"Oh my God!!!!" sigaw ni Hailey ng makalabas sa arrival, sinundo ko siya bandang alas dies ng umaga kasama ang family driver nila Heinz, may meeting kasi ngayong umaga si Heinz kaya hindi na siya nakasama, imbes na hintayin pa namin siya ni Hailey ay pumayag naman siyang ang driver na ang maghatid sa amin.
"Hindi ako makapaniwala na ikakasal ka na sa susunod na buwan.ganon ba dapat kaaga?"
"nagulat din ako eh, pero kasi gusto ni Heinz na kahit mauna muna ang civil wedding namin."
Nagtakip siya ng bibig habang hinahampas ako sa balikat.. Natatawa ako kay Hailey, pero sa totoo lang hindi ko pa nasabi sa kanya ang bilis ng mga pangyayari sa amin ni Heinz.
"Gosh! I smell something fishy. close agad kayo? Parang gusto ko na rin magoa fix marriage."
Nakakaloka talaga si Hailey, tulad ko mamghang mangha si Hailey ng makapasok sa mansyon. hindi ko na nga mapigilan ang sarili na matawa dahil paiba-ib ang ekspresyon ng mukha niya sa tuwing nakikita ang mga magagarang mwebles na naka display sa sala mangin sa labas.
"Ma'am dito ba kayo kakain?" Si Kara.
"Oo Kara, baka uuwi din si Heinz dito, okay lang ba kung medyo agahan ang paghahanda? At pakihanda narin ako ng meryenda dito. Si Garyo na ang bahala na mag akyat ng gamit ni Hailey sa guest room."
"No Tiara, sa hotel nalang ako. nakakahiya sa pamilya ni Heinz."
"Sila narin nagsabi Hail, kaya okay na. gusto din ni Heindrixz na dito ka na lang dahil first time mo din dito sa Cebu."
Binalingan mo ng tingin si Kara at nginitian na ayos na ang lahat sa amin, nasa hardin kami ni Hailey nag meryenda. walang tigil ang bunganga niya sa kakadakdak ng kung ano-anong naiisip.
"Bakit biglang okay kayo ni Heinz na yon?" may pagdududa sa tanong niya. "Oh my G! Don't tell me------"hindi niya napagaptuloy ang sasabihin dahil mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig.
"Ano ka ba, may makarinig.." suway ko sabay bawi ng aking kamay.
"Grabe, Tiara.. Ang bilis, sabi ko na eh, bibigay ka. You love him,alam na alam ko eh. Nagkukuwento ka lang kung gaano ka kainis sa kanya pero may iba na.. ang dalagang pilina nga naman."humagalpak siya sa tawa ng sabihin iyon. Kahit na nahihiya ay napatawa nalang din ako.
Hindi ako nagkamali sa pagpili kay Hailey bilang isang kaibigan, maliban sa hinahangaam siya ng lahat sa galing niya manamit, ganda at yaman ay mabait ito at mahal na mahal ako.
"Basta ba walang iyakan lang..kasi kung iiyak ka. Naku!!!"
"Sino ang iiyak?"
Lumapit si Heinz sa akin at ginawaran ako ng halik sa noo, tinignan ako ng maigi sa mata at tsaka lang humarap kay Hailey ng makitang wala namang luha sa aking mga mata.
"Heinz, this is Hailey..my bestfriend.."painakilala ko sila sa isa't isa..
"Ay iba.."sagot ni Hailey bago kami magtawanan.
"Ang ibig niyang sabihin ay wag daw ako iiyak sa engagement party."
Naging maayos naman ang tanghalian yun ngalang imbes na dito si Hailey matutulog sa amin ay nag hotel siya dahil umuwi din ng Cebu ang mga magulang ni Ivan para sa isang birthday ng kamag-anak. doon na natulog si Hailey at babalik nalang sa mismong araw ng engagement party namin.
Tahimik at payapa ang buong mansyon ngayong gabi, Si Tita Ereza at Tito Resty ay maagang natulog para makapaghanda bg maaga para bukas. Samantalang kami ni Heinz ay gising na gising ang diwa na nag-uusap habang magkayakap.
Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng kapayapaan sa isang tao. Kapag nariyan si Heinz pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat, Maituturing ko ba na sa lahat ng napagkasunduan na ikasal ako ang pinakamaswerte, maliban sa mabuting tao ay mahal namin ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
Love at first sight
RomanceI never believed in love at first sight until the moment I met him. Kung kailan kong natutunan mahalin si Hendrixz ay siya din ang pagiging handa ni Ate Ellise na pakasalan siya. I am Tiara Hermosa, I was born rich and famous, pero nanatiling simple...