RH (124)

609 52 8
                                    


-👑-

*Third Person's*

"(sorry the number you have dial—)"

"Tupang ina" mabigat na mura ni Minghao at muling tinawagan ang numero niya.

Gayunpaman ay wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Nakaupo siya sa isa sa mga lamesang bakante, mag-isa at ang tanging ilaw lamang na bumumuhay sa buong lugar ay ang nasa counter.

Pinaalis na ni Minghao ang dalawang naunang manggagawa. He texted Wonwoo to not come dahil nga sa sitwasyon. He closed the cafè and he's all by himself at the moment.

He composed a message to Junhui. Asking him for some clarifications about the sudden notice.

Sa totoo lang, kinakabahan siya. Alam niyang kapag nawala ang cafe na'to mawawalan na rin siya ng mapagtatrabahuan. It's hard to find a new workplace these days. Kokonti na lang din ang mga cafe na magbibigay ng sapat na kondisyon upang mapunan ni Minghao ang role niya bilang isang estudyante.

"(Sorry the number—)"

"Tsk"

Ibinaba na niya ang kaniyang cellphone at tumayo upang kumuha ng tubig. Kani-kanina lang ay determinado pa siyang pumasok sa trabaho, ngunit napalitan na ito ng inis at pagkalito.

Hawak-hawak ang papel na nagtatala ng pagkawala ng karapatan ng cafe. Binasa niya itong muli.

Until his eyes dropped on the last part.

It's Junhui's name with his sign on it.

He clearly agreed to shutting down his business. Does that mean he's shutting him down in his life too?

Pumikit at huminga ng malalim si Minghao. Hangga't wala pa siyang naririnig na kung anumang salita mula sa kaniya. Hindi siya gagawa ng konklusyon.

Maybe magtatransfer lang sila sa ibang building.

Maybe he's planning to renovate it.

However, wala sa papel ang mga iniisip niya. The cafe's shutting down.

*bell chimes*

Naimulat ni Minghao ang kaniyang mga mata. His eyes immediately went towards the entrance. Nakatayo roon si Jun Pyo at nag-aalalang nakatingin sa kaniya.

"What?" tanong nito sa kaniya.

Hingal na hingal si Jun Pyo, animo'y tumakbo mula Daegu patungong Busan.

"Someone... broke...into your apartment" hinihingal niyang sabi.

Nanigas si Minghao sa kaniyang puwesto. His heart almost stop after hearing Jun Pyo's words. Unang pumasok sa isipan ni Minghao ang kaniyang ina.

Walang sabi-sabing lumabas si Minghao. He went inside Jun Pyo's car, kaagad din namang sumunod si Jun Pyo.

"Si mama" nag-aalalang sambit ni Minghao.

"She's safe. Buti na lang at namalengke si tita. Pagkauwi niya naabutan na niyang wasak ang pintuan at kalat ang buong lugar ninyo" sagot ni Jun Pyo with his eyes still on the road.

"Damn"

"Bakit close ang cafe? Anong oras pa lang" tanong ni Jun Pyo.

"Hindi ko alam" sagot ni Minghao. Hindi niya talaga alam kung anong uunahin niyang iisipin.

Kung bakit ipinasara ni Junhui ang cafe? o kung sino ang may likod sa panloloob ng kanilang unit?

Either of the two, walang may positibong dahilan.

Wala pang fifteen minutes ay nasa harapan na sila ng apartment ni Minghao. May police tapes na nakapalibot sa bahay. The two unloaded the car and immediately approached the authorities.

"Minghao!"

"Ma!" sinalubong ni Minghao ng mahigpit na yakap ang kaniyang ina.

Punong-puno ng pag-aalala, he asked her few questions. His mom responded to his questions. Sunod na binigyang pansin ni Minghao ang mga awtoridad.

"Ano pong nangyare?" tanong nito sa kanila.

"May nanloob sa unit niyo hijo, nakakapagtaka lang ay wala namang ibang mga bagay na nakuha. Para bang may hinahanap lang ito" sagot nung pulis bago niya kinausap ang kapwa niya nagi-imbestiga sa lugar.

Kasama ang kinausap niyang pulis ay pumasok sila sa loob ng unit. Tumambad sa kaniya ang magulong lugar. Nakatumba ang mga cabinet, ang mga upuan ay nakatumba rin. He made his way to his room, nakahalughog ang bawat sulok nito. Ang kaniyang mga damit ay nagkalat sa sahig at sa kama. His drawers were all out.

Hahawakan na sana ni Minghao ang isang bagay ngunit sinabihan siyang huwag at baka may bakas ito ng finger print ng suspect.

Muling inilibot ni Minghao ang kaniyang mga mata. Hanggang sa isang bagay ang nakatawag ng kaniyang pansin. Nilapitan niya ito at kinuha.

Nasa sahig ito malapit sa bintana. The windows are open, indikasyon na ito ang naging labasan ng kawatan.

Nasa kamay niya ngayon ang ebidensya na may nanloob talaga. Isang hikaw.

Hindi nagsusuot ng hikaw ang kaniyang mama. Miski siya'y hindi nagsusuot ng hikaw.

Inilibot niya ulit ang kaniyang nga mata upang makahanap ng ibang ebidensya. Tantsa niya'y hindi pa masyadong naiinspeksyon ng mga pulis ang kaniyang kuwarto.

Naglakad siya patungo sa banyo, his eyes went wide with the letterings plastered on the mirror.

Die. Die. Die!



-👑-


"His blood will flow and his body will lay limp on the ground"

.

ROYAL HABIT ¤ JUNHAO ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon