Pauwi na kami ng gabing yon ng mapansin ko si Gia sa kotse ni Heinz na nakasandal.
"Si Gia..."sambit ko.
Nakapamulsa ang isang kamay ni Heinz, habang ang isang kamay ay nakahawak sa mga kamay ko. Simula kanina sa loob ay hindi na siya umalis sa tabi ko at hindi niya na ako binitawan, kahit may pagdududa hinayaan ko siya.
Sinubukan kong kalasin ang kamay ko sa kamay niya, pero imbes na bitawan ay mas lalo niya itong hinigpitan.
"Heinz. Please mag usap naman tayo. Hindi ko kaya na mawala ka sa akin..."
Nag-iwas ako ng tingin, sa totoo lang naaawa ako sa kanya, Hindi ko inaasahan na may mga babaeng ibababa ang sarili para lang maglimos ng pagmamahal. Ngayon ko lang napatunayn na ang pagmamahal ay hindi basta nakakalimot.
Muli kong sinubukan na alisin ang kamay ko ng lumapit si Gia, pero tulad ng naunang nangyari bigo ako. Huminga ng malalim si Heindrixz bago nagsalita.
"Gia, Tiara is my fiancee now. Alam mo iyon umpisa pa lang."
Nadako ang tingin ni Gia sa akin pati narin sa kamay namin, mahigpit na hinahawakan ni Hienz. Namumula ang mga mata niya at hula ko ay nakainom, isa din siguro sa dahilan ang alak kaya nagkakaroon siya ng lakas na loob para kausapin si Heinz. I wish I can drink too much too. Gusto ko din iyong tipong lasing na lasing para masabi lahat ng sama ng loob.
"You!ikaw babae ka...ang landi mo." She tried to snap me. Pero mabilis itong mga kamay ni Heinz na napigilan siya, ibiniaon ako ni Heinz sa kanyang mga dibdib.
"Gia please...!" Heinz shouted.
Noong una galit ako kay Heinz dahil nakikita kong hindi siya marunong makisama at rumespeto sa akin bilang babae, napaisip ako doon, ganon ba siya sa lahat ng babae o sa akin lang? Pero ngayon hindi ko inaasahan na kaya niyang sigawan ang isang babae na walang ginawa kundi ang mahalin siya.
Nagpatuloy iyong si Gia sa paghahampas sa akin hanggang sa mabilis akong tinabi ni Heinz at hinawakan siya sa magkabialaang braso.
"I already ended our relationship. And please stop blaiming Tiara..wala siyang kasalanan dito.. Ikakasal ako sa kanya kaya wala kang magagawa doon.. "Akala ko doon na matatapos ang lahat, pero hindi ng dumating pa si Rica at lasing na lasing din.
"Heindrixz... " Tumawa siya..
Halong awa at inis ang naramdaman ko ngayon para kay Heinz. Naaawa ako dahil bakas sa mukha niyang nahihirapan kung sino ang unang patatahimikin at kausapin ng maayos dahil parehong lasing.
Wala pa namang katao-tao dito sa labas, hindi pa kasi oras ng uwian kaya nasa loob pa ang mga tao, samantalang nauna naman sila Hailey, sumabay siya kay Zedrick at yung iba naman ay magkakasama ng umuwi.
"Pinagsisihan ko ng iniwan kita... Nangako ka. Aayusin natin to di ba?" mangiyak-ngiyak din niyang sabi.
Kung pwede ko lang takpan ang tenga ko ay siguro ginawa ko na. nalilito ako kung sino ang papakinggan sa kanilang dalawa ni Gia. Pero sandali, si Rica? So siya ang nang-iwan?
"Rica, please!" warning niya, siguro pinapatahimik din, sabay muking balik ng tingin kay Gia.
Lalong lumakas ang iyak ni Gia habang papasok sa kanyang kotse, nakakatakot lang. Lasing ito at wala sa tamang pag-iisip. tama ba na siya ang magmaneho?
I was about to dial Hailey ng muling nagsalita si Rica..
"You know how much I love you, at alam mo naman ang rason kung bakit ako umalis hindi ba? Nangako ka nga sa akin na maghihintay. but what happened? Girlfriend mo na iyong si Gia at ang saklap pa akala ko ba hindi ka papayag sa fix marriage ni Tita Ereza, bakit ngayon kailangan mong isugal ang pangarap mo sa magiging pamilya mo, ni hindi mo pa nakilala ng lubusan si Tiara.."
BINABASA MO ANG
Love at first sight
RomanceI never believed in love at first sight until the moment I met him. Kung kailan kong natutunan mahalin si Hendrixz ay siya din ang pagiging handa ni Ate Ellise na pakasalan siya. I am Tiara Hermosa, I was born rich and famous, pero nanatiling simple...