Drunk
Para akong artista ngayon na pinagtitinginan ng ibang tao dito sa loob ng Pancake House,ang ibang babae ay nagsisimula ng mag bulong-bulongan habang matalim akong tinatapunan ng tingin.
Siguro ay parehong kilala ang dalawang lalaki na ito dito sa Cebu.sa bagay hindi narin naman ako magtataka,parehong kilala ang mga magulang nila at ganoon din sa negosyo.
"Relax..I'm just here for Tiara,hindi mo naitatanong----"
"I don't care,nakikita mo bang kumakain kami.." sarkastikong sabi ni Heinz sa kanya.
Sa totoo lang,nakakahiya siya!pinapahiya niya ako,Si Byron lang naman ang kaisa isahang crush ko simula ng highschool,alam kong taga Cebu ito.pero doon siya nag-aaral sa Manila.tuwing bakasyon naman ay umuuwi sila dito kasama ng kanyang Mommy at Daddy.
"Hendrixz,ano ba.kaibigan ko si Byron at matagal na kaming magkakilala."suway ko,na lalo atang nagpainit ng ulo niya.
"You heared that my dear cousin?"sumilay ang ngiti sa labi ni Byron ng sinabi iyon.Nanlaki agad ang mata ko ng sa huling sinabi niya.napatingin ako kay Hendrixz na hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha at mukhang naiinis parin ito.
"mag-pinsan kayo?" tanong ko kay Byron.tumango lang siya at ngumiti sa akin.,OMG!kaya pala halos walang pinagkaiba ang dalawang ito,bukod sa makikisig ang katawan bukod na pinagpala ang mga mukha.
"Why are you here?--by the way naka enroll kana ba"sabi ni Byron.
Oh!muntik ko ng makalimutan, may plano din pala siya noon na i-enrol ang Bussiness Ad.siguro ay tinuloy niya na ito ngayon.
"may kikitain kami para sa engagement party namin."diretsong sabi ni Heinz sa pinsan.
Lalo atang dumami ang nanunuod sa amin ngayon,gusto ko nalang umalis para matigil na sa pag uusap ang dalawa na parang walang mapupuntahan.hindi ko sila maintindihan kung bakit ganiyan sila makipag usap sa isa't isa ngayong magpinsan naman pala.
"Guys,can we eat please?.pinatitinginan na tayo."sabi ko sabay upo.kahit nahihiya ako kay Byron ay wala akong choice kundi sabihin iyon para matigil sila.Abah!king may problema sila wag nila akong idamay.
"I'm sorry Tiara,hindi ko na kayo guguluhin.I'll go now..by the way,Itetext kita mamaya.pag hindi kana busy mag text ka lang.okay?" I nodded.
Hindi kami ganoon ka close ni Byron,lalo na't pag nariyan ang mga kaibigan namin.maliban nalang kung si Ivan at Hailey ang kasama namin,masyado siyang makwela at makuwento kaya siguro naging crush ko siya.
"Okay sige."kumaway ako sa kanya bago tuluyang umalis.ni hindi manlang nagpaalam ang magpinsan sa isa't-isa.
Pinagpatuloy ko ang pagkain,at kunwaring walang pakialam sa nangyari kanina,pero ang totoo niyan ay kinikilig ako na nakita dito si Byron,tatawag ako mamaya kay Hailey at sasabihin sa kanya.
"anong nginingiti-ngiti mo?" bigla nalang naputol ang imahinasyon ko sa isip ng marinig na nagsalita si Heinz.
"a-ako?ngumingiti?at bakit naman ako ngingiti."palusot ko.
"Abay malay ko,That's why I'm asking."
Hindi na ako nagsalita,umiling nalang ako at sinabing busog na.totoo naman kasing busog na ako,ayoko nalang din siyang magtanong kaya mas mabuti na yon para makaalis kami.
tahimik kaming lumabas sa kinainan namin,kahit na pinagtitinginan kami ng mga tao ay hinayaan ko nalang.Si Heinz naman ay mukha din walang pakialam,siguro sanay na siya sa ganitong eksena.yung halos lumabas na ang mata ng mga babae sa kakatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love at first sight
Roman d'amourI never believed in love at first sight until the moment I met him. Kung kailan kong natutunan mahalin si Hendrixz ay siya din ang pagiging handa ni Ate Ellise na pakasalan siya. I am Tiara Hermosa, I was born rich and famous, pero nanatiling simple...