Chapter 26

1.7K 39 1
                                    

Hinagilap ko ang alarm clock sa side table ng aking higaan para patayin. It's already 5:00 0'clock in the morning, at heto ako pinipilit ang sarili na bumangon.

Ilang araw na akong hindi nakapag jogging,pakiramdam ko tuloy ay tumaba na ako.Walang tigil ang pagkain ko sa mga masasarap na pagkain ng pinoy. At syempre na miss ko iyon.

dala-dala ang tubig lumabas ako sa kwarto ni Evan. Kagabi kasi ay hinatid ako ni Byron dito, sinubukan pa niya akong pigilan pero sa huli ay sumuko din siya. Ayaw niyang mag-isa ako dito, pati na si Ivan ay napatawag dahil sa desisyon ko.

Pagkabukas ko ng pintuan ay kita ko kaagad ang dating kwarto ni Heinz, nag-unahan ang mga masasayang ala-ala na nagpaalala sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa naramdaman kong ito, pero natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakangiti. Oustside his unit. Mariin kong hinawakan ang pinto at pinunasan nalang ang luhang dumaloy sa aking pisngi.

Tandang-tanda ko pa kung ang huling gabing umuwi kami ni Heinz dito, bawat detalye ay kabisado ko pero sa tuwing maiisip na ginawa niya lang ang tungkulin niya para sa negosyo ng aming pamilya ay naintindihan ko.

Lahat ng pag-iintindi ay ginawa ko na kahit ang pag-layo  namin ng anak ko ay kailangan kong gawin para sa katahimikan ng lahat.

Inabala ko ang sarili sa pag jogging noong umagang yon, hindi ko din ni-replyan ang mensahe ni Ivan na bukas ng gabi ay nandito na siya sa Manila, kahit excited ako ay kailangan ko munang mag focus sa oras na ito dahil baka bukas o sa susunod na araw ay wala na akong oras mag-jogging.

Nilibot ko ang paningin sa paligid, nakakamiss pala talaga ang Pilipinas. katamtaman ang lamig ngayong umaga, nakikipag sabayan ang mga ibon na lumilipad sa mga taong nagtatakbuhan din tulad ko. Pansamantala akong tumigil at nagpunas ng pawis.

Umupo ako sa isang bench di kalayuan sa kinatatayuan ko.

"I wish I can bring back the time." I whispered.

Binalot ng lamig ang katawan ko ng maalala si Heindra, Ilang araw ko lang siya nasulyapan at halos agaw buhay akong dinala sa hospital, kung sana nakinig ako kay Byron at Ivan, di sana kasama ko siya ngayon.

May mga bagay talaga na hindi mo na pwedeng ibalik sa dati kapag nangyari na. Mga bagay na tsaka mo lang pagsisisihan kapag nawala na.

Pero kung may isang bagay man na hindi ko pinagsisihan ay iyong minahal ko si Heindrixz, hindi dapat ako galit sa kanya, Ako ang nagmahal, hindi siya. Hindi naman niya ako pinaasa, ako lang ang umasa. Pero bakit ganito?

Isang kamay ang naglahad sa akin ng panyo, doon ko lang napansin na umiiyak na pala ako. Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha para makita iyon. Hindi ako nakagalaw ng makita si Heindrixz, wearing a  black sando, jersey shorts and the latest jordan running shoes.

Napasinghap ako dahil doon, iniwas ang mukha at pinunanasan ang luha gamit ang aking kamay.

" hmm.."tumikhim siya at binalik ang panyo sa bulsa ng di ko ito kinuha.

"Ba-bakit ka nandito?"

Napalunok ako ng naglakad siya papunta sa kabila ko at pasimpleng umupo sa aking tabi. Hindi naman ganoon kami ganoon ka lapit pero ang pawis ko kanina ay dumoble pa yata sa ginawa  niya.

"May I know why are you crying?" seryoso niyang sabi. Our eyes met. Muli akong umiws, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung anong meron sa lalaking ito na sa tuwing magkakatinginan kami ay hindi ko alam kung bakit ako biglaang nanghihina.

"Wala..may naalala lang." tumingin ako sa malayo, binigyan ko muna ang sarili para mapakalma ang nahu-hurumentado na puso, lalo na't ang nakakatayong balahibo na tingin ni Heindrixz ay sa akin nakatutok.

Love at first sightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon