Chapter 7

1.8K 49 4
                                    


Heinz POV

"Hendrixz."  napatingin ako sa kama ng marinig ang pagsambit ni Tiara sa aking pangalan.

ang totoo niyan ay ayokong makasal sa hindi ko naman lubusang kilala, sadyang wala lang akong choice kundi sundin ang gusto ni Mommy at Daddy.

nagdalawang isip ako kung lalapitan ko ba ang babaeng ito, nagtataka lang ako,bakit niya tinabunan ang sarili g kumot. may mali eh.

lumapit ako sa kanya at sandaling pinagmasdan ang kumot sa kanyang katawan, hindi naman ganoon ka lakas ang aircon para lamigin siya.

"Tiara, wake up."sinubukan ko siyang gisingin, he's calling may name.siguro ay nananaginip ito.

at ano naman iyon?

hindi siya nagsalita,mahinang ungol lang ang response niya na na parang may sasabihin.

dahan-dahan kong binaba ang kumot mula sa kanyang ulo hanggang sa dibdib.

"syet!!!"hinawakan ko agad ang kanyang noo ng makitang halos.namamaga na ang kanyang mukha at ibang parteng braso at dibdib lalo na't naka off shoulder lang siya,

walang pag dadalawang isip ko siyang binuhat,halos mapatid na ako sa hagdanan sa pagmamadali.

"what happened Hedrixz," nagulat si Mommy ng makita ang mukha ni Tiara.

diretso ako sa pagkarga sa kanya,hanggang sa garahe ay nakasunod siya sa akin.

"hindi ko po alam, naabutan ko lang siyang ganyan na ang mukha. ang taas ng lagnat niya, dadalhin ko siya sa hospital,Mommy please call ou family doctor."

"okay,ako na rin ang bahala sa Tita Cielly mo.tatawagan ko sila ngayon.susunod kami ng daddy mo."

Pinasama ko na si Yaya Sol para may mag alalay kay Tiara sa likod kung saan ko siya ipinahiga.

I don't know what's happening to her, pero nakaramdam ako ng takot ng makita siyang nanghihina at ganoon ang mukha.

binilisan ko ang pagmamaneho, tuwing na napapatigil kami sa stop light walang ubang lumalabas sa bibig ko kundi puru mura.

"Fuck,wala na bang ibang daan dito."

"Anak, wag kang ganyan. magiging maayos din ang girlfriend mo."si Yaya Sol.

may kung anong kumurot sa aking puso sa huling narinig sa kay Yaya Sol.

she's my fiance, but my girlfriend is Gia.sinagot niya ako kagabi.

Fuck! I don't love Tiara, sadyang
shit bakit ganito ang mga nasaisip ko?

agad kong pinalipad ang sasakyan ng umilaw ang go signal.pagdating naman ay agad na inilipat si Tiara sa stretcher at ipinasok sa ER.

"ano pong nangyari Sir?"tanong ng isang nurse sa akin.

"naabutan ko nalang siyang ganyan,mataas ang lagnat may rashes at nanginginig sa lamig." diretso kung sabi.

"pasensya na sir,dito na po muna kayo..habang gagawan namin ng test ang pasyente. kaano ano niyo po siya Sir?"

natigilan ako sa pagsubok na silipin si Tiara sa loob  kwarto sa tanong ng nurse. Hindi ko alam kung ano ang isasagot.

"My fiance."tipid kong sabi,

"okay sir, sa ngayon po mas mainam ba kumuha nalang po muna kayo ng kwarto para sa malilipatan niya mamaya, at pwede po na doon nlang din kayo maghintay."

Nakatingin lang ako sa nurse,sinundan ko ng tingin hanggang sa isara niya ng tuluyan ang pinto.

I can't wait here.hindi ako mapakali.gusto kong malaman ang nangyayari sa kanya.

Love at first sightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon