siya nagsalita pa ulit.
Ano ka ngayon?Siguro narealize mo na mali ka??
Pagdating namin sa bahay ay patakbo akong umakyat sa hagdanan papunta sa kwarto,narinig ko pa ang pag-aalala ni Yaya Sol ng mapansin ang pag-iyak ko.
"Iho anong nangyari,nag-away ba kayo?"
"Yaya Sol,pakitawagan nalang si Rina,cancel the dinner tonight at ang meeting ko sa MCIAA board."
Dinner?may pa dinner ka pa,at wala akong pakialam kung maapektuhan man ang trabaho mo.
Padabog kung sinara ang pintuan at agad na tumungo sa banyo,naligo ako ay nagbihis ng pambahay.wala ako sa mood para mag swimming ngayon kahit na gustong-gusto ko.
BINABASA MO ANG
Love at first sight
RomanceI never believed in love at first sight until the moment I met him. Kung kailan kong natutunan mahalin si Hendrixz ay siya din ang pagiging handa ni Ate Ellise na pakasalan siya. I am Tiara Hermosa, I was born rich and famous, pero nanatiling simple...