RH (28)

1.1K 85 8
                                    

~~•👑•~~
*Jun*

"Yuks, asan phone ko?"

"Bawal ka sa cellphone ngayon, kailangan mong umattend ng class mo. Tsk tsk. Ilang beses ka ng lumiban sa klase mo tol"

"Tss! Kahit ngayon lang tol! Gusto ko lang kamustahin si Minghao"

"Mamaya na kapag tapos ka na sa pag-aaral mo. Delikadong maghari ang isang bobong katulad mo"

Napasinghap ako sa kaniyang sinabi. Ako?! Bobo! Aba't! Ano nalang siya? Walang utak?

"Babawiin mo rin yang sasabihin mo kapag ako na ang hari ng bansang  ito" confident kong sagot sa kaniya at itinaas pa ang ang chin.

#proud

"Siguraduhin mo lang talagang maging mabuting hari ka. Eh sino naman ang magiging reyna mo?" Tanong niya.

Napahagikhik ako, halata naman kung sino diba? Duh. Syempre yung taong pinagnanasaan- este inaasam-asam ko hihi!

Inaasam-asam ko, pero di ako gusto. Gago.

Pero alam niyo, may nafe-feel akong gusto niya rin ako. Hihi! Yung mga tingin niya rin kasi minsan. Alam niyo yung parang hinuhubaran niya na ako sa kaniyang isipan. Aigoo~ minghaoiie~ sabihin mo lang pagbibigyan naman kita ih.

Hindi joke kasi gusto-

Hahahahaha!

"Hoi. Anong klaseng ngiti yan. Punyeta mukha kang manyak" asik niya saka hinampas sa ulo ko yung isang malaking libro.

I frowned and massaged the sore spot on my head. "Syempre si Minghao. Sino pa ba? Wala akong ibang papakasalan kundi siya lang" sabi ko sa kaniya.

Kahit iharap niyo pa man sakin ang mga princessa sa buong mundo. Prinsipe pa rin ang hanap ko- charot.

"Diba ayaw ni nana mo sa kaniya?" Sabi niya.

//frowns// "magugustuhan niya rin si Minghao kapag nagkakilala na sila. Ganun talaga siya, husga at first. Pero kapag nakilala na niya ng lubusan, lalambot rin siya" sagot ko sa kaniya saka ininom yun tea na nasa harapan ko.

"Oh well, ang hirap ng papasukin niyo. Kung sakaling gusto ka niya, anong gagawin mo?" Tanong niya.

Kung sakaling gusto niya ako pabalik, ano ang gagawin ko?

DBKAHSKWSHKW- MENGENGESEY SHE KELEG EHE.

"Papakasalan ko kaagad sya para walang takas hahahaha" pabirong sagot ko sa kaniya.

"Gago. As if ganun lang kadali ano?" Kontra niya.

"Isa yun sa mga layunin ko kapag naging hari ako. Maaari ng umibig ang mga tao sa bansang ito, according to their sexual preference" sabi ko sa kaniya at may mga hand moves pa.

"Pero aalahanin mo rin na may mga taong tutol sa iniisip mo. In the end you have to side with the majority, wang zi" sabi niya.

Napaisip ako, oo nga naman. Bilang hari, kailangan ko ring isipin ang gusto ng iba.

Pots.

Ang hirap maging gwapo.

Luh, anong connection? Walang connection, parang kayo ng crush mo- chos.

"Kung ganun... syempre mahihirapan ako, kaming dalawa. Wala pa ngang kami, pero if ever na maging kami gagawin ko ang lahat para ipadama sa kaniya ang nararamdaman ko hihi. Ipaglalaban ko siya"

"Kahit na nakataya dito ang pangalan mo?"

"Yeah.."

"Kahit nakataya dito ang posisyon mo sa bansang ito?"

"...yeah"

"Kahit na nakataya ang pamilya mo?"

Doon ako natigilan. Kahit na nakataya ang pamilya ko?

Teka matanong ko lang, may pamilya nga ba ako.

"See? Hindi mo masagot. Kaya kung ako sa iyo, pag-isipan mong mabuti yan, Wang zi. Hindi sa pinipigilan kitang umibig kay Minghao. Pero sana isaisip mo ang mga nakataya sa ipinagbabawal ninyong relasyon, if ever man na sagutin ka niya"

.......

"Nasayo pa rin ang desisyon wang zi"

"Tangina ka Yukhei" pagmumura ko sa kaniya saka kinolekta ang mga gamit ko.

Tumayo ako dahilan para tumunog ang upuan ko at maagaw ang atensyob ng royal tutor ko. "I'm going to the cr" sabi ko sa kaniya.

"But-"

Hindi ko na siya pinakinggan pa saka lumabas na ako at dire-diretso sa paglalakad papunta sa kabilang wing ng mansyon.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang isipin ang mga sinabi ni Yukhei.

Tanginang unggoy na yun. Ang advance masyadong mag-isip. Huhuhu!

//sigh//

Binunot ko ang isang kwintas na palagi kong dala-dala. Eto nalang yung ala-ala ko sa batang naging kaibigan ko.

I flipped the pendant.

-haoie-

Nakita na kita, matagal kitang hinanap. Papakawalan pa ba kita?

~~•👑•~~

ROYAL HABIT ¤ JUNHAO ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon