"Kailangan po na maiwas siya sa stress, mabuti nalang po at naidala siya kaagad. Panandalian lamang ang hindi niya pagsalita pero kailangan padin matutukan."
Sinundan ko ng tingin ang doktor habang palabas sa kwarto ni daddy.
Umiyak si Mommy, lumapit siya kay Daddy at niyakao ito, hindi ako nakapigil kaya tumulo narin ang luha ko, I didn't expecrt na ganito ang mangyayari, kung alam ko lang sana ay di na ako nagpakita sa kanila at...tuluyan nalang na nilayuan si Heindrixz.
"Kung di ka sana umapela ay hindi to mangyayari. Bakit kasi hindi ka nalang pumayag, hindi ka naman nakakatulong." Sigaw ni Ate sa akin.
"Hindi ko alam na mangyayari to."umiling ako at umiyak pa lalo. "Mahal ko si Heinz Mommy, hindi ko kaya ang pinapagawa ninyo." sagot ko.
"Mahal? Pwede ba Tiara, wala p isang buwan kayong nagkita at nagkakilala. mahal na agad.. Nababaliw ka ba?"
Kung nakakamtay lang ang titig ay baka matumba nalang ako bigla dito sa kinatatayuan ako., hindi ko kayang labanan ang tingin ni Mommy. She's still my Mom. Paano ko makakamit ang pagmamahal na hinihingi sa kanila kung patuloy na ganito.
"O baka mas malala pa ay nilandi mo na siya sa kama." Dugtong ni Ate. Hindi ako nakasagot at nagpatuloy sa pag-iyak kaya ams lalo siyang nagalit
"Kita mo Mommy, ang landi niya.." Sigaw muli ni Ate.
"Nagmana siya sa nanay niyang malandi..." Pagkasigaw noon ni Mommy ay kasabay ng pag-ungol ni Daddy habang tumutulo ang luha at mukhang nagmamakaawa na wag ng dugtungan ni Mommy ang sasabihin.
"Ano po ang ibig ninyong sabihin Mommy?" Pinunasan ko ang luha ko gamit ang mga kamay, at mariin siyang tiningan.
Umiling muli si Daddy, Mas lalo akong kinabahan.
"What Mom?" Hamon ni Ate Ellise.
Mommy sighed.
"Hindi kita anak Tiara, at hinding-hindi kita magiging anak."
Parang panaginip ang lahat ng nangyari sa akin kahapon, pagkatapos kong nalaman na hindi ako anak ni Mommyay di ko na kayang marinig ang susunod pa niyang sasabihin, kung hindi niya ako anak. Malamang hindi rin ako anak ni Daddy kaya siguradong adopted ako.
Hindi ako umuwi sa condo ni Heindrixz at lalong sa condo ko, dumiretso ako kay Nay Esme pero umiiyak siya at umiiling na wala siyang sasabihin sa akin gaya ng utos ni Daddy. Hindi ko maintindihan kung bakit kaya sa huli ay sumuko ako.
Bumalik ako noong gabi sa hospital,pinatay ko pa ang cellphone ko dahil tawag ng tawag si Heindrixz, ayokong lalo magulo ang isip ko kaya hindi ako handang harapin siya sa mga nalaman.
"bibigyan kita ng ilang minuto na kausapin si Larry. Lalagyan ko ng pera ang account mo. Doon mo ipagpatuloy ang pag-aaral mo sa California at huwag ng bumalik dito Tiara. Hayaan mong si Ellise ang ikasal kay Heindrixz dahil siya ang totoo naming anak." Iyon ang huling sinabi ni Mommy bago tuluyang kumabas ng kwarto.
Mahimbing na natutulog si Daddy, ayoko siyng magising pero masyadong napalakas ang boses ko ng umiyak.
"Kahit hirap na hirap akong malan ang katotohanan,. Daddy please talk! Bakit noon hindi niyo ito sinabi sa akin." Halos lumuhod ako sa kakaiyak sa sakit na naramdaman ko.
"Gusto kong malaman ang totoo. Sino po ba ang mga magulang ko, please po! Pleaseeee." naramdaman ko nalang ang pagpisil ni daddy sa kamay kong nakahawak sa kanya. Gising siya at umiiyak.
Pinalis ko ang mga luha sa kanyang mga mata at agad siyang niyakap. Kahit masakit, wala akong choice kundi ang sundin ang sinabi ni Mommy Cielly, sa kabila ng lahat pinalaki parin nila ako na may maayos na buhay kaya hindi ako basta aalis at hanapin nalang ang magulang ko.hihintayin kong bumalik ang lakas ni Daddy at kapag nalaman na ang lahat sa kanya ay tuluyan akong mamamaalam.
BINABASA MO ANG
Love at first sight
RomanceI never believed in love at first sight until the moment I met him. Kung kailan kong natutunan mahalin si Hendrixz ay siya din ang pagiging handa ni Ate Ellise na pakasalan siya. I am Tiara Hermosa, I was born rich and famous, pero nanatiling simple...